T A E H Y U N G
Pagkadating sa ospital agad akong pumunta sa may information desk para tanungin ko saan ang room ni Natalie.
"Um, excuse me. Saang room mahahanap si Samantha Gomez?" Yung nurse nagulat pa nung makita ako, tska niya tinype yung pangalan.
"S-sa r-room 235 po Kim Taehyung-nim." Nauutal niyang sinabi. Army siguro siya kaya ganun mag-react.
"Sige salamat." Agad akong kumaripas papunta sa room niya. Nag-elevator ako at pagkadating sa may 5th floor, lumabas ako agad para hanapin yung room niya. Nang matapos ng ilang ulit ng palakad-lakad, nahanap ko na din room niya. Nung nasa tapat na, dahan-dahan kong binuksan yung pinto at sumilip.
She was asleep, mahimibing siyang natutulog. Pumasok ako sa private room niyang tahimik. Tapos nakita ko na may bandage sa may ulo niya. Parang na-dejavu ako nung makita ko kondisyon niya ngayon. Naulit nanaman yung nangyari sa kanya dati.
Umupo ako dun sa may tabi niya, pinagmasdan ko lang siya. Kung gaano siya kaganda at ka inosente siyang tignan. Why did I lied to this girl? Siya yung babaeng magpapasaya sa araw mo tapos pag ginawan mo ng masama hindi ka talaga niya papansinin and will make your life like a living hell.
Ayoko naman mangyari sa akin. Mahal ko siya at ipaglalaban ko pa rin siya kahit anong mangyari. Kaso nagsisisi ako at ginawa ko siyang pasinungalingan. Hindi ko naman talag ginustong gawin yun pero gaya nga ng sinabi ko, ginawa ko yun kasi mahal ko siya.
Maya-maya napansin ko na medyo dumilat yung mata niya. Na-alarma agad ako at tumawag ng nurse. Ilang saglit lang may rumesponde agad na nurse at doktor.
"Good day, are you related to her by any chance?" Tumango naman ako.
"Yes, I'm his boyfriend." Sagot ko. Lumingon ako kay Natalie na ngayon nakatitig lang sa kisame.
"Oh, mabuti naman. Meron akong magandang balita para sayo." He said.
"Ano pong nangyari sa kanya doc?" Kinakabahan na ako, mamaya kasi kung anong nangyari.
"She suffers from amnesia right? Ngayon since nabagok ulit yung ulo niya, she finally recollects some of her past memories." My body froze. Hindi ko alam kung magiging masaya o malungkot ba ako nug malaman ko yun.
"A-ah ganun po ba." I stuttered.
"Yes, pwede na siyang makalabas ng ospital within 3 days."
"Sige po."
"Sige, maiiwan ko na kayo." Umalis na sila at ako nakatayo pa rin sa kinatatayuan ko. With all my strength, lumingon na ako kay Natalie at hanggang ngayon nakatulala pa din siya. Lumapit ako at umupo ulit sa tabi niya.
There was an awkward silence at nakakabinging katahimikan sa pagitan namin. Hindi ako makapagsalita.
"Kim Taehyung." She finally spoke up.
"Y-yes jagiya?" her gaze landed on me. Nung mapatingin ako sa kanya parang hindi ko na kilala yung taong nasa harap ko.
"Sino ba talaga ako?" Nung mapatingin ako sa mata niya parang nalilito na siya at may sakit at takot siyang nararamdaman.
"Bakit ang daming hindi ko alam? Bakit nakakalito yung mundo ko? Why did this happen to me?"
"And most importantly, Why did you lied to me?" I was taken back sa sinabi niya nung huli. So it's out, the truth is out. Alam niya na nagsinungaling ako. Nakatingin lang ako sa kanya, lost for words. Hindi ko alam kung paano sasabihin.
"Kim Taehyung." She once called me again.
"Are you really the one I loved?" Parang tumagos sa puso yung sinabi niya. Ang sakit sobra, wala na akong kawala. Hindi ko na kaya 'to. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko.
YOU ARE READING
Confused (sequel to Lost) - onhold
FanfictionA girl who doesn't know her true identity because she forgot about her past. Akala niya walang mahalagang nangyari sa nakaraan niya matapos siyang magka-amnesia. Pero hindi niya alam na may mga bagay pa pala siyang kailangang ayusin. Mayroong ding m...
