seven

1 0 0
                                    

Sandara’s PoV

Nandito na ‘ko sa loob.

Sobrang kinakabahan na ‘ko. Hindi na ‘ko mapakali, patayo tayo na ‘ko, e.

Mukhang madami dami din ang nakapasok dahil ang dami naming nakapila dito ngayon.

“Ms. Sulli,” ayan na nag tatawag na sila.

Ako ata yung pinakahuli.


“Sandara?” ayan na ako na shet lang!

“Jiyong, help me huhu.” bulong ko bago pumasok sa loob.


Ang dami nilang personal question na tanong ko hanggang sa kinuwestyon na nila yung work ko.

Hindi ko na masagot.

“Ms. Sandara?” tawag pansin nila.

“Ahh, an—” napatigil ako sa pag sasalita nung may biglang kumatok at nag salita sa labas.

“Mr. Ji Yong is here.” lumakas yung tibok ng puso ko lalo nung pumasok yung lalaki.

Nag tayuan lahat ng taong nasa loob. Umupo siya sa tabi nung mister na nasa gitna.

Umupo na ang lahat.

“Please continue,” sabi nila sa akin.

Paano ako makakatuloy kung ang lalaking nasa harapan ko ay yung lalaking kamukha ni Jiyong.

Si G-Dragon.

Iniangat niya ang tingin niya. Nag katinginan kaming dalawa. Nanlaki ang mata niya, halatang medyo nagulat siyang makita ako.

Pero agad ding umiwas.

“N-nung una wala naman po talaga akong hilig sa pag pa-paint hanggang sa namatay yung husband ko’t sirang sira yung buhay ko kaya naisipan kong mag paint, at natulungan niya akong maiwasan yung pag iisip, mawala kahit papaano yung sakit na nararamdaman ko. Eto pong work ko, base siya sa pag kakaibigan ng isang lalaki’t babae na napunta sa pag-iibigan. Alam ko po na simple lang, pero, para po sa akin isa ‘to sa pinaka mahalagang bagay sa buhay ko.”

Sinabi ko ‘yan habang diretsong nakatingin sa lalaking nasa harapan ko.

“Wow.” sabi nung vice president. “Anyone?”

Biglang nag taas ng kamay si G-Dragon.

“I would like to talk to you in private.”

swkWo Geschichten leben. Entdecke jetzt