II

9 4 0
                                    

Naglalakad ako ngayon sa may hallway papuntang classroom ko nung may umakbay sa akin.

"Ganda natin ngayon ah" sabi ni Shield. "Kaya nga mahal na mahal kita babe" dagdag pa nya . Matagal nang nanliligaw yan sa akin pero always basted. Bata pa ako at bawal bawal muna ang lovelife na iyan. Mas gusto ko yung buhay ko na ganito . Siga kunwari at kinilalang badass girl ng campus.

"He he" sarcastic kong tawa sa kaniya. Sanay na ako sa kanya at madalas na ganito naman ang eksena.  Minsan nga napagkakamalhan kaming mag on, tapos ito namang loko lokong Shield ay tuwang tuwa. "Wala ka na naman bang magawa sa buhay mo at ako na naman ang pinag titripan mo?"

"Babe naman, trip talaga? Sabagay trip kitang mahalin bwahahaha" sabi pa nito at tumawa ng yung parang killer? Basta ang corny nya kaya hindi ko matiputipuhan dahil sa ganyang ugali nya.

"Babe mo mukha mo" asik ko sa kanya at inalis ang pagkaka akbay niya dahil nasa tapat na kami ng pintuan ng classroom ko at pumasok na ako. Mga kalahati na ang nandoon na classmates ko.

"See you babe sa lunch break. Muah" rinig ko pang sigaw ni Shield. Napangiti nalang ako sa kanya. Kahit naninis na inis ako sa kanya at korning korni na ako, napapangiti ako pag nandyan sya. Magkaiba ang section namin. Ako sa section 4 which is last section ng grade 10. Sya naman ay sa section 1. Bilib din ako sa loko lokong iyon dahil matataas talaga ang grades nya. Kaya nga kahit papaano ay mahal ko din iyon. Oo na mahal kona. Indenial lang talaga ako hahaaha. Napagtanto ko iyon nung bakasyon. Hinahanap hanap ko yung kakornihan niya at ang pagiging lokoloko niya.

Dito sa school namin ay hindi porket section 1 ka ay matalino ka at pag section last ay bobo kana. First come first reserve kasi dito . Kumbaga pag nauna kang mag enroll ay malalagay ka sa class 1 at ang latr enrollies naman ay automatic sa last section . Genern.

At sa case namin ni Crystal ay nag palate talaga kami mag enroll . Why ? Kasi ganito naman yun . Sa section 1 kasi focus yung mga teacher kasi nga po, yung mga top students ay nandoon. Bakit? Kasi po sila talaga yung nag uunahan mag enroll dito. Ayaw nilang malagay sa lower section kasi parang nakakalow daw ng personality echos nila.

Si Shield bakit sa section 1? Kasi yung mama nya ay teacher dito na si Mrs. Santos. Buti nga at hindi ko yun teacher kasi sabi nila ay masyadong strict iyon.

"Hanep. Pa copy nga" sabi ni crystal ng makita nya ang assignments ko.

Did I say shes a good girl ? Well yeah good girl nga sya pero may katamaran din ang isang yan. Maybe dito talaga kami nagkakasundo. We usually shared with same paper. Kumokopya sya sa akin at ganun din ako sa kanya. I love sci-math kaya naman sa lahat ng subject jan ako mataas. While she love history and arts.  When itbcomes to history hindi yan papatalo. Pero she prefer selfstudy than listening to ms. Batchoy. Nakakaantok naman talaga mag turo yung matabang teacher na iyon kulang na nga lang lagyan namin ng tape ang mata namin para hindi pumikit. Bagay na kahinaan ko hayst.

"Good morning class" bati ni Ms. Agasur nang makasok ito sa klase .

"Good morning maam" bati din namin sa kaniya.

"Today you have a new classmates. Come inside students" direktang sabi ni miss habang nakatingin sa amin at di man lang lumingon sa mga bagong dating.

Watda pyuds. Yan yung lalaki kahapon sa locker ah . Ano nga ulit name nun ?

"Introduce yourself" baling ni miss sa kanila at naupo na ito .

"Hi I am Christoff Traese Devomino. Nice to meet you all" nakangiting sabi nito . I cannot focus on their faces, parang pamilyar ang boses nila. I keep on thinking about when did I hear their voice .

The Undying LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon