IV

58 5 1
                                    

First Time

Tahimik ang naging byahe namin at wala pang 15 minutes ay nakababa na kami sa jeep, pagkadating ay agad kaming dumiretso sa Sm Department Store para makapagsimula na sa pamimili.

"You do that everytime?" Ani ni Keith.

Pansin kong kanina pa siya tahimik kaya nagulat ako ng magsalita ito.

"Huh?"

"I mean, lagi kang sumakasay sa jeep?"

"Hmm oo, bakit?"

"Ahh wala lang." Aniya at nagsimula nang magtulak ng cart.

Di ko nalang ito pinansin at nagsimula na din akong maglakad patungo sa section ng mga prutas. Una kong kinuha ay ang mangga, namimli pa ako ng sariwa at hinog nang may inabot sakin si Kieth.

"Fresh yan." Aniya.

Agad ko naman itong tinignan at ay nilagay na sa cart, bumili ako ng isang kilo pagkatapos ay saging naman ang pinagdiskitahan ko.

"So..." Panimula ni Keith. "Anong pinagkakabalahan mo sa buhay? Bakit ka nagje-jeep? Wala ka bang driver o service man lang?"

"Hmm wala." Tipid kong sagot.

"Ahh okay." Aniya at mukhang nag-iisip pa ng mga maari naming pag-usapan.

"San mo balak mag-college after this schoolyear?" Sambit niya.

"Gusto ko sana sa Quire University kaya nagsisikap akong mag-aral para sa scholarship exam nila."

"Scholarship? You mean you can't afford the tuition fee?"

Napataas ang kilay ko sa narinig.

"Syempre hindi, magaa-apply pa ba ako ng scholarship kung afford ko naman."

Parang baliw naman to, hindi pa ba obvious? Hmm sabagay, mukhang mayaman naman kasi kaya minamaliit lang niya ang mga scholars na tulad ko palibhasa kayang-kaya naman nilang bayaran lahat.

"Actually were the same. Gusto ko din doon mag-aral at gusto ko ding mag-apply ng scholarship." Aniya.

"Huh? Bat naman?"

"Gusto ko na kasing bumukod..." aniya at inabala ang sarili sa pamimili ng saging "my mother and father died 10 years ago because of car accident at dahil doon kila tita na ako tumira. But they never treated me like a family, pinagkaitan nila ako sa sariling kong pera at ng mga magulang ko. Kaya gusto ko nang bumukod para ipamukha sa kanila na kaya kong tumayo mag-isa, na kahit ulila na ako kaya kong mabuhay."

Kahit papano pakiramdam ko'y maswerte pa din ako, kasi kahit lumaki ako ng mag-isa kailanma'y hindi ko naranasang pagmalupitan ng mga taong tinuring kong kapamilya. Pareho kaming ulila ni Kieth pero hindi kami pareho ng sitwasyon, masakit sa pakiramdam ang mawalan ng pagkakataong makilala ang ina at mamuhay ng normal kasama ang ama dahil maaga silang kinuha sa akin pero tingin ko'y wala nang mas sasakit pa na sa isang iglap na lahat ng pinagsamahan at binuo niyong pangarap ng mga pamilya mo ay magiging alala na lamang. Hindi ako lumaki sa pagmahahal dahil sa kalupitang pinaranas sa akin ni papa noon kaya mas tumatag ako hindi katulad kay Kieth na parang pinaglaruan ng tadhana, ibinigay ang lahat-lahat kayamanan, magulang at pagmamahal pero agad ding binawi. Kaya kahit papano'y pakiramdam ko nagkaroon ako ng kakampi.

Hindi ko alam kung anong sasabihin dahil masyadong naging seryoso ang usapan, at di ko din napansing nakatitig na pala ako kay Kieth.

"Hmm ikaw?" Aniya at nilingon ang gawi ko.

"Ano?"

"Mag-share ka naman, bakit mo kailangang kumuha ng scholarship?"

"Pareho kasi tayo, ulila na din ako."

"A-ah okay kailan pa?" Aniya at tinulak na ang cart sa section ng mga gulay, sumunod din naman ako.

"Namatay si mama sa panganganak sa akin, si papa naman 12 years ko lang nakasama kasi namatay siya. Masyado niyang dinamdam ang pagkawala ni mama kaya sa alak at sugal niya binuhos ang galit at pangungulilang nararamdaman, minsan pag walang pera ako naman akong pinagbubuhatan niya ng kamay."

Mukhang di rin makapaniwala si Kieth na naririnig.

"Pero di tulad mo, lumaki ako ng mag-isa. Wala kasing kamag-anak namin ang may balak na kupkupin ako kaya ayun, nagkayod akong mabuti para mabuhay kahit sobrang hirap."

Bumalik na naman tuloy sakin ang mga alala noon, pero ayos lang. Masaya ako at proud dahil nakayanan ko lahat yun, at ngayon walang dahilan na sumuko pa ako...

"Really? Paano ka nabuhay? Sinong nagpa-aral sayo? Nagpapakain?" Sunod-sunod niyang tanong.

Napangiti naman ako, nakakagaan pala sa pakiramdam na mag-share sa ibang tao ng napagdaanan mo at ang malamang nag-aalala sila ay nakakatuwa.

Ikinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari hanggang sa kasalukuyan...

"Ah kaya pala nung nakita kita dinudumog ka ng mga classmates mo." Ani ni Kieth

"Oo, nakita nga rin kita nun pero di kita namukhan."

Tapos na kaming mag-grocery at balak ko na ding umuwi dahil alas syete na pala ng gabi, may mga assigments pa akong gagawin. Magpapaalam na sana ako kay Kieth nang pigilan niya ako aniya'y kumain daw muna kami.

"Ano ka ba, wala akong pera tsaka nakakahiya naman sayo."

"Okay lang sagot ko naman eh, tsaka bumawi ka na lang sa susunod." Sabay kindat sa akin.

Natawa naman siya dahil mukhang nakita niya ang problemado kong mukha.

"Biro lang, pero tototohanin ko talaga yun pag di ka sumama." Banta niya.

"Hmp. May choice pa ba ako?"

Masaya palang magkaroon ng kaibigan na mapagsasabihan ng pinagdaanan mo sa buhay, yung mga kaibigan ko kasi dati mukhang iba naman ang habol sakin kaya balewala lang din.

Agad din naming naubos ang inorder na pagkain ni Kieth, mukhang pareho kaming napagod sa kaka-grocery at kakakwentuhan.

"Mauuna na ako Kieth." Pamamaalam ko.

"No, ihahatid kita."

"P-pero-"

"Kaya mo bang dalhin ang lahat ng 'to?" Aniya at inangat ang tatlong malalaking plastik ng Sm, buong akala ko'y dalawa supot lang ang dala ko yun pala may tatlo pang hawak si Kieth.

Napailing naman ako bilang pag-tanggi. Nagulat ako ng bigla niyang guluhin ang buhok ko, nagangat ko ang tingin sa kanya  at napansing ibang klaseng ngiti ang tumambad. Isang ngiting... halatang masaya.

Hindi ko alam pero tingin ko'y ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng kakaibang ligaya, isang ligayang natanggap ko mula sa isang kaibigan.

It's You-COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt