Prologue

28.2K 511 52
                                    

Typical Monday morning tuwing June.

Umuulan. Maraming estudyante. Maingay. 

Napasalpak na lang ako ng earphones sa tainga ko habang binabagtas ang hallway ng school namin. Akala ko papasok ako na kasama si Dane, boyfriend ko, o si Meg na bestfriend ko, pero wala. Iniwan na naman nila ako sa ere.

Napa-buntonghininga na lang ako at pumasok sa room. Hindi naman din ako tanga para hindi maramdaman ang pagtitig sa'kin ng mga kaklase ko.

"Bakit?" tanong ko kay Rinoa. 

"Hindi mo alam?" Napailing ako. Umagang-umaga iniinis nila ako. Unang araw ng klase, binibwisit nila ako. What's next? 

Rinoa sighed, "Magkasama si Dane at Meg kanina," sambit nito. 

"Sa'n sila pumunta?" I kept my calm. Magkaibigan din si Dane at Meg--they're not screwed up idiots who'd betray me. 

Kilala ko sila. 

"Baka pumunta sa canteen? Gusto yata ng kape ni Meg, e," sambit nito. Ngumiti na lang ako at napatango. Iniwan ko na 'yung bag ko sa tabi ni Rinoa at lumabas para sundan sila Dane at Meg. Hindi pa yata ako nakakarating sa canteen ay narinig ko na ang boses ni Dane. Lumapit ako nang kaunti sa pwesto nila, pero sapat na para hindi nila ako makita.

Ano 'to?

"Kailan ba natin sasabihin Meg?"

Bumuntonghininga si Meg, "Dane... bestfriend ko si Cass." Napamura naman si Dane. Hindi ko na namalayan ang unti-unting pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. 

It felt like my heart was being broken into pieces. 

Hindi ko alam kung paano napansin nila Dane na nandito ako. Ilang beses nila akong tinawag pero tumakbo lang ako papalayo sa kanila, papalayo sa sakit, papalayo sa lahat.

Lumabas ako ng gate ng school, hindi inalintana ang pagsigaw ng guwardiya, ang unti-unting pagkabasa ng uniporme ko. Tuloy-tuloy lang sa pagbagsak ang ulan kasabay ng pagbagsak ng luha mula sa mga mata ko.

"Miss!" Dinig kong sigaw ng hindi pamilyar na boses. "Miss!" Napatingin na lamang ako sa kaliwa ko, unti-unting lumalapit ang isang malaking bulto ng sasakyan. Hinintay ko na lamang na itulak ako papalayo ng trak, ngunit imbis na iyon ang maramdaman ko ay nakaramdam ako ng isang mahigpit na yakap--at ang pagkauntog ng ulo ko sa semento dahilan para mawalan ako ng malay.

**

A/N: Hi! Thanks for visiting this story--oddly enough, if you'd end up not really liking the story, we'd be the same. HAHAHA. I'd get where you're coming since this was the first novel I actually finished--not the best plot out there, very cliche, I know. 

Anyway, thank you, still since you're here! I hope you'd give a chance to some of my novels, too. :)

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon