I was so busy inhaling his good and manly scent na hindi ko na siya napagilan sa ginagawa niya.

No!

Agad niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at kinaladkad ako palabas ng sasakyan niya na halos ikatumba ko.

"Ang sama mo!" I yelled.

"Yes I know." Sabi niya at agad na umikot para sa driver's seat at pinaharurot ng takbo ang sasakyan niya.

Summer at hindi ko siya nasundan sa Ilocos dahil two weeks kami sa Greece with my family. And when I say family, si Daddy lang yung tinutukoy ko.

I heard na barkada niya lang naman ang kasama niya doon so no need to worry. Pagbalik na pagbalik ko, I'll chase him again. Simple as that.

Nang nakabalik na ako ay nalaman kong nakabalik na rin sila. I'm so excited to see him again!

I'm planning to go to his condo unit today. Kaya nag bake muna ako ng strawberry cheesecake na favorite niya para dalhin sa kanya. I formed it into a heart shape at nilagay iyon sa red na box.

I smiled nang nakarating na ako sa harap ng pinto ng unit niya. Then I pressed the doorbell multiple times.

At nang bumukas iyon ay halos malalaglag ang box na hawak ko.

Heavens!

He is only wearing his faded jeans. Medyo magulo at basa pa ang buhok niya, his forehead slightly furrowed.

My eyes lingered on his gorgeous body.

Those abs... his chest... and I can clearly see his v line because his jeans only hung low on his torso.

Oh I want to touch-

"Eyes on me Vien." Sabi niya na nagpabalik sa katinuan ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nang nagtama ang paningin namin ay agad akong ngumiti.

"What are you doing here?" He said in monotone.

"I'm here to give you this." Sabay taas ko sa pulang box.

"I don't accept presents."

Isasarado niya na sana ang pinto nang pinigilan ko iyon gamit ang kamay ko gaya ng nakikita ko sa movies. And then...

"Aaaaw..." Halos maiyak ako sa sakit sa pagkakaipit ng kamay ko.

"Fuck." Narinig kong mura niya at muling bumukas ang pinto.

Napaupo ako at nilagay sa sahig ang box para hawakan ang kamay ko.

Ang sakit!

Hindi ko naman kasi alam na masakit iyon! It's not painful when I watched it on movies at parang hindi naman nasasaktan ang bidang gumagawa nun!

Ayan Vienna pacool ka kasi ang sakit sakit leche.

Nagsimula nang umagos ang luha ko habang tinitingnan ang mga daliri ko na namumula at para iyong nabali.

"Mommy..." I sobbed.

"Are you okay?" Hindi ko na namalayan na nandiyan pa pala si Marco.

I didn't respond. Nasa daliri ko lang ang buong atensyon ko at patuloy akong umiyak.

Lumuhod siya sa harap ko. Ngunit ang isang tuhod niya lang ang nakalapat sa sahig. Nanginginig ang daliri ko at hindi ko iyon maramdaman. Para iyong namamaga.

"Shh..." Tahan niya at kinuha ang kamay ko at hinalikan. "Stop crying." He said gently.

Kinuha niya ang box na dala ko at tumayo siya para tulungan rin akong tumayo. Hinila niya ako papasok sa unit niya at pinaupo sa couch.

Nanatili siyang nakatayo sa harap ko at bahagya siyang yumuko pra magpantay ang paningin namin.

"Vien..." Marahan niyang tawag sa pangalan ko.

Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya at nang nagtama ang paningin namin ay bumuntong hininga siya.

"Stay here." Sabi niya at tinuyo ang luha ko sa kanang pisngi bago umalis.

Then I smiled evilly. Gotcha.

...

AN: I started writing this story way back 2017 and this is unedited. So expect typos, grammatical errors and misspelled words throughout the story. Anyways, thank you for checking this piece out ;)



@chavilry

Chasing Fire (Completed)Where stories live. Discover now