ol two

2 0 0
                                    

Sandara’s PoV

Hinga.

Puro hinga lang ginagawa ko dito sa loob ng sasakyan dahil walang nag sasalita sa aming dalawa.

Ako na nga.

“Paano mo pala nalaman kung saan ako nakatira? Wala naman akong matandaan na sinabi ko sayo.”

May kinuha siyang kung ano sa likod at inabot sakin yung isang brown envelope.

Ah, sa resume ko.

“Mabuti at pinapasok ka sa gate,”

“Muntik pa ngang hindi, e. Medyo gulat din yung guard do’n nung makita ako. Hindi ko alam kung bakit.” pag tataka niya.

Kamukha mo nga kasi yung asawa ko.

“Ah sana tinanong mo,” wala na kong masabi.

“Oo mamaya pag balik.” huh?

“Pag balik?”

“Syempre ihahatid kita.” ngumiti siya.

Ang gwapo.

Pinaubaya sakin ni Ji Yong yung pag order dahil wala daw siyang alam sa ganito.

Ayan, ang tahimik nanaman.

Sa totoo lang naguguluhan kasi ako. Ang sabi niya nung mag kita kami sa company nila, ayaw niya daw ako makita.

Tapos eto nag yaya siya kumain sa labas. So, anong trip niya sa buhay?

“Parang ang dami mong iniisip,” nagulat ako nung bigla siyang nag salita.

“Wala naman.” maikling sagot ko.

“Oh, I want to say sorry sa nangyare last time. Yung sa company, ‘di ba?” paalala niya sakin.

“Ayos na ‘yun. Tinulungan mo naman ako kagabi eh.” ngumiti lang siya sabay balik ulit sa cold at seryosong expression niya.

Dumating na yung order namin. “A-ang dami,” bulong ko tapos narinig kong tumawa si Ji Yong pero mahina lang.

“Bakit nga ba nag yaya kang kumain sa labas?” tanong ko habang kumakain.

“Hindi na ba masakit yung dito mo,” hinawakan niya ako sa labi ko.

Sa labi ko.

Yung puso ko, oh!

“H-hindi na. Uminom na ‘ko nung gamot na nireseta sakin nung doctor.” sagot ko.

Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko magawa kasi nga hindi pa naman kami close.

Kaya hanggang sa matapos kaming kumain walang nangyare.

“May curfew ka ba?” tanong niya at inabot yung card niya don sa babae.

Umiling ako. “Wala. Nasa mama ko yung anak ko.” sagot ko sa kanya.

“Good.” sabi niya habang tumatango tango.

“Bakit? H-hindi pa ba tayo uuwi?”

“Gusto mo na ba? Kung gusto mo na ihahat—”

“Saan tayo pupunta? Tara na.” putol ko sa kanya.

Ngumiti siya at naningkit yung mga mata niya. Bakit ang gwapo? Sandali lang bumalik nanaman yung cold expression niya.

Nag punta kami sa amusement park.

Shinhwa World.

“First time mo?” tanong ko sa kanya nung napansin kong parang ang awkward niya.

Tumango siya. “Yeah.” umaarte siya na parang cool pero halata naman na hindi.

“Akong bahala sayo.” hinawakan ko siya sa wrist niya at hinila papunta sa isang store.

“No, no.” tanggi niya habang tinuturo ko yung mga hats.

“Ang cute kaya.” sabi ko.

Kinuha ko yung minnie mouse na hat at sinuot. “O, ang cute, ‘di ba?” tanong ko.

Hindi siya sumagot at tumango lang.

“Isuot mo na ‘to,” inabot ko sa kanya yung mickey mouse na hat kaso binalik niya.

“Required ba?” tanong niya.

Bakit ang cute nito? “Hindi naman,” sabi ko. “Sige, ‘wag na nga.”

Nag punta na ‘ko sa counter at pumila. Bigla akong kinausap nung lalaki na nasa likuran ko.

“Hala! Couple couple tayo oh,” sabi niya habang pinapakita yung mickey mouse hat niya.

“Oo nga. Subukan mong isuot,” sabi ko sa kanya. “Ang cute.” tapos tumawa kaming dalawa.

“Mas cute ka. Anong name mo?” tanong niya.

“Sa—” nagulat ako nung biglang tinakpan ni Ji Yong yung bibig ko at hinila ako papunta do’n sa kinuhaan namin nitong hat.

“Ano ba?”

“Talagang sasabihin mo yung pangalan mo, ha?” inirapan niya ako. “Oh? Nasaan na yung mickey mouse hat dito?”

“Wala na. Hawak na nung lalaki kanina, ‘di ba?” pag kasabi ko nun biglang nag lakad si Ji Yong pero pinigilan ko siya.

“Saan ka pupunta?” tanong ko.

“Kukunin ko yung ha—”

“Naku, hindi na. Sa kanya na ‘yun eh.” lalo atang nainis sa sinabi ko. “Eto, eto na lang.” kinuha ko yung dinosaur hat.

“Ayoko niyan.”

“Mas bagay nga sayo ‘to, e. Ayaw mo?” hindi naman siya sumagot at hinila na sa kamay ko yung dalawang hat.

Pumila na siya at inunahan yung lalaking kausap ko kanina. “Dito kami nakapila, ‘di ba?”

Mag rereklamo pa sana yung lalaki pero inunahan ko na siya.

“Kung gusto mo pang umuwing gwapo ‘wag ka na mag salita.” sabi ko sa kanya.

Sinamaan ako ng titig ni Ji Yong. “Gwapo? Saan?” pang aasar niya.

Nag bayad na siya at agad ko ng hinila palabas baka kung ano pang mangyare eh.

Sinuot na namin yung hat.

“Mas bagay nga sayo ‘yan.” sabi ko at nag lakad lakad na kami.

Napapansin ko na pinag titinginan siya ng mga babae na nakakasalubong namin. Ang gwapo ba naman!

Medyo dumistansya ako.

Nagulat ako nung hinila niya ‘ko malapit sa kanya tapos inakbayan ako.

“Dito ka lang, pinag titinginan ka eh.”

Huh? Eh siya kaya yung pinag titinginan?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

swkWhere stories live. Discover now