four

2 0 0
                                    

FOUR

Sandara’s PoV

“Mama!” sigaw ni Nabi na kanina pa umiiyak simula nung makauwi kami.

“Nabi, hindi nga siya si papa.” paulit ulit kong paliwanag sa kanya.

Tinulak niya ako. “Si papa ‘yun! Tignan mo po,” tinuro niya yung picture ni Jiyong. “O, ‘di ba? Si papa siya!”

Napaiyak na lang din ako.

Ngumiti ako sa kanya. “Oo, si papa ‘yun.” makakalimutan niya din naman ‘to kapag nakatulog na siya at binilhan ng bagong laruan.

“Umuwi na si papa! Yehey!” yinakap niya ako at pinunasan yung basang pisngi ko. “‘Wag kana sad mama, andyan na si papa.”

Tumango ako’t ngumiti. Pinipigil nanaman yung sarili ko sa pag iyak.


G-Dragon’s PoV

Ang weird ng mag inang ‘yun.

Ano daw ulit ang pangalan niya?

Sandara?

Habang nag lalakad ako papunta kung saan nasalubong ko si Thunder.

“Boss,” inilahad niya ang kamay niya.

Tinabig ko ‘yun. “Gago hindi ako nakikipag kamay.” ngumisi ako at tumuloy sa pag lalakad.

Sumabay siya at may pinakita na litrato galing sa phone niya. “Eh ano ‘yan?”

“H-huh?”

“Nagulat din ako kanina nung nakita ko na nakipag kamay ka,” tumawa siya. “Bakit? Maganda ba? Huh? Huy,”

Kinuha ko yung phone niya at zinoom yung picture. Sobrang linaw ng mukha nung babae.

“Ang ganda, ‘di ba?” sabi ni Thunder.

Napahawak ako sa puso ko.

“Hoy gago bakit umiiyak ka?” tanong niya.

Nanghina ako.

“A-ang sakit,” sagot ko.

“Saan masakit?”

Humawak ulit ako sa bandang puso ko. “Ang lungkot. Ang sakit.”

Anong nangyayare sa akin?

Hindi na sumagot si Thunder at isinuot na lang sa akin yung cap niya. “Baka may makakita pa sayong kaaway mo dito tsk.”

Nung nasa loob na ‘ko ng sasakyan. Napahagulgol na lang ako.

“Gusto mo bang dumaan tayo ng ospital?”

Umiling ako. “Sa bahay, sa bahay ko.”

“Kela tito tay—”

Hinawak ko sa kwelyo niya. “Sa bahay ko. Hindi sa bahay ng tatay ko.”

“Okay, chill.” nakataas kamay niyang sabi.

Nababaliw na ata ako.

swkKde žijí příběhy. Začni objevovat