OS:Pictures of you(Virence)

ابدأ من البداية
                                    

Namimiss ko na yung mga yakap mo saakin, kahit kanino hinding hindi ko mahahanap ang ganoong yakap kahit kanino pa. Paglipat ko sa isang page ay yung nga pictures natin nung kumakain tayo. Naalala ko pa nagalit ako saiyo kasi mas inuuna mo yung picture picture nayan kesa kumain.

"Kakain ka ba o mag pipicture nalang tayo dito?" seyosong tanong ko saiyo kanina ka pa nagpipicture eh.

"Oo na toh naman eh" sabi mo at kumain na hindi parin kita kinikibo at mukhang napansin mi yun.

"Oy! Tinigil ko na nga yung pagpipicture eh galit ka parin ba?"tanong mo habang nakatingin saakin. Hindi parin kita kinakausap.

"Sorry na babe, may pinaglalaanan kasi ako nito eh" sabi mo at niyakap ako.

"At ano naman?"tanong ko at umupo ka na.

"Basta malalaman mo din soon" sabi mo na sana hindi ko nalang itinanong yung bagay na yun mas lalo lang ako nasasaktan sa pagiging bulag ko.

Ni hindi ko man lang napansin na may mga senyales ka na pala matagal na, sana kinulit kita ng kinulit baka sakaling nalaman ko. Pag lipat ko sa isang page lalong nadurog yung puso ko, ito yung mga pictures natin na naghiking tayo at ibang mga travel pictures natin.

"Babe, bat naisipan mong maging adventurous ang life natin?" tanong ko saiyo habang nakaupo tayo sa may taas ng bundok at nakatingin sa magandang tanawin.

"Wala lang para makasama kita ng mas matagal at mas memorable" sabi mo na alam kong may ibang kahulugan pala.

"Ay,napaka cheesy mo babe" sabi ko saiyo.

"Kilig ka naman? Lika nga selfie tayo" sabi mo at nagpicture tayo. Pag labas ng picture ay agad mong kinuha yun.

"Teka pwede bang saakin naman yung picture?" tanong ko saiyo.

"Wag na akin to eh" sabi mo medyo nainis at naweirduhan ako saiyo pero pinagsawalang bahala ko nalang.

"Babe always remember that I love you no matter what" biglang sabi mo at ang sarap sa tenga sana inulit ulit mo at sana nirecord ko.

"I love you too babe" sabi ko kahit nagulat ako sa sinabi mo nung oras na yun.

Napaluha nanaman ako, nu bayan kanina pa ako iyak nang iyak sorry I break one of your wish hindi ko mapigilan eh, ang sakit lang sobrang sakit walang makakpantay sa sakit na nang yari saating dalawa na sana hindi na itinakda para walang nagdudusa. Pag lipat ko sa isang page parang lalo akong nasaktan ito yung mga pictures na lagi ka nang nakasombrero at extensions pati nung lagi ka ring naka sweater at oversized na damit kala ko style mo lang yun pala may iba nang nangyayari sayo.

"Babe nu bayan ang init init tas naka sweater ka nanaman?" tanong ko saiyo.

"Eh sa nilalamig ako bat ba"sabi mo hindi ko na inisisa kasi nasakwarto tayo aircon nga naman.

"Tanggalin mo na yang extensions mo lika tulog na tayo" sabi ko pero napatingin ka saakin.

"Ayaw ko nga ang ganda ko kaya dito" sabi mo hindi ko alam kung anong dahilan mo nun.

"Kahit naman wala kang extensions maganda ka parin" sabi ko sayo.

"Eh basta wag ka nang makulit" sabi mo at humiga na.

"Ang kyut mo Babe" sabi ko at niyakap kita nagulat ako ng yakapin kita pagyakap ko sa beywang mo pareho the kong naramdaman yung siko ko.

"Babe? Payat mo ata" sabi ko sakanya at napatingin ka saakin na parang balisa.

"N-nagbalik alindog kami ng mga bakla" sabi mo at ako naman si Tanga napaniwala mo.

"Nasobrahan ka ata ha? Hindi mo naman siguro masyadong kinareer ang pagpapayat mukha ka nang si Kim Chui nyan" sabi ko at napatawa ka naman ang kyut mo talaga pag tumatawa.

Colecciòn حيث تعيش القصص. اكتشف الآن