Twenty One

12.1K 344 155
                                    

"Babe? Why are you crying? Did I do something wrong? May umaway ba sa'yo? Sino, babe? Tell me! Fuck no one can hurt you!" Crey hugged me. Umiiyak lang naman ako sa bisig niya.

Nandito kami sa condo niya ngayon. Niyaya ko siyang pumunta dito after she won her game. Nagtataka pa siya nung una dahil gabi na at never naman akong nag stay ng ganito ka late sa condo niya. Gusto niya 'kong ihatid agad pero pinilit ko siya na pumunta dito.

I need to tell her the truth.

"Babe? Please! Tell me what's wrong! Hindi kita nakitang umiyak ng ganito! I'm so worried right now, babe, just please speak now so we can talk." She cupped my face. Pinunasan ko yung luha ko atsaka marahan siyang hinila para umupo. Nag-aalala lang siyang tumingin sakin.

"Crey," I sniffed. "Crey..." She wiped my tears. "I..." I sighed deeply.

"It's okay, babe. It's okay. Just tell me, okay?" I nodded. I sighed again.

"I...I'm c-cheating on you!" Humagulgol na 'ko sa kaiiyak. Naguguluhan siyang tumingin sakin pero nanlalabo na rin ang paningin niya dahil sa luha niya.

Pilit siyang ngumiti.

"Pardon, babe? Mali yata yung pagkakarinig ko." She fakely chuckled. "Mali nga talaga siguro yung pagkakarinig ko. Oo, tama, mali nga yung pagkakarinig ko—"

"You heard me clearly," Nakatingin lang ako sa kanya habang tumutulo ang luha ko.

And her tears begin to fall.

And it breaks my heart big time. Damn it, Monique! How dare you hurt a wonderful person? How dare you hurt the one who loves you so much? How dare you hurt the one who understands you even if you are fucking wrong?

Nagpunas siya ng luha. Namumula na yung ilong at mata niya. Kinagat niya yung pang ibabang labi niya dahil ayaw niyang marinig ko yung hikbi niya pero kahit anong pigil niya naririnig ko yung iyak niya. Ngumuso siya, trying to stop her tears from falling.

Mas lalo akong napaiyak nang yumakap siya sa hita ko at doon umiyak. Nag-iihit na siya sa pag iyak pero wala akong karapatang pigilan siya dahil kasalanan ko kung bakit siya umiiyak ng ganito. She looks so fragile and it really hurt me seeing her like this. I wanna punch myself for making her cry like this!

Nanggigigil na siya pero hinawakan ko yung kamay niya kaya nawala yung panggigigil niya. Mahigpit niyang hinawakan yung kamay ko. Kinagat niya yung hita ko kaya napangiwi ako sa sakit.

"S-sorry, I didn't mean t-to bit you..." I patted her head, signaling that it was okay. Wala pa 'yon sa sakit na dinala ko sa kanya ngayon.

Umayos siya ng upo. Tumayo siya tapos pumunta sa room niya. Pagbalik niya may dala na siyang first aid kit. Ginamot niya yung kinagat niya sa hita ko habang humihikbi pa rin siya.

"Crey, it's fine..." Umiling lang siya kaya hinayaan ko na. Pinunasan ko yung luha niya. Pumikit siya sandali atsaka ipinagpatuloy ang pag gamot.

Inilagay niya sa center table yung first aid kit pagkatapos niya 'kong gamutin. Hinubad niya yung suot niyang warmer kaya naka t-shirt nalang siya ngayon. Humarap siya sakin. Namumula yung mata at ilong.

Look what you've done to that beautiful face, Monique. Damn you.

"I'm not gonna cry anymore. Just tell me the whole story, babe. I'll listen." Lumunok ako atsaka tumango. "Should I ask?" I nodded. "Who's the other one?" Seryoso niyang tanong.

"It's...Cohen."

Napapikit siya. Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina pa pinipigilan. Hinayaan ko lang siya kahit gustong-gusto ko na siyang yakapin. Pero anong karapatan ko? Ako yung nanakit sa kanya. Wala akong karapatang patahanin siya when in the first place ako yung may kasalanan kung bakit siya ganyan ngayon.

Yeux GrisNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ