Chap. 20 - The War

31 1 0
                                    

*Cha Dee's POV*

Finally!! 198 na lang! Nakita ko dito sa loob ng silid ng mga damit at sa silid ng mga kamahalan habang nag lilinis ako. Noong nasa kusina na kami ni Nami, ang ibang katulong ay nasa mga silid ng mga kamahalan, nag-iimpake na. Kagabi kasi nadinig ko na kailangan mag-impake ng kaunti.

"Ehhhmmm.......ehhmmm...."

Nadinig ko si Nami, at bigla na lang nagsuka. "Uy Nami! Anong nangyari?! Ok ka lang?"- tanong ko, malakas tuloy ang heartbeat ko.

"Cha Dee.....pakiramdam ko na...masakit ang katawan ko."- sabi niya. Omg, ito na.

"Hali ka sa silid ka muna, matulog ka habang kukuha ako ng gamot."- sabi ko at hinatid ko siya. Saktong paglabas ko, nakita ko si Prinsipe Rye Soo at Yoo Jong nagulat noong nakita nila ako. "May kailangan po ba kayo?"- tanong ko. "Si Nami?"- tanong ni Yoo Jong. "Ah may pinagawa lang ako sa kanya, pero sabi niya matulog daw muna siya."- sagot ko. "Ganun ba? Sige mamaya na lang."- sagot niya at umalis na sila.

Aalis na sana ako pero tinawag ako ng Kaibigan ko. "Ano yun?"- sagot ko. "Cha Dee, mangako ka. Wag na wag mong sasabihin sa mga prinsipe ang nararamdaman ko ngayon. May kutob ako na may dinadala na akong bata sa sinapupunan ko."- sabi niya with a pleading tone.

"Paano mo na laman?"- tanong ko. "Ang Ina ko ay daring nagpa-anak sa mga kamahalan ngayon, pati ang mga Lady. Tsaka, ang Ama ko ay dating mandirigma ng Ama ni Haring Song. Pero namatay siya sa araw ng gyera, 72 years ago. Ang kalaban nila ay mga taga-Espanya din."- sagot niya, ah kaya pala may knowledge siya.

"Pero, sino ang Ama ng dinadala mo?"- tanong ko. Pero along the way, alam ko na.

"Si Prinsipe Yoo Jong. Last 2 weeks ago, may nangyari sa amin. Pati noong nakaraang dalawang araw, nangyari ulit. Kaya kung pwede lang, huwag mong sasabihin sa mga Prinsipe at mga kamahalan, at lalo na kay Prinsipe Yoo Jong. Please Cha Dee, wag mong sabihin ha."- maka-awa niya.

"Nami, are you kidding me? Magandang news ito! Siguro sasaya si Prinsipe Yoo Jong sa napakagandang balitang ito!"- sabi ko. "Hindi Cha Dee, magagalit ang mga Kamahalan. Maaaring papatayin nila ako, mas worst si Prinsipe Yoo Jing ang ipapatay nila. Kaya please, tahimik lang tayo."- sabi niya at umiyak na siya. At niyakap ko na lang siya.

"Ok. I promise. Pero mangako ka sa akin na aalagaan mo yang anghel sa sinapupunan mo ha."- sabi ko at niyakap ko siya ulit.

Tsaka sa buong araw na ito, umaga hanggang gabi at makalipas pa ng ilang araw laging nag-eensayo ang mga Prinsipe. Sa gabing ito, as usual, nagkikita naman kami ni Prinsipe Rye Soo. Pero nasa lake kami ngayon. "So, kumusta na si Nami?"- bigla niya tanong. "Huh? Ok lang po. Teka, may alam ka pala, nakalimutan ko."- sagot ko. "Alam mo naman pala na may ideya ako. Oo, nakita ko sila sa unang araw nila. Ang araw na yun ay bago pa may chismis na kumalat."- sagot niya. "Aahh, after 2 weeks nga. Alam mo, kahapon lang sinabi ni Nami na may dinadala na siya at alam niya ang mga sintomas kasi ang Ina niya rati ay taga-panganak sa mga kamahalan at ang Ama niya at dating mandirigma ng Lolo ninyo."- sagot ko. "Ahh kaya pala."- sagot niya. "Sabi niya na dapat hindi ko daw sasabihin sa inyo, mas lalo na kay Prinsipe Yoo Jong. Ayaw ni Nami na mapahamak siya at ang batang dinadala niya. Please po, wag na wag kang magsasalita."- pakiusap ko. "Wag kang mag-aalala. Ako lang ang makaka-alam at ikaw."- sabi niya. Tsaka, na noticed ko na maraming stars ngayong gabi, tsaka medyo malamig na ang breeze kasi malapit na daw ang tag-yelo.

Nanlaki ang mga mata ko noong niyakap niya ako. "Alam kong giniginaw ka."- sabi ni Prinsipe Rye Soo. "Ikaw naman oh, pwede namang kukuha  na lang ako ng blanket."- imik ko. "Nah, mas mainit ang yakap kompara sa blanket."- sabi niya sabay chuckle pa. Corny.....

"Corny mo talaga no. Matulog ka na, alam kong pagod ka. Sige na, bago pa tayo mahuli dito."- sabi ko sabay tulak sa kanya palayo. "Wala bang 'Mahal Kita' words mula sa iyo?"- sabi niya. "Luhhh, MU pa nga tayo. I love you agad?"- sabi ko. Yes, confirm na MU kami....almost 1 month na nga eh, si Prinsipe Rye Soo ang unang nag-confess.

She Travelled Where stories live. Discover now