"Okay. Done." si maki na nakabalik na sa pwesto nya. "Tara. Kain na tayo, para makabalik ka na sa dorm nyo. Mukhang may gagawin ka ata eh."


"Ah, oo. Meron nga." sabe ko sabay smile sa kanya. Naging magaan at tawanan minsan yung naging tema ng meryenda namen ni maki.


Panay ang laglag nya kay beatriz eh at tuwang tuwa naman ito sa ginawa nyang pangbubuking sa kaibigan. Ang tanging sabe nya ay nakaganti na rin sya sa pangbubully sa kanya ng pasaway na yun, sa kabilang banda naman ay parang mas nakilala ko pa si beatriz dahil sa mga ikinukwento ni maki, at malaking pabor sa kin yun, hehehe....😅


Biglang sumagi sa isipan ko yung nangyare sa club 2 weeks ago, nag aalangan akong magtanong pero di talaga ako mapakale, kelangan kong malaman yung totoo.


"M-maki....?"


"Hmm..." si maki na di ako tiningnan. Busy sa phone nya habang nakain ng fries.


"U-uh.....Y-yung sa club?.....Yung get together nyo ng mga poveda friends nyo ni bea?......A-ano kase....." nubayan? nahihiya akong itanong pero andito na at naumpisahan ko na kaya..... "Yung huling dumating sa club....." napaangat ng tingin sa kin si maki kaya nagpatuloy ako. "S-sino sya?.....Ang ibig kong sabihin.....uhm, anong m-meron sa kanila ni beatriz......Dati?"


Hay salamat! Natanong ko din! phew!


Biglang nagiba yung itsura ni maki, biglang nataranta(?) Basta nag iba yung aura nya ng tanungin ko sya tungkol dun.


"Janna.......hmm...." ako na inaalala yung last name ng babaeng yun sa club. "Yun! Padilla.....Janna Padilla, di ba?"


"Uhh.....y-yeah....Janna nga yung name nya tas Padilla naman yung surname nya.....hehehe...." tas muling nag patuloy sa pag kain at nagpakabusy sa phone nya ulit.


"Maki.....S-si beatriz at si Janna ba.....D-dati....." ako na kahit di sya nakatingin sa kin ngayon ay mataman ko syang tinitingnan.


Napahinto sya sa ginagawa nya tas nag angat sya ng tingin at nasaktong nahuli ko yun kaya walang takas yung ganong tinging alanganin sabay ngiti din netong parang nasukol.


"Please, maki, sabihin mo sa kin." sabe ko na may halong nakikiusap. "Netong mga nakaraang mga araw kase parang nag iba si beatriz, para kaseng ang lalim ng iniisip nya. Tas medyo naging cold din sya sa kin, ewan ko kung totoo yun o pakiramdam ko lang yun."


Napabuntong hininga si maki, ibinaba nya yung phone nya tas umayos ng upo at tumingin ng diretso sa kin. "Dapat kase di ako yung nagsasabe sayo neto----"


"Sorry." mabilis kong sabe kay maki. "Pero kase---"


"Okay. Naiintindihan ko." putol din sa kin ni maki. "Para rin naman kaseng di magkukwento sayo si bea eh......" muling bumuntong hininga itong kaharapan ko. "Tsk.....Ganto kase yun jho.....Uh.....Si bea at si janna ay.......ex-MU's." malumanay na sabe ni maki. "Uhm.....Dun kase sa poveda sila yung always magka classmate. Naging mag close sila, As in super close-----Parang kayo ngayon ni bea. Super Duper Really close, humantong pa nga yun noon na naging magbff na sila. Alam naman namen na Bisexual si bea, actually kame ang unang napagsabihan nya tungkol sa gender nya, alam din yun ni janna. Madalas nga nameng pagtalunan yun dati kase mas marame syang time pag si janna na yung pinaguusapan, Nagselos kaya kame ni cel dyan dati eh, dahil kinukuha ni janna yung time na dapat kame lang tatlo dapat kaso nga dumating sya sa buhay ng isang bea de leon kaya medyo---uh, naging mas natuon yung atensyon nya kay janna." inaalala talaga ni maki ang nakaraan eh, halata sa kanya po. "Dati indenial pa si bea sa true feelings nya kay janna eh pero eventually, bumigay din ang ang lola mo, sabagay yung tipo kase ni janna ay gf material eh. Marameng nanliligaw dun dati kahit sabihin mong napakasimple lang yung itsura nya, one of the boys kase sya. Di sya maarte, kalog, mabait, matalino, thoughtful and sweet kaya siguro nahulog ang de leon. As in truly madly deeply inlove sya kay janna DATI. Di na makapagpigil ayun nanligaw for the first time si Isabel...."


Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now