"Sorry din Arianne. Sa ginawa namin sayo..." Sabi ni James Hyung.

"Yeah, same as James Hyung sorry rin sa mga ginawa ko sayo." Pag hihingi naman nang paumanhin ni Maknae.

"Sorry Arianne huh? Hindi naman namin sinasadya eh. Sorry Talaga..." Sabi ni Sceven Hyung habang titig na titig kay Arianne. Mukha namang nahalata ni Arianne iyon kaya naging uneasy siya.

"Ahh hehe... Okay lang iyon atleast now alam niyo na kung anong klaseng babae ako. Whahahaha. Sige na mauna na muna ako mamaya na alang ako babalik dito kasi tinatawag ako nila Mommy eh. Babye~." Sabi niya pero bago siya umalis ay nakipag beso muna siya kayla Queen at kiniss niya sa cheeks yung kuya at tuluyan ng umalis. Ehh? Asaan yung akin? Say whut!? Ano ba tong mga pinagsasabi ko? Sa pagkakaalam ko, juice itong iniinom ko hindi alak.

Pero hindi pa man din siya tuluyan nakakalayo ay biglang may humarang sa kanya. Hindi pa iyon napapansin nila Hyung dahil busing busy pa sila sa pagkwekwentuhan pero ako I focused my eyes on them. Medyo pamilyar sakin yung lalaki pero hindi ko pa kasi masyadong maaninag yung mukha niya dahil nakamaskara ito. Nagulat nalang ako ng bigla niyang hinatak si Arianne palabas kaya napatayo ako at sinundan sila. Tinawag pa nga ako nila Hyung pero hindi ko sila pinansin. Sinundan ko sila hanggan sa makarating kami sa may garden. Tumigil sila kaya nagtago ako sa may puno. Maya maya lang ay tinanggal na nung lalaki yung maskara niya. Nanlaki ang mata ko ng marealize ko na ito yung lalaki na sinapak ko dahil ayaw niyang bitawan si Arianne. Hindi ko nga din alam kung bakit ko siya sinapak pero nung makita kong umiiyak si Arianne may kung anong kirot ang aking naramdaman sa aking puso.

"What the hell!? Hanggang dito pa ba naman!?" Sigaw na sabi ni Arianne at nagpupumiglas sa hawak nung Monterey na yon. Halata kasi na nasasaktan na siya pero ang g*g* hindi parin siya binibitawan.

"Remember what I said last time? I'll make sure that you'll be mine." Nakangising sabi niya. Dude wag ka ng umasa mas gwapo pa ako---Don't mind me.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na hindi kita gusto! May iba akong gusto!" Naiinis na sigaw ni Arianne habang nagpupumiglas pa rin.

𝓗𝓸𝔀 𝓽𝓸  𝐋𝐎𝐕𝐄 𝔂𝓸𝓾 𝐁𝐀𝐂𝐊?Where stories live. Discover now