Prolouge

179 8 1
                                    

Letter

"Oh Levi, anong sadya mo?"

"Manong, magandang tanghali po. Dating gawi, magpapa-print po." Sabay abot ko ng flash drive kay Manong Resco.

Isa akong working student at trabaho kong magtype ng kung anu-anong documents, mapa-thesis, assignments, research at projects, ito lang kasi ang alam kong mapagkakakitaan ko sa legal na paraan dahil ako na lang ang bumubuhay sa sarili ko.

Bata pa lang ako ng mamatay ang nanay ko, ang sabi ay nabinat daw sa pagkakapanganak. Ilang taon ko lang ding nakasama ang tatay ko, mula ng mamatay kasi ang nanay ay wala na siyang ginawa kundi ang mag-inom at mag-sugal, maging siya ay hindi rin matanggap ang agarang pagkawala ng nanay. Madalas din niya akong pagbuhatan ng kamay noon dahil ako ang sinisisi niya kung bat nawalan siya ng asawa, hindi ko naman magawang magalit sa kanya dahil dalawa na lang kaming magkasama. Pero isang araw nagising na lang ako na nakahiga siya sa sahig, at wala ng buhay.

Masakit mang isipin pero walang tumanggap sa akin noon, walang sinumang kamag-anak ang may balak na kupkupin ako pero sabagay sino ba naman ang gugustuhing akuin ang responsibilidad ng iba?

Kaya naman simula pa noon ay sanay na akong mabuhay ng mag-isa, walang kasama, walang inaalala....

Graduating na ako ngayong taon kaya todo kayod ako para makapasok sa isang unibersidad na alam kong makakatulong para matupad ang mga pangarap ko. Hindi naman ibig sabihin na mag-isa lang ako ay mawawalan na ako ng pangarap, hindi ba?

"Eto na lahat, 76 pesos lang lahat hija." Ani ni Manong Resco, agad ko namang kinuha ang mga papel kasabay nito ay ang pag-abot ko ng tamang bilang ng pera.

"Salamat po manong, sa uulitin."

"Hay nako hija, sinabi ko naman sa'yo diba? I-send mo na lang dito ang mga files para di kana mahirapan sa pagpunta at pagbalik." Hindi ito ang unang beses na sinabihan ako Manong Resco, at lagi namang ngiti lang isinusukli ko sa kanya.

"Mauna na po ako, salamat po uli." At umalis na ako sa printing shop, hindi naman ganun kalayo ang shop nila manong sa bahay pero kung ganitong tirik ang araw at paminsang-minsang pag-ulan ay hindi maiwasan ang pag-aalala kay manong. Hindi ko maiwasang mangiti dahil kahit papano'y may nag-aalala sakin.

Masakit sa balat ang sikat ng araw at mainit din ang ihip ng hangin kaya naman halos takbuhin ko na ang daanan makauwi lang sa bahay ng may biglang....

Bumangga sa akin na poste. Haaays, ayan sa katatakbo di ko na tuloy namalayan ang dinaraan. Agad namang naagaw ang aking pansin gawa ng makita ko ang mga nakasulat na anunsyo sa karatulang ito.

"Announcement:

Ikaw ba ay malungkot? Pagod ng mag-isa? Gusto mo bang hanapin ang kapares mo ng walang kahirap-hirap?

Presenting...

U&I!

-no age limits
-open to all genders
-free

Just call 546-7326 or message our FB page: U&I

What are you waiting for? Call now!"

Aba, uso pa pala tong ganito? Oo, malungkot ako. Oo, pagod na akong mag-isa. Pero hindi ko kailanman ginusto na iasa sa isang dating churvalo ang kapalaran ko mahanap lang ang kapares ko sa buhay...

Alam ko namang hindi lang ako ang nag-iisa sa mundong ito. May mga taong buo nga pero pakiramdam pa din nila'y nag-iisa sila marahil hindi siguro sila kuntento... at ako na literal na nag-iisa ay masaya akong kasama ang sarili ko, dahil kagaya nga ng sabi ko na kapag mag-isa ka, wala kang kasama at wala kang inaalala.

It's You-COMPLETEDWhere stories live. Discover now