Chapter 3: Twice a week

Comenzar desde el principio
                                    

Ang alam ko kasi nasa states ito at bihira umuwi. Separated kasi ang parents nilang magkapatid.

"Oo dumating sila kagabi." sagot nito

Papalapit kami sa dining table kung saan andun ang mama niya. May dalagita na sa tingin ko mas bata saken ng 1sang taon. Kapansin panisn ito sa sobrang iksi ng shorts at naka spaghetti strap . Pagakakita kay Ambrose, tumakbo ito palapit at yumakap dito.

"HI!" sabay halik sa kay Ambrose sa lips. "I miss you!" sabi nito.

Napayuko ako. Naninikip ang dibdib . Sino itong babae na'to. Girlfriend kaya niya? Bakit siya hinalikan sa lips. Akala ko ba mahal pa niya ako. Bago pa makapagsalita si Ambrose lumapit ang isang babae na sa tingin ko ay mama niya kasi kamukha ni Alexa. Sa tingin nasa late forties ito. Maputi at slim.

Marahang inalis ni Ambrose ang kamay nung linta, este nung babae na nakayap sa kanya

"Ma, I want you to meet Jessica." tumingin saken si Ambrose. "Jess, this is my mom. And this is Chelsea."

Ganun lang. Hindi naman niya sinabi na girlfriend niya ito.

"Kumusta po kayo." sabi ko sa mama niya. Obvious ba na hindi ko pinansin yung linta.

"You're very pretty. Is she the girl that you've been talking about the whole time? Is she your girlfriend?" nakangiting sabi nito.

Ano bang pinagsasabi ng mama niya. Sino itong kinukwentong babae ni Ambrose sa kanya na girlfriend niya eh wala na kami. May iba pa ba? So, hindi niya girlfriend itong babaeng linta na'to. Bago pa sumagot si Amborose sumagot ako.

"Hindi po." mabilis kong sagot.

Napatingin saken si Ambrose. Kita ko ang pagdilim ng mukha ni Ambrose.

"Ow!"sabi nito at tumingin kay Ambrose na parang nang aasar. "Do you have a boyfriend?" sabi nito at nakangiting nakatingin kay Ambrose

"Meron po." sagot ko tapos inirapan ko si Ambrose. Ang kapal ng mukha niyang makipag balikan. Eh sino naman tong babae na kinukwento niya sa mama niya na girlfriend niya. Isama pa itong isang americanang hilaw na ito na halatang may gusto sa kanya.

Tumingin si Ambrose saken ng masama. "Oo dati yun ma, pero ngayon wala na sila."

"Kami pa rin, nagkabalikan kami." madiin ang pagkakasabi ko nito.

Ano ba ang gusto niyang palabasin. Na wala na kami ni Tyler. At bakit kailngan pa niya itong sabihin sa mama niya.

Sasagot pa sana si Ambrose kaso ng sumingit na yung mama niya.

"Tama na yan." natatawang sabi nito. "Siyanga pala, I have something for you iha. Carl, can you show it to her. It's in my room." sabi nito kay Ambrose.

Pati mama niya Carl din ang tawag sa kanya. Ako lang ata ang tumatawag sa kanya ng Ambrose at mga schoolmates niya. Hindi nagsalita si Ambrose pero hinawakan ako  sa kamay at hinatak paakyat sa hagdan.

Pilit kong hinahatak yung kamay ko pero ayaw nitong bitawan. Natatawang nakatingin samen ang mama.

"Carl wait, Im coming." sabi ni babaeng linta.

"Oh no Chelsea, I need you here." awat nung mama niya. Kaduda duda yung kilos ng mama ni Ambrose. Parang gusto niyang magsolo kaming dalawa.

Pagdating sa kwarto ng mama niya, ang daming mga boxes. Kinuha niya yung dalawang box. Isang malaki ang isang maliit. Sa tingin ko bag ang laman nung malaki. At perfume ang laman nung maliit.

"Thanks." sabi ko at tumalikod na ako para lumabas. Hinawakan niya ako sa braso. Napahinto ako. Iba pa rin ang epekto saken ng hawak ni Ambrose.

"Bakit mo sinabi kay mommy na boyfriend ka na?"

Fool Me Twice -Editing - (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora