OS: Promise (Virence)

Start from the beginning
                                    

"Wala!" sabi nito.

"Wala kang crush so niloloko mo lang ako?" tanong nito.

"Hindi wala dun sa sinabi mo!" Sabi nito sabay bato ng chichiryang kinakain nila.

"Eh paano ko ba malalaman na sya na nga yung crush mo??" tanong nito.

"Pag sya yung first kiss....k-ko.Promise mo nanduon ka paginamin ko sakanya ah Promise? Don't break you're promise kung hindi magagalit talaga ako."sabi nito habang nakangiti.

"Oo naman noh, Promise malakas ka saakin, sana makilala ko din sya noh bago mahuli ang lahat"

"Ano sabi mo?" tanong nito.

"Wala sabi ko kumain ka na dyan" sabi nito.

**

"Magandang Umaga po tita Rosario si Marie po?" tanong nito.

"Magandang Umaga din naku anak Hindu muna papasok si Marie mataas ang lagnat nya eh" sabi naman nito na halatang kagagaling lang sa iyak.

"Ganun po ba? Sige hindi nadin po ako papasok" sabi nito at pauwi na ng tawagin sya ng nakakatanda.

"Ay, Rence pumasok ka kahit ngayon lang may exam kayo, panigurado yan din ang sasabihin ng kaibigan mo" sabi naman nito ng nakangiti.

"Ah..eh.."sabi nya nang nakayuko.

"Naku, pumasok ka na nga" sabi nito at wala nang nagawa ang isa kung hindi sundin ito.

**

Nang makauwi na sa bahay ay nagulat si Terrence ng makitang walang tao sa bahay nina Marie kaya agad syang napatakbo papunta sa nanay nya.

"Ma! San sila Marie?" tanong nito habang nagtatanggal ng sapatos at naglapag ng bag.

"Ano kasi eh.." sabi ng nanay nito ng hindi mapakali.

"Ano po?" sabi nite habang nakatingin sa ina.

"Umupo ka muna anak" sabi nito at sinunod din naman ng binata.

"N-nasa hospital kasi sila ngayon eh.." sabi nito habang nakayuko.

"Po?! Inatake nanaman po ba si Lolo Thomas?! Kamusta na po sya?Saang hospital po?! " tanong nito.

"Sa St Lukes at tsaka...." sabi nito.

"Nak hindi si Lolo Thomas, si....M-marie" sabi nito at nakayuko padin.

"Ano?! Kamusta na po sya anong lagay nya okay lang po ba sya kailangan ko pong pumunta duon" sabi nito habang patakbong lumabas.

**

"Leukemia, stage 3 hindi lang masyadong lumalabas yung symptoms pag magkasama kayo kasi sa bahay sya namimilipit sa sakit.Matagal ng may sakit si Marie ayaw nya lang sabihin sayo ayaw ka daw nyang magalala eh, pero alam mo ba araw araw nyang sinasabi na magkakaroon din sya ng lakas ng loob para sabihin sayo, sabi pa nga nya na hinding hindi daw nyang hahayaan na na mawala sya hanggat hindi nya pa nagagawa ang mga bagay na gusto nyang gawin. Lalo na yung mga napangakuan nya." sabi ng nanay nito habang nakatingin sa anak na nakahiga habang ang binata naman ay umiiyak lang.

"Gagaling naman po sya diba?"tanong ng binata.

"Oo, basta manalig lang tayo sa diyos gagaling sya" sabi nito at niyakap ang umiiyak na binata.

**

Lumipas ang ilang buwan halos naging suki ng hospital si Marie dahil sa pabalik balik ito sa hospital,nagpachemo narin ito ngunit lalong nanghina ang katawan nito naging mahihiluhin na ito at madaling masaktan sa balat madalas rin itong mag nosebleed at mawalan ng ganang kumain, sobrang laki na ng pinayat nito hanggang sa ito ay kanilang napagdesisyonan na magstay nalang sa hospital.

Kasalukyang binabantayan ni Rence ang kaibigan, na nakahiga lang habang nakatingin sa kawalan, awang awa na sa kaibigan ang binata ngunit wala itong magawa.

"May gusto ka bang kainin?" tanong nito.

"W-wala okay lang ako" sabi nito habang nakangiti.

"Marie, alam kong gusto mo nang sumuko pero nagmamakaawa ako lumaban ka naman para saamin" sabi nito habang hinahaplos ang noo ng dalaga.

"S-syempre, d-diba nagpromise ako na pagumamin ka sa crush mo nandu-duon ako"sabi nito ng mahina napaiyak naman ang binata sa narinig.

"K-kaya ka ba patuloy kang lumalaban para ba s-saakin yun?" sabi nito.

"O-oo" sabi nito habang nakangiti.

"M-marie..." sabi nito at umiiyak.

"Shhh, wag kang umiyak k-kaya ko pa naman" sabi nito habang pumipikit na.

"Marie, kung yun lang ang dahilan pwede mo nang tuparin y-yun..." sabi nito habang nakatingin dito.

"T-talaga?"tanong nito.

"Oo naman, alam mo ba kung sino ang crush ko na ngayon ay mahal ko na?"tanong nito.

"S-sino" tanong nito.

"Ikaw... ikaw Marie kaya pls lumaban ka mahal na mahal kita." sabi nito habang naiiyak na.

"M-mahal din kita matagal na.."sabi nito at naghalikan sila for about 1 minute.

"P-pagod na ako... Magpapahinga na ako, mahal na mahal kita Terpot." sabi nito habang unti unting pumipikit.

"Mahal na mahal din kita, Martot" kasabay ng pagsabi nya non ay ang paglabas ng makina sa tabi nito ng matinis na tunog.

*TOOOOOOOOOOOT*

The End.

_________________________________________

Vomment! <3

twitter: @gorgbyh

insta: @gorgbyh

Colecciòn Where stories live. Discover now