Chap. 20 - The War

Start from the beginning
                                    

"Sige na....para makatulog ako."- sabi niya sabay pout. Napa-roll ako ng mga mata ko at hinalikan na lang siya sa pisngi. "Ay, akala ko 'I Love You'."- sabi niya. Bago pa ako nakapag-salita, niyakap niya ako hinalikan sa noo. "Akala ko kiss ang gusto mo."- sagot ko. "Oo naman, pero 'I Love You' ang hinihintay ko. Hali ka na, matulog na tayo."- sabi niya at bumalik na kami sa palasyo. Bago pa ako nakapasok sa silid ko, may nakita nanaman akong mga puzzel pieces. Nagbilang ako ,last time is 228 ngayon ay 176 na lang, bago ko pa ito inilagay sa puzzel, may nakita akong mga visions. Like;

Tumatawa si Ji Hyo kahit may mga dugo na yung mukha niya. Mga taong bayan, sumigaw ng tulong pero pinaslang sila ng walang awa. Mga kamahalan ay pinatay din...

Mas lalo na ang mga Prinsipe, pati na sina Prinsesa Shin at Nami. At ako ay umiiyak sa mga nakikita ko, at saktong sa araw ng gyera, mag-eclipse na dumating.



"Cha Dee? Ok ka lang?"- nagulat ako noong nakita ko si Prinsipe Rye Soo sa harapan ko at niyakap ko siya dahil sa sobrang takot ko. "Natatakot ako."- sabi ko. "Natatakot ako sa gyera. Ayokong may namamatay."- sabit ko at umiyak ako. "Shhh, tahan na. Hindi yan mangyayari ok? As long as magtutulungan tayo, walang impossible."- sabit niya at niyakap niya ako ng mahigpit. "Eto oh."- may ibinigay siya sa akin. Puzzel pieces to ha. "Saan mo po ito nakita?"- tanong ko. "Nakita kitang mahilig sa puzzel, kaya ito. May nakita akong 31 pieces, sa silid namin, pati mga kapatid ko nagtaka kung bakit nasa mga kama nila ito."- sabi niya at kinuha ko. So 145 na lang.

"Ilagay mo muma yan sa silid mo. May ipapakita ako."- sabi niya, sinundan ko naman ang sinabi niya at lumabas kami ulit pero may dala na akong blanket. Pero dinala niya ako sa mga kulungan ng mga kabayo at pinasakay niya ako at sumunod siya. "Saan tayo pupunta?"- tanong ko at umalis na kami.

"Sa lugar kung saan ako mag-iisang pupunta."- sagot niya. At ngayon ay nasa gubat kami, pagbaba namin ay naghanda siya firewoods tsaka nilapag niya ang blanket niya malapit dito. "Hali ka."- sagot niya.

Tumabi na ako sa kanya. Maganda pala ang gubat na to. May falls sa doong dapit, tsaka maraming mga magagandang bulaklak. "Dito ako pupunta kapag gusto ko. At dito ako manunood ng mga bituin. See that? Yang bituin na yan, kami yan sa mga kapatid ko. Kahit malayo yung landas namin, alam kong nasa puso ko sila at mahal namin ang isa't-isa kahit iba iba ang aming mga Ina."- wika niya.

"Mahilig ka palang mag star gaze?"- tanong ko. "Oo, matagal na. Ikaw yung unang idinala ko rito."- ngiti niya. Habang tumatagal, mas lalong napasarap yung ing magkwe-kwentuhan. Natatawa na nga ako minsan sa mga kwento niya noong unang pagkikita nilang magkakapatid sa loob ng palasyo noong mga bata pa sila at kung gaano sila mag-aaway sa simpleng bagay.

"Cha Dee, gusto ko. Magsasama tayo lagi, hanggamg matapos ang gyera."- sabi niya.

"Ako din. Alam mo, masaya ako kapag magkasama tayo."- sagot ko at bigla na lang niya akong punaharap sa kanya.

"Hihintayin ko yung araw na marinig ko yang 'I Love You' mula sa mga bibig mo, Cha Dee."- ngiti niya. Ngayon, nagtitinginan na kami sa aming mga mata, buglang tumibok ng malakas ang puso ko. "Mahal kita Cha Dee."- sabi niya at hinalikan niya ako, at ako? Syempre, nag kiss back ako no, mahal ko siya. At kami lang ang may alam nun.






*~*~*~*~*~*~*~*


*Xi Han's POV*

Umaga naman, marami ng mga tao dito sa palasyo ang maghahanda na. Habang agahan, maraming mga pinag-uusapan sila Ama at mga Ina namin kung kami mag-tatago. Pero, base sa mga kapatid ko, ayaw naming magtago. Hindi nga sila sang-ayon na tutulog kami sa mga kawal at mandirigma sa gyera.

She Travelled Where stories live. Discover now