Chapter 3: Twice a week

Start from the beginning
                                    

Humarap ako sa kanya.

"Bakit hindi? Yung naman ang totoo." sagot ko sa kanya.

"Akala ko....wala na kayo." malungkot na sabi nito.

Hindi ako sumagot.

"She knows all about you. Lagi kitang kinukwento sa kanya. She knows what happened between us. Gustong gusto ka niyang makilala."

Ako? ako ba ang tinutukoy ng mama niya na sinasabi ni Ambrose na girlfriend niya. Kaya pala kung makapag react yun nanay niya ganun na lang. Natatawa ito nung sinabi kong may boyfriend ako at mukhang inaasar pa niya si Ambrose nung tanungin niya kung may boyfriend ako. At nung awatin niya yung babaeng linta na sumunod.

"Bakit ikaw, may..... girlfriend ka naman di ba?"

Tumawa siya. "Wala akong girlfriend. At wala akong naging girlfriend." Lumapit siya at hinawakan ako sa baba. "Pero malapit na ulit akong magka girlfriend."

"Sino yung babaeng maputla na yun?" tanong ko.

Kumunot ang noo nito. "Sino? Si Chelsea?" Niyakap niya ako. "Kababata ko yun. Selos ka namn agad."

Lumakas yung tibok ng puso ko.Di ko matagalan yung mag titig niya. Tinanggal ko ang kamay niya na nakayakap saken.

"Ang malas naman ng babae na yun kung sino man yun." biro ko sa kanya. Ang babaeng malapit na niyang maging girlfriend ang tinutukoy ko.

Sumeryoso yung mukha niya. " Bakit ganun ba ang naramdaman nung maging tayo?" tanong nito.

"Oo. Napakababaero mo kasi." nagmamadali akong lumabas pagkasabi ko nun.

Marahas niya akong hinawakan ulit sa braso.

"Sobra ka namang magsalita. Hindi mo alam kong ano ang totoong nangyari. Hindi mo nga hinayang magpaliwanag di ba? Iniwasan mo ako ng ilang buwan. Pinagtabuyan mo ako. Hindi na nga kita pinipilt makinig saken di ba. Pinagbigyan kita kung anong gusto mong gawin. Pero gumagawa ako ng paraan para patunayan sa'yo na hindi ako kagaya ng iniisip mo." ramdam ko ang bigat ng kalooban niya nung sinabi niya ang mga ito.

" After nung iniwasan mo ako, hindi ako nagka interes sa ibang babae. Sasabihan mo pa ako na babaero ako. Sana ganun na lang eh. Para ganun nan lang kadali saken ang lahat at nang hindi na ko nahihirapan. Na ibaling sa iba ang atensiyon ko. But I cant force myself to do that. Because I still love you. " emosyonal na sabi nito.

 "There is no single moment that I never thought about you. You have no idea how I missed you so much. Kaya gagawin ko ang lahat para patunayan sa'yo ang lahat ng mga sinabi ko. Kaya please, hayaan mo na lang ako. Wag mo sana ulit akong iwasan." parang nagmamakaawang sabi nito.

 Magsasalita sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang babaeng linta. Bwisit. Ang ganda na nga ng moment eh. Pumulupot na naman ang kamay nito sa braso ni Ambrose.

"I have something for you. Come, I'll show you." masayang sabi nito.

"I'll check it later. Nag uusap pa kasi kami." malamig na sabi nito kay Chelsea.

Sumimangot ito. Bumitaw siya kay Ambrose at nilagay niya ang mga kamay nito sa beywang niya. She gave me a disgusted look. "I'll wait." sabi nito.

Naiiling na lang si Ambrose. Napaka insesnsitive ng babaeng ito. Hindi ba niya alam ang salitang privacy. O nanandya siya kasi ayaw niya makapagsolo kami ni Ambrose.

Kinuha ni Ambrose ang mga boxes saken at hinawakan ako sa kamay. "Let's go downstairs." sabi nito na parang ako lang ang kausap niya.

Hindi ko alam kung saan dinala ni Ambrose ang mga boxes na pasalubong saken ng mama niya. Lumabas siya kasi bitbit ang mga ito.

Nakita ulit ako ni Alexa. "Where have you been ate? Akala ko umalis ka na agad." sabi nito. "What do you want? I'll get you something to eat." malambing na sabi nito.

Sino ba naman ang hindi mapapalapit sa bata na ito. Napakabait at napaka sweet.

"Talaga? Oh sige, I'll get you somthing to eat din, ok ba yun?"  sabi ko.

"Sige" masayang sabi nito.

Alam ko kung ano ang mga paborito ni Alexa. Kaya nagsimula kong punuin ng favorite food niya ang plate na hawak ko.

"Oh, di ba may allergy ka sa shrimps." nagulat ako nasa tabi ko na pala si Ambrose.

Napatingin ako sa kanya. "Kay Alexa 'to." sabi ko.

Tumingin siya sa kapatid niya na may hawak na plate. Nagtataka siguro siya kasi may hawak din na pinggan yung kapatid niya. "This is for ate Jess." sabi nung kapatid niya na parang sinagot ang tanong niya.

Sumimangot ito. "Eh pa'no ako, sinong kukuha ng food ko?" parang batang sabi nito. Nakakatawa yung hitsura niya. Umalis ito at maya maya may dala siyang isang pinggan. Kinuha nito yung pinggan na hawak at binigay yung bakante na plate saken.

"Ako na lang kukuha ng food ni Alexa. Ikuha mo naman ako ng food ko." naglalambing na sabi nito at tumitig siya sa mga mata ko. At sino ba naman ang hindi papayag kung tingnan ka ba naman ng ganyan kalagkit. Para akong robot na sumunod sa kanya.

Alam ko lahat ang paborito niyang pagkain. Sa isang table kaming tatlo kumain. Todo asikaso saken ang magkapatid. Si Alexa kulang na lang subuan ako. Namiss niya talaga ako. Hayy naku at syempre hindi rin nagpatalo si Ambrose. Paminsan minsan sinusubuan niya ako. Sa totoo lang naiilang ako. Ayoko lang magpahalata kay Alexa.

"Ate Jess, can you visit mo often? Na mimiss ko na ang mga bedtime stories mo." sabi nito.

Nagakatinginan kami ni Ambrose. Ngumiti ito. Namula ako. I know what he's thinking. He is thinking about those times we sneaked into his room after kong kwentuhan si Alexa para makatulog. We were so...wild....and... impulsive during those times. After nung unang may mangyari samen, parang naging mas intimate ang relationship namin. We just couldn't get enough of each other. Ang bago pa kung saan makarating ang imagination ko, nagsalita ulit si Alexa.

"Sige na ate Jess. Busy ka ba masyado. Kahit twice a week lang sige na please." sabi nito.

Nag isip ako saglit. Pwede kong isingit ito sa schedule ko. Tutal wala naman si Ambrose dito sa condo na daw niya nakatira.

"O sige, dadalawin kita twice a week."  nakangiti kong sabi sa kanya.

"Yeheey! Promise yan ha!" tuwang tuwang sabi nito.

"Promise!" natatawang sabi ko sa kanya.

Nakangiti si Ambrose habang nakatingin saming dalawa.

"Ikaw anong nginingiti ngiti mo dyan." nakapamewywang kong sabi sa kanya.

Lumapit siya saken at bumulong. "I think I can also visit Alexa twice a  week." makahulugang sabi nito.

========================================================================

Update will be once a week for this, habang tinatapos ko ang YPOM.

May picture pala si Jess sa gilid.

Thanks for reading!

Hanggang sa muli.

*-* fujeeko

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Where stories live. Discover now