Chap. 19 - Conflict of the Princes

41 2 0
                                    

*Yoo Jong's POV*

Makatapos noong naikalat na ang mga chismis sa buong Goryeo at ibang kaharian, kinausap na din naming lima ang mga kapatid namin, at huli na naming sinabihan ang mga kamahalan. Nagtaka nga si Haring Hoseok at Reyna Eunbi kung bakit hinusga namin si Ji Hyo. Pero napatunayan na din namin noong pinakita namin sila sa secretong tunnel na daanan ni Ji Hyo, at mas magtaka silang ilang linggo na si Ji Hyo hindi umuuwi sa palasyo.

*~*~*~*~*~*


Ngayong araw lang talaga, hindi ko alam kung bakit kaming lahat ay nag-aaway na dahil lang sa mga pangyayaring ito. Especially sa pagdating ng mga taga-Espanya at kasama pa ang taga Britan at kung sino ang poprotekta sa mga kamahalan. Kami at mga kapatid ko at nag-aaway away kung sino ang hahawak ng espada, palaso at pana. Kailangan kasi naming matuto lahat pero wala ng oras kaya hati-hati na lang kami. Pero sa sitwasyong ito, I think malabo pa kami mase-settle. Mas lalong nakakahiya kasi nasa practice area kami namin, may sa katulong at sundalo ditong nag-aabang sa amin. Pero, I think natatakot silang sumingit baka-madamay lamang sila.



"Ako nga sa palaso sabi eh!"- reklamo ni Se Wong.

"Hindi! Ako!"- sagot pa ni Han Song.

"Wag nga kayo! Ako lang kasi marunong ako!"- sabit pa ni Huang Jun.

"Ako ang may alam sa palaso! Wag na nga kayong mag-aaway!"- sabit pa ni Rye Soo.



"Yoo Jun hyung naman! Ako na lang sa espada, ikaw sa pana!"- reklamo ni Yoo Dae

"Hindi! Ako dapat kasi ako ang mas matanda sa iyo!"- sagot naman ni hyung.

"Uy hindi patas! Ako na lang para patas na tayo dito!"- sigaw ni Zhang Ying hyung.

"Ako na lang sa espada!"- singit ko.

"HINDI!!"- Sabit pareho nilang tatlo at napa-hiss na lang ako. Mukha na kaming mga bata neto eh! Nakakawala ng dignidad bilang Prinsipe.




"Ako sa pana!"- sigaw naman ni Woojin hyung.

"Ako! Marunong ako nyan!"- sigaw naman ni Xi Han hyung.

"Ako kaya ang marunong neto! Wag nga kayo!"- sigaw pa ni Xi Yuan hyung.

"Hindi ka marunong! Lagi ka ngang talo sa pagsasanay eh!"- sigaw pa ni Yoo Min hyung.



Kita nyo? Hindi na sila nahihiya pa sa mga taong nandito sa tabi nila. Nakita ko nga si Prinsesa Shin na hindi na alam ang gagawin, pati din sila Nami at Cha Dee na nag-aalala na ng sobra sa sitwasyon namin ngayon. Lumapit ako sa kanya. "Cha Dee? Pwede bang patahimikin mo sila?"- request ko. "Bakit po? Mas lalo pa tuloy silang magagalit. Patay ako nyan!"- worry ni Cha Dee. "Hindi yan, makikinig sila sa iyo. Promise."- sabi ko, halata naman. Makikinig lang ang mga yun sa kanya.
Eh kasi nga, kaibigan na naming lahat si Cha Dee, pati na si Se Wong ok na siya kay Cha Dee.

Lumapit na din Cha Dee sa harapan namin kahit may mga espada, pana at palaso na nasa malaking kahon nakalagay kung saan sa tinatayuan niya ngayon. Hindi ko akalain na pinatunog ni Cha Dee ang Gong malapit lang sa kahon ng mga armas. At instantly, nagsitigil na sila.

Napa-bugtong hininga siya bago siya magsalita. "Mga kamahalang kagwapuhan sa buong Goryeo. Tigil muna sa away ha? Pwede bang ako na lang ang mag-aasign sa inyo sa inyong mga gagamitin? Lets say na magco-combat muna kayo, tig-dalawahan muna, at kung sino ang marunong, sa kanya mararating ang ninais niyang armas."- ulat ni Cha Dee. Wow.

Astig nun, napatingin ako sa kanila. Maya-maya pa sila nakasagot ng oo. Ayos, para hindi na kami mukhang mga bata neto or else, magagalit si Ama.

Ang unang nag-cocombat ay sina Se Wong at Han Song sa palaso. At ang nagwagi nito at si Han Song. Hanggat sa sunod-sunid na kaming nagsubok.

She Travelled Where stories live. Discover now