Chapter Ten

5.1K 173 7
                                    

trigger warning// suicide, self-harm

**

Maaga akong nagising kinabukasan, pakiramdam ko lutang na lutang ako. Hindi na rin naman ako makatulog kaya nagtimpla na lang ako ng gatas habang nanonood ng TV. 

Hindi ko na alam kung ano'ng oras kami nakatulog ni Blaster sa sobrang dami niyang kuwento sa akin. 'Yung iba tungkol sa kalokohan niya sa buhay, 'yung iba naman tungkol sa gigs nila, pero sobrang nakaka-inspire dahil mas marami siyang kuwento tungkol kay Lord. Hindi naman ako gano'n ka-religious, but he made me re-think twice about my faith in God. Bawat salitang lumalabas sa bibig niya pag tungkol sa Kaniya ang kuwento niya, ramdam na ramdam ko ang saya niya, ramdam na ramdam ko kung gaano siya kasaya dahil sa mga blessings na patuloy na binibigay sa kaniya, in return naman (kahit sabi niya sa'kin, hinding-hindi niya mapapantayan ang kabutihan ng Panginoon) he uses the talent that God gave him to share how good and great He is.

Hindi ko tuloy napigilan, buong madali-araw na magkakuwentuhan kami, nakangiti lang ako. 'Di ko rin tuloy naiwasang mapatanong sa sarili ko kung ano'ng ginawa nila para ma-bash ng ibang tao. Sinagot din naman niya kung bakit, na sa buhay, kahit ano'ng gawin mong kabutihan hahanap-hanapan ka pa rin ng butas para hilahin ka paibaba. 

Kalagitnaan ng Episode 7 ng Riverdale, biglang nag-ring 'yung phone ko. Pinause ko muna 'yung pinapanood ko nang makita kong mag-flash sa screen ang pangalan ni Blaster.

Napangiti ako nang bahagya, "Bakit? Ang aga-aga, Blaster."

Natawa naman siya, "Sama ka mamaya? May gig kami."

"Kagagaling ko kahapon, Blaster," natatawang sambit ko at pinindot ang video call. Nakahiga pa siya sa kama at nakangiti, parang may pinapahiwatig. "Trip mo?"

"Baka magustuhan mo ngiti ko, e," sambit nito. I stuck out my tongue and made faces. Blaster pouted and sat down on his bed, trying to fix his hair. "Gwapo na ba?"

I shrugged my shoulders, "Pangit."

"Sus, pinayagan mo nga akong manligaw," sagot nito at natawa. Inirapan ko na lang siya at inayos na rin nang kaunti ang buhok ko. "Biglang nag-ayos ng buhok, e."

"Magulo."

Napangiti naman si Blaster, "Kahit magulo, ikaw pa rin ang gusto ko,"  sagot nito, dahilan para mapakagat ako ng ibabang labi ko. I'm not supposed to feel what I am feeling right now! Ano ba, Cass! "Tawagan na lang kita mamaya, tinatawag ako ni mama. See you!" Nag-wave muna ito sa camera bago niya in-end ang tawag. Napa-buntonghininga na lang ako at inilapag ang cellphone ko sa lamesahan at saka inubos ang kape ko.

Nararamdaman ko na naman tuloy.

'Yung kaba, 'yung takot, 'yung pangamba. Lahat. Parang hinahalo-halo nang paulit-ulit. 

Biglaan na naman, padalos-dalos na naman ako sa mga desisyon ko. Hindi ko na rin naman pwedeng sabihin na 'bata pa lang ako' dahil mage-eighteen na rin ako ngayong taon. 

Napa-buntonghininga na lang ulit ako at kinuha ulit ang phone ko. I decided to text my mom about what's happening between me and Blaster. She was cool with it as long as hindi naman siya makakahadlang sa studies ko. Maybe obvious na rin siguro, I'm not really a fan of the saying 'books before boys', although gets ko naman 'yung main point niya. For me lang naman, why waste your time studying kung mamamatay lang din naman tayong lahat sa dulo? Why not enjoy it na lang to the fullest?

Biro lang.

Hindi naman talaga 'yun ang rason ko. Siguro dahil deep-inside me, I still and I will always long for the love that my parents never made me feel. Na kahit sa ganitong paraan, maramdaman ko lang na kahit pa paano, may nagmamahal sa akin, na may nagpapahalaga sa existence ko bilang ako. 

Well, Dane--he was my temporary escape to my dreadful reality. Kahit isang buwan lang, he made me feel how important I am, na kahit pa paano, may halaga pa rin pala ako bilang tao. Na may silbi pa rin pala ako, that I am worth to be loved, that I am worthy of other people's love and affection. 

Kaya, although him, cheating on me with my bestfriend Meg was a hard pill to swallow, I chose and decided to just shook the thoughts away. Kahit masakit. Siguro dahil I feel indebted, na kahit maikling panahon lang pinaramdam niya sa'kin 'yung gano'ng pakiramdam na never kong naramdaman mula sa sarili kong mga magulang. Siguro dahil thankful ako, kahit pa paano, that he existed to make me feel what love is, or what it feels like to be important to someone else.

Siguro kaya I'm willing to take the risks again with Blaster, until now, I'm still longing for that feeling. Kahit hindi longtime, basta maramdaman ko ulit, basta iparamdam niya sa akin ulit. Kasi as much as I want to hide that I'm hurting, deep inside, gustong-gusto kong sumigaw kung ano'ng ginawa kong kashungahan sa past life ko para ma-deserve ang ganitong buhay.

Kaunti na nga lang, pwede ko nang sabihin na mga kaibigan ko na lang ang mga dahilan kung bakit buhay pa ako hanggang ngayon.

I've had series of failed suicide attempts, most of it weren't really executed, dahil bigla-bigla ko na lang mare-realize ang importance ng buhay. Some of it gave me a fair share of scars that will always remind me of my terrible and ludicrous life. I've tried cutting myself on my wrists, on my legs, on my hands--maybe just to wake myself up, to make me feel things, dahil minsan, I just feel so numb. 

When Dane came into the picture, it stopped. That was a year ago, when Meg introduced me to him during his break after their basketball practices. Sometimes, we'd hang out, only the two of us but we only identified it as friendly dates dahil kalat naman sa buong campus na crush niya si Meg. 

Though I could never lie to myself about my feelings. Hindi naman ako naniniwala sa love at first sight, pero no'ng nakita ko siya noon, pakiramdam ko tinamaan kaagad ako.

Until one day, some time in April, biglang nagbago ang ihip ng hangin. He suddenly asked me if he could court me, a month later, sinagot ko siya.

Tapos, biglang, poof. Naiiintindihan ko naman, ang masakit lang para sa'kin--na kaya pala talaga tayong palitan ng tao biglaan, kapag nagsawa na, kapag ayaw na. In either way, kahit ano namang gawin nilang pagtatago, malalaman ko rin naman siguro. Wala namang naitatago na sikreto na hindi nabubunyag.

Napa-buntonghininga na lang ako at tinext is Blaster.

To: Blaster

Sama ako.

I need to unwind... and Blaster, thank you.


By ChanceWhere stories live. Discover now