one

5 0 0
                                    

ONE

Sandara’s PoV

“Nabi, dito ka lang,” tawag ko sa kanya na hinahabol yung mga paru paro. “Pawis na pawis kana, oh.”

“Mama, kailan ba talaga ang balik ni papa?” biglang tanong niya.

Tuloy lang ako sa pag punas sa kanya, hindi ako makasagot. Masyado pa siyang bata para malaman kung anong nangyare.

Ayoko.

Natatakot akong malaman niya.

Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi. “I love you, baby.”

“I love you too, mama.” at yinakap niya ko.

Pinigilan ko yung sarili ko sa pag iyak.

“Sandara!” tawag ni mama sa akin. “Apo ko! Ang ganda ganda talaga kaso ang asim!” sabay kiss niya kay Nabi.

“Takbo nang takbo, e. Kamusta na mama?” yinakap niya ako.

Bihira na lang kasi makadalaw dito sa amin si mama simula nung lumakas yung business nila ni tita.

“Ayos lang ako, ‘nak.”

“Nasaan po si mamang?” tanong ko.

“Nag punta sa kaibigan niya, e.” hindi na ko sumagot at kinuha na lang yung bitbit na supot ni mama.

Pumasok na kami sa loob.

Isa isa kong inilabas yung mga binili ni mama. Juices, Iba’t ibang klase ng palaman, Chips, Gardenia.

Napangiti ako.

Kumirot yung puso ko.

“Jiyong,” mahina kong bulong.

Nagulat ako nung bigla akong yinakap ni mama na nasa likod ko pala.

“Ayoko nga sanang bumili niyan, e. Kaso paborito mo ‘yan.” yinakap ko pabalik si mama.

“Ayos lang po.” sagot ko.

Nag punas ako ng luha at inayos yung mga pag kain. Pinalaman ko si Nabi at tinimplahan ng juice.

Nanonood lang kami ng TV bigla akong hinawakan sa kamay ni mama. Ngumiti siya sa akin.


“Magiging ayos din ang lahat.” bulong niya sa akin.

“Mama, isa pa.” sabi ni Nabi na nanghihingi pa ng tinapay.

swkWhere stories live. Discover now