Eighteen

11.8K 326 90
                                    

"The price doesn't matter, babe, please?" Sabi ni Crey pagpasok namin sa hall na pinaggaganapan ng wedding expo. Marami din na couples na nandito.

"Let me think," Sagot ko naman habang umiikot yung paningin ko sa mga stalls.

Well, kapag alam ko kasing too much na, pinipigilan ko na talaga siya. I know gusto niya talagang engrande pero yung masyadong mahal? Ayoko. Pwede naman kung half half kami ng bayad pero ayaw niya naman!

Nakahawak ako sa braso niya. Lumapit siya sa booth ng invitation cards and decorations. To be honest, hindi naman talaga namin kailangan 'to dahil may wedding planner naman kami, e. Pero kasi she said na she wants any other ideas 'cause she really wants our wedding to be grand.

"Oh my, welcome to our booth, Ms. Creighton Ramirez!" Sabi nung girl na malamang isa sa owner ng booth na 'to. Hindi kasi siya naka uniform unlike doon sa dalawa pang babaeng nasa loob.

"Hi, we're looking for some beach type of invitation cards." She smiled to the girl. Mukhang na starstruck pa yung girl kaya nagsalita na yung isa sa mga staff na pumasok daw kami para makita namin.

Natauhan naman yata yung babae kaya inentertain na ulit kami. I mean, si Crey lang pala. Kung wala akong Cohen ngayon baka nairapan ko na 'tong babaeng 'to na obvious na may gusto kay Crey. Pero, naiirita rin naman talaga 'ko. Ayoko ng mga ganyang papansin.

"Crey, I already have the sample invitation on my laptop. Hannah and I already talked about the invitation..." Bulong ko kay Crey. Hannah is the wedding planner and I already have the softcopy of that. Hindi niya pa nakikita dahil hindi ko pa nasesend sa kanya. I forgot.

"Is that right?" I nodded. Bumaling siya doon sa babae. "We'll be back later, okay?" Stunned yung babae pero tumango naman siya. Ngumiti si Crey doon sa staff atsaka kami lumabas.

Paglingon ko sa booth nila, kinikilig yung mga babae kaya napailing nalang ako. Boyish kasi talaga si Crey. Naka man bun siya. Ang puti pa niya at ang tangkad kaya kapansin pansin talaga. Naka transparent siyang eyeglass ngayon na walang grado, pa cute lang ba. Bumagay sa kanya 'yon. Naka hoodie siyang maroon and maong shorts na above the knee. Naka vans siyang shoes. All in all, ang gwapo niya talagang tignan at ang linis pa.

"Let's go to the photo booth..." Pumasok kami don sa tinuro niya. Puro mga boys naman ang staff dito kaya ako naman yung inasikaso. Umakbay sakin si Crey atsaka humalik sa pisngi ko kaya umayos yung mga lalaki. "Forget it, I don't want them for our photo ops." Hinila niya na 'ko paalis don. Natawa nalang ako.

Katapat nung booth na 'yon yung gift shop kaya naisipan naming doon naman pumunta. Hindi kami nagkaproblema sa staff dahil professional talaga sila kaya may mga napili kami doon para sa mga guests.

"Creyton Raine, stop na. You're too much na." Bulong ko sa kanya. I know na marami siyang budget for this pero sobra sobra na talaga siya!

She scratch her nape then nodded. Nag fill up siya for the info then nag usap pa sila about some things nung owner. Lumabas din kami agad after they agreed.

Here comes me, the asocial shit.

Kung sobra sobra siya sa gift shop, mas sumobra pa siya sa accessories na isusuot naming dalawa. Hinayaan ko muna dahil gusto niya talaga yon pero yung lahat ng guest may separate accessories ang hindi ko kinaya!

"Crey! What do you think of our guests, poor? Don't worry about them! They will find us weird kung pati accessories nila sagot natin! Baka ma misinterpret nila so stop it, okay? Stop it!" Kinurot ko siya sa tagiliran. Tumawa siya atsaka kinausap yung staff.

"Remove the accessories for the guests. Ayaw ni Misis, e." Kumindat siya dun sa staff kaya namula yung staff. Tumango naman yung isa pang staff atsaka nag deal ulit sila.

Yeux GrisWhere stories live. Discover now