V - 18

6.6K 150 1
                                    

Leandra's P.O.V

Ng matapos kami kumain ay nag excuse ako para sagutin ang tawag ni Mitch kung pupunta ba ako sa office at sinabing bukas na lang at ipinacancel ko na din lahat ng appointments ko for this day.

After the call ay sa sala ako dumeretso pero wala akong H na naratnan.

"Saan si H?" Tanong ko.

"Wag kang possesive, may kausap lang sa phone." - ayan na naman si Cloe.

"Nag salita ang hindi." Natatawang sabi ni Yurice.

"Sa garden tayo ulit babe." Paglalambing ni Kea kay Sonya na sinang-ayunan ng lahat na sa garden na lng ulit kami dahil malamig dun at walang araw.

Bago kami makarating doon ay may narinig kaming parang nagsasagutan ng mahihina lang.

Si H? At sino na naman kasagutan niya? Si Rajj!

Biglang iniharang ni Yuu ang mga kamay sa amin at nag sign ng silent. Napahinto kami at di din kami makikita ng dalawa dahil nasa may sulok mga ito nag-uusap.

Nag cross-arms na lang si Sonya at kumunot ang noo at lalakad na ito sana pa abante pero pinigilan ni Kea.

Takot din talaga ito sa asawa.

*****

H p.o.v

"Diba sinabihan na kita na lumayo ka kay Leandra." Bungad agad na sabi sa akin ni Rajj ng hilain niya ako dito sa may sulok sa garden.

"Anong karapatan mo na pigilan ako?" Sagot ko at iniwasiwas ko ang kamay nito.

Kilala kita kaya wala kang maidudulot na maganda sa kanya. Sabi nito na binabaliwala ang sinabi ko.

"Anong basihan mo para sabihin sa akin ang mga iyan?"
Cross-arms na tanong ko.

"Sasaktan mo lang siya kaya umalis kana sa buhay niya at bumalik na sa lungga mo." Aba't ano ang karapatan niyang utusan ako.

"Kung ayaw ko, ano gagawin mo?" Kalmanting sabi ko na lang.

"Itutulad mo lang siya sa mga babae mo, kay Stephy." At doon na tuloy kumunot lalo ang noo ko at nag pokerface din.

"What?! Pa-paano siya nasali sa usapan? Wag mong sabihin na hanggang ngayon siya pa din ang dahilan kaya mainit dugo mo sa akin." Medyo napataas na din ang boses ko. "Iyang ego mo pa din ang pinapairal mo Rajj?" Duro ko sa kanya. "Na hanggang ngayon d'mo pa din matanggap na ako ang inibig niya at hindi ikaw."

"Oo! ikaw nga ang pinili pero ng dahil sayo ay nawala siya. Dahil sa kapabayaan mo at dinamay mo pa si Rajul. Tapos ngayon? Si Leandra na naman? Oh! come on H! hindi mo siyang kayang panindigan." Mahaba nitong sabi na halatang nagpipigil sa galit.

Pero bago pa ako malungkot ng tuluyan..... I composed my self. "Iyan ang pinagkaiba niyo ni Rajul." Iiling iling na hayag ko. "Kahit kilan hindi niya ako inusgahan pero ikaw wala kang ginawa kundi insultuhin ako na d'mo naman kilala ang buo kong pagkatao."

"Really? Hindi kita kilala? Ang isang ruthless na madali lang pumatay ng tao at heartless na hindi alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang pagmamahal na gaya mo ay hindi ko kilala?" Nakangising sabi niya. "Baka nga iyang ipinapakita mo kay Leandra ay tawag lang katawan lupa m......"

*Pak!

Hindi pa niya natapos ang kanyang mga sinasabi ay sinampal kuna ito.

Pero bigla na naman niyang hinawakan ang isa ko na braso ng mahipit.

"Lulubayan mo si Leandra sa ayaw at sa gusto mo!" Pagbabanta niyang sabi.

"How dare you to touch me! Gagawin ko ano ang gusto kong gawin sa kanya kaya wala kang magagawa at kayang gawin! Alam mo iyan!" At nagpupumiglas ako sa pagakakahawak niya at madali ko lang iyon nagawa. "Hindi lang katawan niya ang gusto ko kundi pati kaluluwa niya kaya walang makakapigil sa akin dahil akin lang siya. D'mo pa ako kilala ng tuluyan!"

"Paano pag sinabing ko sa kanya na kasal kana?" Galit na niyang sabi na ikinagulat ko. "At wala kang balak panindigan siya dahil aalis ka din sa loob ng dalawang linggo para bumalik sa lungga mo. Dahil iyan lang naman ang kaya mong gawin ang mang-iwan." Sabi pa nito na may pagbabanta.

"Oo, kasal ako pero sa kanya ak...." biglang naputol ang sasabihin ko ng makita ko ang taong nasa likuran ni Rajj.

*Pak!

Nabigla ako dahil sa sampal na dumapo sa pisngi ko.

Leandra......

Tumalikod na siya pero agad kong nahawakan ang braso niya upang magpaliwanag sana.

"Leandra magapapliwanag ako!" Pero isa na namang.....

*Pak!

Isang sampal ulit ang dumapo sa kabila kung pisngi.... bali mag asawang sampal natanggap ko sa kanya at tumalikod na siya ng tuluyan habang may mga luha akong nakitang pumatak mula sa kanyang mga mata.... umiiyak ito.

"Leandra!" tawag ko kanya na halos diko marinig ang sarili ko dahil sa pagkabigla.

"Leandra sandali!" Tawag ko dahil ang bilis niyang tumakbo. Kailangan ko magpaliwanag.

Mali ang iniisip niya.

"Makinig ka muna!"

Pero bago ko pa siya mahabol at hinarangan ako ng mga kaibigan niya.

Matiim ko silang tiningnan. "Hayaan niyo akong magpaliwanag muna sa kanya." at walang pag aalinlangan na binangga ko sila.

Pero hinarangan ulit nila ako.

Pati si Sonya at lalong lalo na si Amber na iba makatingin sa akin ay nakikisali.

"Papadaanin niyo ako or gusto niyong masaktan ko muna kayo bago niyo ako padaanin!" Biglang sabi ko sa ibang aura at natinag naman sila dahil siguro sa takot.

Kilala ako ng tatlo na iyon paano magalit.

Kaya hinabol ko ulit si Leandra na nakasakay na ng sasakyan.

Shit! paano ko pa siya mahahabol? Naiiyak na ako at now lang ako nagkaganito.

Pero pag ang swerte dumapo sayo dahil biglang huminto ang sasakyan na gamit niya.

Dali dali akong tumakbo sa kanya kahit natataranta na ako.

Pero ang ginawa niya lumabas sa sasakyan at tumakbo palabas ng hacienda.

Naghabulan kami hanggang sa makarating kami ng national hiway at ng maabutan ko siya ay bigla ko siyang niyakap.

"Please, let me explain."

Pero kumalas lang siya sa akin at walang pagdadalawang isip na tumawid sa kabilang lane na di napansin ang isang rumaragasang sasakyan na kulay itim....

At.....

"Leandra watch out!"

*****

Nicolette0810

-edited

"My Vanilla"(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon