Prologue

20.7K 220 14
                                    

Stay

"Pwede ba? Umalis kayo sa daan!" I nearly shouted at those people who are having a chit chat in the middle of the hallway.

Naging masama agad ang tingin nila sa akin ngunit tumabi naman. I rolled my eyes and continued walking.

I confidently entered my first class. Papaupo na ako nang may nahagip ang mata ko. Marco is sitting next to a girl. At ang braso niya ay nasa likod ng silya ng babae.

A new one again?

I stopped myself from walking towards them and cause a scene.

Halos patayin ko na silang dalawa sa titig ko at kulang nalang ay maghalikan sila dito sa loob mismo ng lecture room.

Hanggang sa natapos yung lecture ay sa kanila lang ako nakatingin.

Leche!

It's been a year. I know that he is a notorious playboy. At isa na ako sa naging biktima niya.

Dalawang linggo lang ang itinagal namin. Because I found myself falling in love with him and when I told him that, he broke up with me immediately. Sana hindi ko nalang sinabi.

At isa rin ako sa mga babaeng humahabol sa kanya pagkatapos ng break up. Oh yes, I am that kind of girl. Yung babaeng nanggugulo sa mga bagong karelasyon niya. At isang taon na akong naghahabol.

But I am Vienna Nikkola Velasquez, I get what I want. And I want Marco.

I want Marco Melendrez.

After the lecture, I immediately went to the parking lot at nagtago sa mga sasakyan. Ilang minuto pa akong naghintay bago siya dumating. And there.

Nang pinatunog niya ang car alarm ay mabilis akong tumakbo at pumasok sa front seat.

At nang nakapasok na siya sa driver's seat...

"What the... What are you doing Vienna?" He is slightly annoyed.

What am I doing? Hindi pa siya nasasanay? Oh well, chasing you? And I won't stop until you give in.

"Hi!" I happily said then smiled.

His jaw clenched and looked away.

And I didn't know why I find it sexy everytime he clenches his jaw. I can't help but to stare at his angled jaw while he's doing it.

"Get. Out." He said in gritted teeth.

No I wouldn't do that.

"Ihatid mo ako sa bahay please?" I said then touched his arm.

He frowned looking at my hand on his arm. At agad niyang tinanggal ang kamay ko doon.

"Hands off."

Ang arte.

"Why? Wala naman akong sakit ah?"

I think that annoyed him more dahil lumabas siya sa sasakyan niya at umikot papunta sa akin.

Teka anong gagawin niya?

Mabilis kong isinuot ang seatbelt ko para hindi niya ako mapaalis. Binuksan niya ang pinto kaya kumapit ako sa seatbelt.

"Get out."

Hindi ako tumingin sa kanya at umiling lang ako.

At para akong nahimatay nang yumuko siya palapit sa akin. And I assumed too much that he is going to do something when he is only going to unlock my seatbelt!

Chasing Fire (Completed)Where stories live. Discover now