Chapter 67: Rouver's Birthday

Start from the beginning
                                    

Kita niyo na? Ang ganda ng binigay ko'ng regalo sakanya noh? Sampal. Tsk! Tsk! Binili na rin lang ako ng regalo ngayon para sa birthday niya.

And... si ME? Kasama niya ngayon sina Darren. Magbo-bonding din ang mga 'yun eh. Tapos ang sa car crash? Gan'to ang mga nangyari after..

Flashback: July (Car Crash)...

Nagising na lang ako na nakahiga sa isang hospital bed.. wala naman ako'ng dextrose o ano. Mga bandages sila...

Sandali, si ME? Nasa'n?!

"M-Mar.. s-sandali.. sa'n ka pupunta?" Tanong ni Denise. Nasa gilid lang pala siya ng higaan..

"Pupuntahan ko si ME. Asa'n na siya? Ano'ng room?"

"S-Sandali, sasamahan na kita."

Lumabas kami'ng dalawa ni Denise ng kwarto.

"Alam na ba nila Mommy at Daddy?" Tanong ko. Kapakshetan! Lagot ako ne'to 'pag alam na nila.

"O—Oo... papunta na rin si Daddy at Mommy dito mula sa Airport... ako na lang muna ang nagbantay sa'yo kanina dito..." saad ni Denise.

"Thank you, twinnie ah?"

"JuiceCo. Twin kita kaya natural lang na bantayan kita noh... hehehe!"

"Ano ba'ng nangyari? Sino'ng nakakkita sa'min? Sino'ng nagdala sa'min dito?"

"Nakita kayo nila Darren, papunta rin daw sana sila ni Anya sa AU. Tapos tinawagan nila ako kaya dali dali ako'bg pumunta do'n kasama si Rouver.. nang makarating kami do'n, naabutan namin kayo ni Felix na nasa gilid ng daan... yakap yakap ka pa nga ni Felix kanina ta's nataranta kami nang makita namin na may dugo sa sentido ni Felix. At 'yun, maya't maya dumating ang mga pulis at ambulansya.."

DUGO? SA SENTIDO?!

"D-Denise... d-dalian natin..." sabi ko at tumang onaman siya kaya tumakbo kami. Sumusunod lang ako kay Delise kasi, hindi ko naman alam ang room ni ME.

Pagbukas na pagbukas ng room, naabutan namin si Felix na kinakausap sina Anya at Darren.

"ME.."

"Sino ka?"

Parang napuno ng tinik ang lalamunan ko nang marinig ko 'yun.

"F-Felix? B-Bakit..?" Tinignan ko si Denise ngunit nag iwas siya ng tingin... pareho lang rin kina Anya at Darren.

"La—Lalabas na lang muna k-kami.." saad ni Darren atlabas sila'ng tatlo.

"Felix.... ME.."

"Sino ka? Anong pangalan ko? Bakita nandito ako?"

"M-ME... na...man...e-eh..." unti-unti na ri'ng tumutulo ang luha ko dahil sa sinabi niya..

"KAPAKSHETAN ME! PA'NO AKO MAKA ACTING NG MAAYOS 'PAG UMIIYAK KA??? Tahan na please.. ME... tahan na.."

College Years: Storms and Rainbows (Completed)Where stories live. Discover now