17

49 4 0
                                    

NIDRAE's POV

First time niya yatang ma-late ngayon? Lagi kasi siyang nauuna sa akin dito sa room at talagang maaga siyang pumapasok kaya this is unusual dahil nagsisimula na ang discussion pero wala pa rin siya.

I'm not concern, alright. It's just that...i'm curious? Tssss!

Wala ako sa focus sa pakikinig dahil maya't maya ay tumitingin ako sa may pintuan kung papasok na ba siya.

Nataranta ako nang makita ko nga siyang papasok na pero nakayuko naman.

Tsss! Maybe, one of her guys again. Tsk! Tsk! Napaka-unusual talaga dahil nagpapa-late na siya para lang sa lalaki niya? Psh!

Upon seating beside me, she's really preoccupied and i'm pretty sure that she's not listening to the discussion.

I ignored her because i'm a li'l bit pissed of the thought that she's acting like that just because of a guy. Psh!

Imbes na mainis ay nakinig na lang ako sa teacher hanggang sa matapos ang klase at nagbigay ng homework ang teacher namin bago kami dinismiss.

Pagtingin ko sa katabi ko ay tulala pa rin. I heaved a sigh.

Sinulat ko sa index card ang tinake-down ko kanina at saka naglagay din ng note.

"Here." walang ganang lapag ko sa index car sa table niya at doon pa lang siya natauhan.

"H-Huh? What's this?" halatang wala sa sarili. Lalo lang akong nainis. Instead of saying something, umalis na lang ako.

"Oh, pare! Bad mood?" siko sa akin ni Rhed.

"Tsss! Hindi." Tinatamad na sagot ko.

Papunta na kasi kami sa cafeteria at saktong nakasalubong namin si Kyrine.

I can say na, okay na kami ni Kyrine. Casual na ulit kami sa isa't isa at alam ko na rin ang tungkol sa kung anong meron sila 'nong Ion. We're not close but atleast, we talk.

Nang magkalapit na kami ay bigla siyang tumigil kaya tumigil din ako at nagpaalam na si Rhed na mauna na sa canteen.

"S-Si Shie? I-Is she okay?" nahihiyang tanong niya at hindi makatingin ng diretso sa akin.

Psssh! I knew it! Something happened to her and for sure na dahil 'yon sa lalaki.

"Why? May nangyari ba? Si Escueta na naman ba? I saw him earlier, he's with a new girl from other school." pang-iinsultong sabi ko.

"Huh? No. Matagal na silang walang communication ni Xander. A-no kasi, na-nagkasagutan kasi kami kanina and I followed her sa restroom, I heard her crying." sagot niya habang nakayuko.

Nakaramdam naman ako ng pagsisisi. Fvck? What am I thinking! At ano naman sanang pakialam ko kung lalaki ang dahilan niya? Why would I feel this way? Tch! Nag-away pala sila ni Kyrine kaya siya nagkakaganoon? Tss! Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon?

Basta ko na lang iniwan si Kyrine at bumalik sa classroom. Pero pagkapasok ko ay wala na siya roon.

NASHIE's POV

Gusto ko na sanang umuwi kaso naisip ko na magtataka si Mommy at sigurado akong tatanungin niya kung ano ang aking problema. Ayaw kong nagshe-share sa kanya ng mga ganitong problema ko. And I guess malaki na ako, I can handle things now on my own.

Napabuntong-hininga ako at tumingin sa malayo. Wala akong ibang mapuntahan kanina dahil kung pupunta ako sa canteen, for sure na nandoon si Kyrine at Ion pati na rin si Monster. It's not that i'm being childish but, I can't still face them. Masamang-masama talaga ang loob ko.

Napadpad ako rito sa may dulo ng field. Marami kasing mga puno rito at presko pa ang hangin. Naupo ako rito sa ilalim ng isa sa mga puno habang tanaw na tanaw ang kabuuan ng mga rooms sa buong campus.

Natigilan ako nang maaninag ko ang isang taong palapit sa akin. Hindi ko gaanong makita dahil against the light at masakit sa mata.

Nang unti-unting naging klaro kung sino ang taong ito ay parang gusto ko ng tumayo at umalis sa lugar na ito pero hindi magawang gumalaw ng aking sarili.


"Tch! What are you doing here?" inunahan ko na siya dahil hindi pa rin nawawala ang galit na nararamdaman ko para sa kanya.


"Well, I guess you need someone like a Monster to talk to?" hindi ko mawari kung nang-iinis na naman ba siya o seryoso sa kanyang sinasabi dahil sa pagngisi niya.


"No thanks. Just please leave me alone." irap ko at iniiwas ang tingin mula sa kanya.


"Ow, c'mon. Stop being stubborn and pretending. I'll listen." Pangungulit niya and this is very unusual. This is not him.



"Teka nga? Kailan ka pa naging concern sa akin? You're nothing but a Monster. You yourself stop pretending being friendly to me." this time ay hinarap ko siya habang matalim ang mga matang ipinukol ko sa kanya. "Tyaka, inuulit ko. Please leave me alone!" medyo tumataas na ang boses kong dagdag pa.



I heard him sighed. "Okay fine. Well, sorry for being such a Monster to you. Okay? I-I just can't understand myself either why-why I-..." hindi niya matuloy-tuloy ang kanyang sinasabi.


"Oh,please. I don't care and I don't need your explanation right now. Just please leave me alone!" inis na sabi ko at tatayo na sana nang hinawakan niya ang aking braso para pigilan ako.


"Stay and I have so many things to tell you." seryosong saad niya na ikina-kunot ng aking noo.


Ano bang problema ng taong 'to? Sa pagkakaalam ko'y wala kaming dapat pag-usapan dahil kahit magkababata kami ay never naman talaga kaming naging close sa isa't isa. Pero sa sinasabi niya ay para bang marami kaming dapat ayusin?

Court You, Marry You 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon