OS: Promise (Virence)

503 20 2
                                    


General's POV

Year 1998

"Hoy Martot!!" pagtawag ng pitong taong gulang na batang lalaki sa babeng bata.

"Bakit ano problema Terpot?" tanong nito habang kumakain ng lollipop.

"Akyat tayo dyan sa tree house may sasabihin akong sikreto" naexcite naman ang babae kaya umakyat na ito ng makaakyat ay isinira na nila ito.

"Anong sikreto?" tanong ng babae.

"May crush na kasi ako eh.." sabi nito at nakayuko.

"Weh? Talaga sino sya?" sabi ng babae na excited.

"Sa susunod nalang Martot di pa ako ready eh" sabi naman nito.

"Arte mo naman sige na"pangungulit naman ng babae.

"Wag na Marie sige na laro na tayo" sabi ng lalaki, at lumabas na sila at naglaro.

Mula pagkabata ay magkaibigan na ang dalawa sina Marie at Terrence o Rence naging magkababata na sila at magbestfriend dahil magkaibigan ang mga magulang nila, sabay silang isinilang at halos akalain na nilang kambal ang dalawa dahil lagi itong magkasama.

**

Sampung taon na ang nakaraan magkaibigan parin sila, sabay silang pumasok at umuwi pagabsent ang isa absent din ang isa, paglate ang isa late din ang isa parehas na parehas sila ng mga ginagawa at hilig.

"Martot anong ginagawa mo dyan?" sigaw ni Rence sa kaibigan na nasa baba ng tulay sa ilog.

"Pinapakuha kasi ako nina Mang Melchor ng dahon ng saging eh nakisuyo lang" sabi nito habang lumulusong sa ilog. Ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Magiingat ka nga Marie!" sigaw nito.

"Oo ako pa, kayang kaya ko kay---AHHH!!"bigla itong Natasha ng tubig dahilan para mapunta sa malalim name bahagi.

"MARIE!!" sigaw nito at napatakbo sa kaibigan.

Agad nyang kinuha mula sa ilog ang kaibigang wala na ngayong malay dulot ng pagkalunod.

"Marie, gising huy!" sabi nito habang tinatapik ang pisnge nito. Ng hindi magising ay wala itong choice na mayperform ng CPR.

Maya maya pa ay nagmulat na ang kaibigan at naglabas ng tubig na naimom nito mula sa ilog, agad naman syang niyakap ng kaibigan.

"Salamat, Marie at buhay ka diba sinabi ko sayo magiingat ka"sabi nito habang nakatingin sa mata ng kaibigan.

"Bakit ba?! Ginusto ko ba malunod sa tingin mo gugustuhin ko toh?!" sabi nito at tumayo na.

"Oo na lika na kunin mo na mga gamit mo" sabi ni Rence at umuwi na sila.

**

"Terpot, sino ba talaga tong crush mo halos ilang taon na hindi mo sinasabi eh" sabi ni Marie habang kasalukuyang kumakain sa Tree house nila.

"Basta pero soon Martot, makilala mo rin sya actually kilala mo na nga sya eh" sabi nito sabay inom.

"Luh sino? Si Czarina ba? Yung babaeng mahilig magjacket?!" sabi nito.

"Baliw hindi yun" sagot naman nito.

"Si Kyla ba? Si Antoniette?! Omg don't tell me si Clarissa napaka pabebe nun" sabi nito habang umiinom.

Colecciòn Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt