V - 34

5.1K 128 9
                                    

Leandra's P.O.V

*cont.

"Ibig sabihin isang pattern ang lahat ng ngyari sa kanyang birthday at posibling iisang tao lahat ang may gawa." Pupunas punas sa mata na sabi ni Danizze.

"At isang makapangyarihang tao ang may gawa nun. Matalino at tuso." Sabi din ni Yuu.

"Kilala siya ni Hillarda." Segunda ni Kea.

"Hindi aksidenti ang nangyari sa pagkakabanga sa kanya ng itim na sasakyan. Kahit tinulak pa niya si Leandra ay halatang siya ang target." Sabi din ni Sonya. "Makikita mo paano ang takbo ng sasakyang may mababangga or may babanggain." Dagdag pa niya.

Lahat kami ay napapaisip ng malalim. Ang hirap pala ng pinag daanan niya sa buhay.

Lalong lalo na ako na gulong gulo ang utak ko. Saan ang totoo sa lahat ng sinabi nila. DID? Amnesia? Parang nabasa naman ni Megan ang pagkalito ko.

"I'm sorry guys. Specially sayo Lee. Kailangan namin mag sinungaling para sa kaligtasan ni Mimi. Actually si mimi nag suggest noon pero ng dahil sa mga itinuturok ni Dr. Charles ay nakakalimutan niya ito. Para mas kapani-paniwalang." Napabuntong hininga siya. "Hayaan mo alam ko maalala ka din niya dahil temporary lang naman iyan. Retrogate amnesia ang tawag. Sabay hawak sa kamay ko. "Alam ko wala ka din alam Hailey. Di namin sayo sinabi dahil ang daldal mong tao." Tukoy niya sa isang tao na kahit umiiyak ay nagawa pang mag pout at irapan ang ate nito na ikinatawa lang namin.

Ngiti ang isinagot ko sa kanya bago magpasalamat. "Thank you."

Pumasok ako sa kuwarto niya at hinaplos ang kanyang mukha.

Sa lahat pala na ipinapakita niyang saya dati sa akin ay may nakakubling H na punong puno ng kalungkutan.

*****


Third person P.O.V


May dalawang tao ang nag uusap na hindi pa kuntento sa buhay mapabagsak lang si H.

"Kulang pa ang mga pasakit na nararanasan niya sa buhay." Sabi ng isang lalaki habang iniikot ikot ang wine glass na may laman at kaharap pa ang isang tao.

"Nakakahalata na sila sa akin. At hindi na ako pweding bumalik pa sa poder nila dahil baka hindi na ako makalabas ng buhay. Hahaha." Humalakhak ang nakababatang lalaki na nakaupo habang pinaglalaruan din ang wine. "Kailangan maunahan natin ang mag asawang Smith dahil sila ang always nakakapigil sa mga ginagawa ko. Akala ko kaya ko ng gawing baliw ang babae na iyon gaya ng ginawa niya sa kapatid nating babae. Pagkatapos niyang angkinin ang katawan ay basta basta lamang niya itatapon na parang basura. At ng dahil din sa kanya nawala sina mama at papa." Biglang nabasag ang hawak nitong wine glass dahil sa gigil kay H. "Alam mo ba sa kabaliwan niya pati si Leandra tinutukan ng baril? Nakita ko ng pumasok kami sa kuwarto niya."

"Pati ang babaeng minamahal ko ay inigaw niya. Kaya pala hindi na nagpapararamdam dati sa akin ang girlfriend ko at ng biglang magparamdam ay break agad ang gusto. Tsk! Itutulad din pala niya ang pinakamamahal ko sa mga taong pinatay niya. Sa lahat pa naman ng babaeng dumaan sa akin siya lang ang iginalang ko. Pero sisiguraduhin ko na walang hahadlang na sa akin sa pagkakataon na ito. Naghinatay ako ng dalawang taon at nagtiyaga pero di pa pala natuluyan ang isa na iyon." Sabi ng isa pang lalaki. "Ang talino din ni Megan at nakaya niyang itago si Hillarda. Pero sadyang si Hillarda ang humuhukay ng sarili nitong libingan."

"My Vanilla"(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon