"Smile na kasi." pilit ko. "Sige na!"

He bit his lips at unti unti siyang ngumiti.

"Grabe ang gwapo!"

"Ang cute ng dimple niya"

"Di'ba si Clinton yan?"

"Ang guwapo no?"

"Wag ka na palang ngumiti ha?"

Humalakhak lamang ito.Pumili na ako ng mga gusto ko. Dahil ayaw ni Clinton ng maiikli kadalasan na pinili ko ay ang dress na lagpas tuhod pero offshoulder naman.

"Eto maganda ba?" lumabas ako sa fitting room matapos ifit ang isang ripped jeans.

Nasa upuan siya nakaupo sa labas at siya ang humahatol sa mga damit na napili ko.

His brows furrowed. "Bakit may butas?"

Nangunot ang noo ko na yumuko upang tingnan. "Ripped jeans nga di'ba?"

"No change it.Yung walang butas." Naka de kuwatro ito na nakaupo at busangot na naman ang mukha.

"Jeans naman to ha!"

"Jeans nga may butas naman! You're still showing some skin Nicole."

I bit my lips with irritation. Bakit ba pate damit ko kailangan siya mag desisyon?Maluha luha akong nagpalit ng damit. Ayoko na, nakakawalang gana.

Padabog akong lumabas ng fitting room at mabilis na lumakad.

"Let's go home. " sabi ko at nilagpasan siya.
Agad siyang tumayo at sumunod sa akin.

Mula sa sasakyan hanggang sa elevator ng condo ay tahimik lang ako. Tila pate siya nakaradam ng galit ko kaya hinawakan niya ang kamay ko. Pinagsiklop niya iyon. Pumikit ako ng mariin.

Pero wala siyang sinabi tahimim lang din siya.Kinalas ko ang magka siklop na mga palad namin nang bumukas ang elevator.

Tinungo ko ang pinto at iniswipe ang card ko doon hinarap ko siya.
"Gusto kong mapag isa."

Umigting ang panga niya.

"Let's talk about this baby."

Napabuga ako sa hangin.Naiirita na ako at nakakasakal na.

"Clinton puwede ba? Napaka clingy mo naman! Di''ba sabi mo you hate clingy? Bakit napaka clingy mo na ngayon? Pate damit ko dapat may hatol mo! Nakakasakal na!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumabog na ako ng tuluyan.

Pate siya nagulat sa sinabi ko pero naglaho iyon at naging seryoso.

"Yun ba sa tingin mo?'' malamig na boses niya ang kumawala mula sa kanya.

"Hindi ko nga rin alam kung bakit ako naging clingy. It's my first time kung ayaw mo ng ganon', I'm sorry.Ititigil ko na.Have a good night." tumalikod siya at agad na lumakad paalis.Napakurap kurap ako at nagbukas sara ang bibig. Gusto ko siyang habulin pero nanghihina ako.

Tiningnan ko ang likod niya na papalayo parang pinupunit ang aking puso.Nasaktan ko ba siya? Hindi ko kasi alam naiirita kasi ako ngayon.

Nilagay ko sa sofa ang pinamili at kinuha ang aking cellphone. Nagtipa ako ng message para kay Clinton.

To Clinton: I'm sorry. Please drive safely.

From Clinton:It's okay.I will.

Kinabukasan ay na late ako ng punta sa school.Sa gate palang ay naharang na ako ni Cassy. Matagal tagal na rin siyang tumigil sa paglalandi kay Clinton.Ano na naman ang kailangan niya?

Just LustWhere stories live. Discover now