Wizard's Tale 1: Chapter 41

Magsimula sa umpisa
                                    

"Good morning din sayo, Vander."

"Good morning, Vander." At sumabunot na ako kay Brylle. Hindi pa rin kasi tinablan ng hiya! "Ibaba mo na ako Brylle! Baka may iba pang makakita saatin!" Baka mamaya, maabutan pa kami ni Elysse! Eh hindi pa niya alam ang tungkol saamin.

"Sige na nga! Pero patutulugin pa rin kita mamaya." At saka niya na ako ibinaba. Hinampas ko siya sa braso pero inakbayan niya lang ako pabalik.

Tinawanan lang kami ni Vander na parang kinikilig! "Master! Good news po! Siguradong siguradong siguradong magugustuhan niyo ang ibabalita ko dahil good news yun at ikatutuwa niyo talaga!"

"Anong balita yun?"

"Si Master Lorcan po! Na-contact ko na! Pwede niyo na po siyang kausapin ngayon dun sa secret room!"

"That's a great news! Let's go!"

Pumasok kami sa secret room niya at lumapit sa isang salamin na matagal nang ginagamit ni Vander para ma-contact si Master Lorcan. Nang mapalapit kami doon, nakita na namin ang imahe ni Master Lorcan na nasa Otherworld ngayon.

"LOLO!" Nakita ko na uli si Lolo! Utang na loob ko sa kanya na napunta ako dito sa puder ni Brylle.

Pa-simple naman akong tinapik ni Brylle at saka binulungan. "Yana, wag mo siyang tawaging Lolo. Si Master Lorcan yan."

"Naririnig ko yun! Pabayaan mo siyang tawagin ako sa kung anong gusto niya, batang Zaffiro!" Batang Zaffiro? Ang cute naman ng nickname niya kay Brylle. Bata pa din!

"Kamusta po kayo Lolo? Hindi na kayo mukhang gusgusin!"

"Hahaha! Disguise lang yun noong una tayong nagkita. Ayos lang naman ako, Alyanna Rohan!"

"Kilala niyo po ako?" Sa pagkatatanda ko kasi hindi kami nakapagpakilala sa isa't isa. Hindi ko nga rin alam ang pangalan niya kung hindi sinabi saakin noon ni Brylle.

"Juskopong bata 'to! I'm a Class S Wizard, so of course I will know!" Teka, parang ganyang linya din ang paboritong ibida nitong si Brylle! "Mukhang ayos na ayos na talaga ang kalagayan mo ngayon? Hindi ka ba inaalipin ng amo mo dyan?"

"Hindi po Lolo! Mabait nga po sila saakin."

"Kakaibang balita yan. Ang batang Zaffiro, mabait?" At natawa siya. "Ahaha! Siya ang pinakamasungit at pinakamatigas ang ulo sa lahat ng wizard na naging apprentice ko!"

"Ahem, Master Lorcan..."

"Brylle? Nabalitaan kong matagal niyo na akong hinahanap ng iyong Garden Gnome, ano bang kailangan niyo saakin?"

"Nalaman namin sa isang leprechaun na nakakita sainyo noon na may hinahanap daw kayong Snow Vetter. Si Clerion po yun, tama po ba?"

"Oo. May nalaman kasi ako tungkol sa Snow Vetter na iyon. Meron siyang mahalagang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng nawawalang Lux Princess. Alam mo naman na bilang myembro fifth Family ng Lux, tungkulin ko na tumulong na hanapin pa rin ang prinsesa. Yun lang ba ang gusto mong malaman?"

"Hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa, Master. Hindi niyo na kailangan pang hanapin si Clerion dahil nahanap na po namin ang Lux Princess. Kaibigan po siya ni Yana."

"Ano? Ang prinsesa!" May kakaibang saya sa mga mata at sa boses ni Lolo nang marinig niya ang balitang iyon. "Nasaan siya? Paano niyo siya nakita? Ornus Moon Season pa naman ngayon! Maraming Dark Otherworlders ang nagkalat dyan sa Mortal World!"

"Yun nga po. Ganito yan Master..." Ikinuwento nga lahat ni Brylle kay Lolo ang mga nangyari. Simula nung mahanap namin ang Lux Amulet, nung maisip namin na si Elysse nga ang prinsesa, yung mga pangitain ng Byangoma at yung pangyayari tungkol sa Animus Reaper.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon