Two

16.9K 478 53
                                    

"Congrats, babe!" Masayang sabi ko kay Crey nang manalo sila.

Hinintay ko nalang siya sa dug-out nila dahil ang daming nagpapicture sa kanya kanina at no way na sumingit ako don. Baka manampal lang ako kung may makabunggo or makatapak sakin don.

Gusto niyang yakapin ako pero alam niyang hindi ako papayag dahil pawis siya.

"Thanks! Nandito ka kasi kaya inspired ako." Ngumiti siya.

Marahan ko siyang tinulak papasok sa shower room.

"Sige na bilisan mo na. Kanina pa tayo hinahanap nila Hopey," She nodded kaya iniwan ko na siya don.

Medjo ka-close ko na yung mga teammates niya kaya sila yung kausap ko habang hinihintay si Crey. Panay tanong sila kung kailan daw yung kasal pero sinabi ko naman na sasabihin naman agad namin kung may exact date na.

Around 7pm nang nakarating kami sa bahay nila Lj. Konti nalang yung mga bisita. Family nila and kami nalang nila Trish. Dumiretso sa pool side si Crey dahil nandoon sila Lj pero ako nasa room nila Hopey. Nandon kasi ang girls kasama ang mga anak nila. Nagpapatulog muna yata.

Humalik ako sa pisnge nila atsaka sa mga anak nila. Tulog na si Tiffy and Liel sa kabilang room kaya itong mga maliliit nalang yung nandito.

"Nung una ang hirap mag pa breastfeed kasi ayaw lumabas!" Natatawang sabi ni Trish.

Nagsalita naman si Hopey. "Sabi ni Mommy kailangan daw may sumipsip muna kasi hindi daw kaya ng baby,"

"So, si Lj ang gumawa?" Nagtawanan kami sa sinabi ko. Namula naman siya.

"Oo. She's crazy! Ayaw niya ng umalis after that!" Napahalakhak naman ulit kami.

"Nasarapan!" Stef. "Alec said na gumawa na daw kami ng boy dahil kayo ni Lj meron na," She laughs.

"Sabi rin ni Gab," Bumungisngis si Lau. "Ang unfair daw kasi ni Lj, ang usapan daw isa muna tas ayun nagka twins kayo kaya nagmamadali tuloy si Gab." Tumawa naman kami.

"So ilang times na yan per day?" Ngumisi si Shine, nang-aasar.

"Ten yata—joke!" Tawang tawa tuloy kami. "Si Cloud ayaw pa?"

"Ayaw niya pa. I-ispoilin niya muna daw si Skye," Babae rin yung anak nila Shine at sobrang protective ni Cloud don. Well, ganun talaga siguro kapag babae anak mo.

Si Lj nga e hindi pinapayagang umalis si Hopey na walang kasamang body guards. Lalo na kapag kasama yung mga bata.

"Si Sam ginagawang lalaki si Shammy. Nababatukan ko nga kapag ganon, e!" Sabi ni Trish.

Kaya naiinggit sila kay Lj kasi si Lj palang yung may lalaki tas lahat sila puro babae yung anak.

"Gusto na rin kasi ng boy," Sabi ko.

"Nah, tsaka na. E ikaw? Kailan naman namin makikita yung version niyo ni Crey?" Asar ni Trish. Pabiro ko siyang inirapan kaya natawa sila.

"Matagal pa 'ko, okay? Oh tulog na pala yung mga babies ko? Tara na sa baba?" Nag okay naman sila. Pinabantayan ni Hopey yung mga bata sa kasambahay nila kaya bumaba na kami.

Sari-sariling upo sa tabi ng asawa ang mga gaga kaya umupo na 'ko sa tabi ni Crey. Bingyan niya 'ko ng shot. Iinumin ko na sana nang biglang may lumapit sa table.

Dahilan kung bakit nanlaki ang mata ko. Yung pintig ng puso ko times one thousand na yata!

"Ang tagal mo namang umihi! Baka iba ginawa mo doon ha?" Asar ni Lj kay Cohen.

Umupo siya sa tabing upuan ko sa kanan. Wtf! Sa tabi ko lang pala yung free na seat?!

Ibinaba ko yung iinumin ko dapat atsaka umupo ng maayos. Damn! Naaamoy ko yung pabango niya! Or natural niyang amoy 'to?

Yeux GrisWhere stories live. Discover now