"Mas may maganda akong idea bro. Bakit hindi mo na lang kidnapin ang asawa niya at magpakasawa ka sa ano man ang gustuhin mo sa babae na iyon." Isang devilish smile ang makikita mo sa isapang lalaki.

"Diba bro type mo iyong Hailey na kapatid niya? What if....." sadyang binitin ng isa ang kanyang sasabihin, "siya ang isunod natin. Hahahaha" isang malutong natawa ang pinakawalan nito.

"Oo nga bro, pero wag muna tayo mag kumpyansa dahil kahit walang maalala now si Hillarda sa nakaraang tatlong taon niya ay naaalala niya pa din ang mga nakaraan." Patango tangong sabi nito. "Ako muna ang bahala dahil hindi pa sila nakakahalata sa akin. Isa pa hindi ako kayang saktan ni Hillarda. Mahalaga sa kanya ang isang kaibigan kahit may naging awayan kami."

"Wag mo din kalimutan na kasama niya si Sonya na isa din tuso. Tutulong iyon dahil pinsan niya si Leandra." Paalala ng mas nakakabata sa dalawang lalaki.

"Isa na sa mga tauhan ko ang bahala sa kanya. Ang mahalaga nakapasok ka sa lungga niya at alam muna ang mga daily routines nilang lahat." Nag unat-unat ito sa katawan si Eric at tumayo sa may glass window ng hotel na kanilang tinutuluyan.

"Mag-ingat ka na lang bro." Paalala ulit ni Charles.

"Isa lamang siyang babae. Ano ang laban niya sa akin na malapit ng maging general ng US Navy at maliban dun ay isa din tayong maharlika gaya niya. Pero ang pinagkaibahan niya may under ground tayong acitivity." Isang mayabang na tingin ang ipinukol niya sa kapatid.

Oo, magkapatid ang dalawang lalaki at may nag-iisa silang nakakabatang kapatid na babae.

Isang babae na patay na patay kay Hillarda. Ginawa ang lahat maagaw lamang niya ito kay Stephanie Jane.

Nakaya niyang patayin ang taong naging mahalaga at minahal ni H.

Pero ng akala niya na purkit na angkin na niya ang katawan ng babaeng pinakamamahal ay mapapasakanya ang puso nito.

Pero nagkamali siya dahil mas naging pusong bato pala ito. Kaya hindi niya ito nakayanan. Siya na mismo ang pumutol sa sariling buhay.

Dahil doon tumindi ang galit ng magkapatid kay Hillarda.

Dahil hindi alam ni Hillarda na sa batang edad na katorse at sa katalinuhan at kakayahang humawak ng baril ay siya mga magulang pala nila ang napatay nito.

Hindi akalain ng nakakabata babae ng dalawa na may isang taong lihim na nagmamahal sa kanya ng tapat.

Isang lalaki na hanggang ngayon ay namumuhi siya kay H dahil sa pagiging pusong bato nito.

Pero ang lalaki na iyon ay unti-unting natatanggap na nagiging malambot na ang puso ni H ng dahil sa kanyang pinsan.

Nagagalit lamang ito kay H dahil ayaw niyang mangyari sa kanyang pinsan na sa sobrang pagmamahal kay H ay sapitin din nito ang sinapit ni Stephy.

Ang nakakabatang kapatid nina Charles at Eric.

*****



*Many years ago


"Wow! Papa! Mama! Look at them." Sabay turo ng limang taon na bata sa twins ng kanyang dada (kuya). "They're so adorable. Dada can i hold them?" Pakiusap nito sa dada niya. "Please mimi?" Bumaling siya sa asawa ng dada niya. "Promise, I'll be gentle and when they grow up i want them to call me mimi too like how i call you mimi." Tapos ngumiti ito ng pagkalapad lapad.

"Really baby? Can you take care of them?" Tanong naman ng kanyang mama.

"Duh! Yes of course. No one can hurt them." Sabi ng cute na H at itinaas baba pa ang dalawang kilay. "Baka po makapatay ako ng tao na wala sa oras." Na shocked at nagkatinginan ang mga nakakatanda sa kanya dahil sa sinabi ng isang bata na gaya niya. "Kaya gusto ko pong magpatayo ng isang security agency na pwede mag protect na sa kanila. At ang security agency na iyong ay sisiguraduhin ko na sa akin lang ang loyalty nila. Gaya nina David at Danizze. Iyong anak ng butler ko at butler ni dada." Pero sa pagkakataon na ito ang apat na nakakatanda sa kanya ay napabilib sa sinabi ng batang babae.

"Ang genius talaga ng baby ko." Sabay kiss na pangigil ang ginawa ng kanyang papa.

"Anong baby mo? Baby ko iyan dahil sa tiyan ko iyan galing." Irap ng mama nito.

"Hindi iyan mabubuo kundi sa akin kaya anak ko iyan." Diskusyon naman ng papa nito.

"Di naman po ako mabubuo kundi malamig ang panahon eh." Sabat ng bata sa debate ng magulang. "Ayon po sa nabasa ko kaya nabubuo ang bata ay kapag nag intercourse ang dalawang opposite sex tapos nag met ang sperm at egg cells ay........" dina natapos pa ng bata ang kanyang sasabihin dahil tinakpan ng kanyang dada ang bibig nito.

"Ano ba pinagbabasa mo baby at nalalaman mo ang mga iyan?" Nakangiwi nitong tanong sa nakakabatang kapatid na twelve years ang agwat ng edad. "Bata kapa dapat pag-aaral muna inaatupag mo. Hehehe"

"Bakit dada? Bata pa naman kayo ni mimi ng ikasal ah? Sixteen palang kayong dalawa tapos now seventeen na kayo nagkaanak. Diba po bata pa din iyan? Palibhasa para lang dumami tayo pinaasawa na niyo papa si dada na ang bata bata pa. Buti magkasintahan sila kundi baka warak lang buhay pamilya nila." Tuloy tuloy na sabi ng bata na di napansin na nakakanganga sa kanya ang apat. "Di niyo tuloy na enjoy buhay binata at dalaga. Tsk!"

"Ikaw talaga baby ang dami mong alam." Unang nakabawi ang kanyang papa sa pagkanganga sa katalinuhan ng anak.

"Kasi baby na love at first sight naman ako sa mimi mo. At one year din akong nanligaw tapos one year naging kami. Kaya nagpakasal na agad at iyon sa loob ng one year nakabuo din kam..... aray!" Bigla siya nasapak ng asawa sa braso.

"Kaya ganyan iyan magsalita kapatid mo dahil sayo. Kabata bata pa kung ano ang tinuturo mo sa kanya. Pati paghawak ng baril pinahawak mo na kaya matanda kung mag-isip."

"Whaaaattt?!"

Sabay na sabi ng matandang mag-asawa.

"Hillard! Pinapahawak mo na itong kapatid mo ng baril?! Paano kung madisgrasya iyan!" Sermon ng mama nila.

"Isang beses pa lamang po iyon mama eh, dina nga niya sinundan. Kainis nga ni dada." Malditang sabi ng bata.

"Kita muna Hillard ang ginawa mo sa kapatid mo. Tsk!" Sabi naman ng papa nila.

"Baby ano ba ang ideal husband mo? Aray!" Nakurot na naman ng asawa si Hillard.

"Ayan ka na naman. Kabata bata niyan asawa agad sinasabi mo."


*to be continue




*****

Nicolette0810

"My Vanilla"(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon