OS:Pictures of you(Virence)

507 22 1
                                    




•~•t e r r e n c e•~•

"Ter,lika picture tayo" yan yung madalas mong sabihin diba?.

Di ko alam kung bakit, alam mo namang hindi ako mahilig sa mga ganyan diba?Pero dahil mahal kita pinagbibigyan kita.

Umupo na ako sa tabi ng isang bagay na hinding hindi ko lubos maisip na makikita ko at ang mas masakit ay may naukit na pangalan ng mahal ko Jose Marie B. Viceral pag basa ko at sabay inilapag ang bulaklak at ang polaroid mo. Na madalas mong gamitin saating dalawa.

Kakagising palang natin may hawak ka nang polaroid minsan nga nagtataka ako, hindi kaya napupuno yang mga photo album mo kakapicture?.

Pero nung dumating and takdang araw saka kulang narealize, may pinaglalaanan ka pala talaga noh? Kala ko kasi nantritrip kalang, pero alam mo gusto ko magpasalamat sayo. Kasi kahit papaano meron akong mga bagay na

















Magpapaalala sayo...

**

Pabagsak akong humiga sa kama nating dalawa, dapat nandito ka eh kasama ko, kayakap ko yung tipong pagkagising at bago matulog mukha mo ang masisilayan ko.

Napatingin ako sa side table may nakalagay na photo album dun na ikaw mismo ang gumawa akala ko naman kung ano yung laging pinagpupuyatan mo yun pala ito lang kaya ka siguro lalong lumala noh?

Kinuha ko yun at hinaplos ang cover nito "Vice + Terrence = Virence" yan yung nakalagay sa cover kahit simple lang ramdam ko ang pagmamahal mo na parang nakalagay dito na ang isang Vice ay para lamang sa isang Terrence. Niyakap ko ito at naramdaman ko ang pagtulo nang mga luha ko alam ko ayaw mo akong umiiyak pero masisi mo ba ako?

Pagbukas ko ng pahina, yung picture natin nung first anniversary natin, grabe sobrang saya natin kahit simple lang yung selebrasyon.

"Babe, sorry ha?Dito lang kita sa fishballan nadala alam ko hindi ka sanay dito" panghihingi ko ng paumanhin saiyo.

"Nu kaba babe okay lang noh, wala akong pake kung saan mo man ako dalhin ang mahalaga eh kasama kita" sabi mo sabay halik sa labi ko,seryoso kinilig ako duon.

"Ang sweet mo talaga babe, isa pa ngang kiss" sabi ko at ngumuso pero hinampas mo lang labi ko.

"Heh! Tama na mabuti pa mag selfie nalang tayo dali" sabi mo at inilabas ang polaroid mo at nagpicture tayo habang may hawak na isang stick ng fishball.

Hays, namimiss ko yung memories nating yun, unang unang anniversary dun lang kita dinala pero dagdag ganda points ka saakin lalo nung malaman kong hindi ka maarte kala ko magagalit ka saakin eh, pagbuklat ko sa kabilang page may ibat ibang mga pictures mo na kasama ako habang tulog.

Ang tahimik ng paligid habang nakapikit ako naramdaman kitang gumalaw kala nagiba kalang ng pwesto ng biglang may narinig akong

*Click!*

Napamulat ako at nakita kitang nakahiga parin nagulat ako kasi narinig ko lang na may nagclick tapos pag tingin ko steady ka parin.

"Babe, nagpipicture ka nanaman?" tanong ko saiyo.

"Ako? Hindi ha wala kang ibidensya" sabi mo pero halatang halata naman kasi ilang bases mo na ginawa yun.

"Hmm, wag ka nang magsinungaling dyan mamumula na yang ilong mo maya maya" sabi ko at napahawak ka sa ilong mo ang kyut mo nun.

"Di naman talaga eh!" sabi mo at humiga na ulit nang nakatalikod saakin, sus nagtatampo ka pa lumapit ako saiyo tas niyakap kita.

"Oo na hindi na matampuhin ka" sabi ko at humarap ka na saakin at niyakap ako pabalik.

Colecciòn Where stories live. Discover now