"Ay, ang arte mo ha." si ate ells ng malunok na yung nasa bibig nya. "Ano na ang feels na may ka-MU?"



Okay......Naikwento ko na kase sa donya yung "ilang" pangyayare sa min ni beatriz. Yung pag amin nya sa kin, yung panliligaw din ni marci, yung true feelings ko sa damulag ko at yung nangyayare nga sa min ngayon. Kaya di na sya gulat sa mga sasabihin ko ngayon at alam ko ding yun din ang magiging topic namen ngayon.



"Sakto lang.......Sa ngayon....." malungkot kong sabe.



Totoo naman eh, feeling ko tamang sakto lang kame ni beatriz ngayon. Di tulad ng dati na parang everyday ay valentines day para sa min, pulang pula ang mundo ko dahil sa sweetness namen sa isat isa.



"Ay, may MU-quarrel ang dalawa." panunukso ni ate ells tas muling nagpatuloy kumain.



"Ui, wala kameng away ah." correction ko sa donya. "Medyo ano lang......" di ko maituloy kase di ko maintindihan kung anyare ngayon sa min ng behbeh ko.😢



"Lam mo neng, nung umpisa pa lang eh may nafefeel na kong kakaiba sa pagitan nyong dalawa tas  hanggang naging close na kayo sa isat isa. May something na talaga ako nasesense pero di ko ma comfirmed.....tas......"



"Di ko nga rin alam kung ba't nakaganon din eh basta nagkaroon na lang ng something ako sa pasaway na yun." ako tas napailing na lang na kahit anong isip ko kung bakit nagkaganon ay di ko pa rin mahagilapan ng sagot. "Di ko namalayan na nafa-fall na pala ako sa kanya." tas nangiti na lang.



"Di na ko masyadong nagulat ng magkwento ka sa kin kase  malakas ang radar ko na mauuwi kayo dyan sa sitwasyong yan." si ate ells na mej sumeryoso. "Di ko na itatanong kung may pag asa si de leon sayo kase base sa mga kwento mo at sa nakikita kong spark dyan sa mga mata mo everytime ba mapaguusapan naten si bea ay feel kong bet na bet mo din ang bestfriend mo!"



Muli akong nangiti tas maya maya ay unti unting nawala yun sa mga labe ko, naalala ko na naman yung eksena nila bea at ni janna. Nabalik na naman yung scene na nakita ng dalawa kong mga mata.



"So ngayon may onteng tampuhan lang?....Or may....." pabitin ng donya.



Napatingin ako kay ate ells tas napapout pa. "Para kaseng may nagbago sa kanya ate." malungkot na confession ko.



Napa ayos ng upo ang donya. "Hala sya!" exaggerated na sabe ni ate ells. "Baka naman.......Baka naman......."



"Baka naman.....Ano?" ako.



"Baka may kinahuhumalingan ng iba neng." si donya at may pagpalo pa sa mesa. "Baka nakakita ng mas maganda at hot sa yo, ganern!"



Dinunggol ng kaba ang dibdib ko, napahawak pa nga ko dahil sa kakaibang kaba na nabuhay ngayon. Napatingin ako sa kanya tas maya maya ay may biglang pumasok sa isipan ko.......Yung get together nila ng high school friends nya sa poveda.



"Ate ells.....Di kaya ........"



















*flashback*



"Hi bea...."



Pareho kameng nakatingin ngayon ni beatriz sa babaeng nakatayo ngayon sa harapan namen. Siguro bagong dating lang to kase ngayon ko lang din sya nakita at ang pagkakaalam ko ay pinakilala naman sa kin lahat kanina ni bea ang mga friends nya at di ko sya nakilala kanina kaya alam kong ngayon lang ito dumating.



"Hi cel, Maki......" nakasmile baling neto sa dalawa na halos katabe lang namen. Napatingin ako sa kanila at nakatulala mga ito pero ng mag hi na sya sa kanila ay saka pa lamang tumayo ang dalawa at bumeso sa bagong dating.



Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now