thirty six - secret

26 2 3
                                    

Y O O N G I

"Hyung." Lumingon ako ng marinig kong tawagin ako ni Jungkook.

"Oh, bakit?" Tumigil ako sa paglalakad at lumapit siya.

"Andito si noona ah." Aish bakit ako.

"So? Anong gagawin ko?" Tumawa siya at inakbayan ako.

"Kakain muna kami ni Taehyung hyung, baka dumaan si noona dito at hanapin si hyung kaya pasabi na lang kumain kami." Tumango ako at umalis na siya.

Pagkadating ni Natalie diko alam kung bakit di ako mapakali. Napalinis tuloy ako ng wala sa oras. Sa totoo lang sakanya ko lang naparinig yung buong kanta kasi kay Jimin yung demo palang naparinig ko.

Pagkatapos ng meeting namin, bumalik ako sa studio at kinuha na mga gamit ko kasi uuwi na. Pagkatingin ko sa tabi ng desktop ko, may nakit akong papel. Kinuha ko naman yun at binuksan.

"I'm proud of you, Yoongi oppa. -Natalie." Napangiti na lang ako at tinago sa bulsa ko yung papel. She's really thoughtful at pag naiisip ko yun napakaswerte ni Taehyung.

Bumaba na ako ng building kasi yung iba andun pa sa practice room kinukuha mga gamit nila. Nung nasa lobby nako dumaan muna ako sa café para bumili ng americano dahil isang malupitan na puyatan mamaya para magsulat pa ng mga kanta.

Inintay ko order ko at pagkatingin ko sa labas nagulat ako ng makita ko si Natalie may kausap na lalaking naka itim na cap at damit. Nagtaka naman ako kung sino yun kasi hindi naman si Sungjae kasi hindi naman siguro ganun yung suot nun.

Pinagmamasdan ko lang sila at medyo sa tagong lugar sila pero kita pa din. Maya-maya napansin ko nagsisigawan na sila at nagulat na lang ako ng hilahin na nung lalaki yung kamay ni Natalie pero pumipiglas siya.

Tumakbo na ako nun palabas kasi mamaya kung ano pang mangyari. Pagkalapit ko sinapak ko kaagad yung lalaki at bumagsak siya.

"Yoongi!" Rinig kong sigaw ni Natalie at hinawakan ako para mapagilan. Pinagmasdan ko yung lalaki habang nakahiga sa sahig.

"Layuan mo si Natalie hayop ka!" Nakita ko mukha niya may sugat agad at tumakbo na siya paalis. Lumingon ako kay Natalie at tinignan ko yung braso niya.

"Nasugatan ka ba? Sinaktan ka ba nun?" Umiling lang siya.

"Okay lang ako. Nagulat lang ako kasi sumulpot ka bigla." Napansin ko yung mga mata niya nangingiyak na.

"Dun muna tayo sa loob, may makakita pa satin dito." Inaya ko siya pabalik ng lobby at sa isang office nag-usap kami. Wala naman nakakakita samin.

"Natalie, ano nangyari?" She was zoning out. Nakatulala lang siya.

"Natalie." Sambit ko ng seryoso yung tono.

"Who really am I?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ano?" Tumingin siya sakin, mga luha niya nagbabadya na tumulo.

"Tell me Yoongi, sino ba talaga ako?" Confused, sinabi ko naman kung sino siya.

"Natalie. Ikaw si Natalie." She let out a deep sigh at tumayo. Hindi siya nakatingin sakin kundi sa may window.

"Are you lying?" She bursted out.

"Hindi. Bakit ko naman itatago sayo pangalan mo?" Hindi ko pa rin maintindihan.

"Yung lalaki kanina. May sinabi siya sakin na kahit kailan hindi ko alam kung nangyari ba talaga. Kaya ngayon-" she took a step papalapit sakin still with that glare.

"Nagsisinungaling ba sa akin si Taehyung?" Nagulat na talaga ako. Akala ko ba sinabi na lahat ni Taehyung kay Natalie? Or hindi niya pa din sinasabi patungkol kay Jongin?

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: May 17, 2018 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

Confused (sequel to Lost) - onholdOnde as histórias ganham vida. Descobre agora