Chapter 52: Adiós

4K 50 23
                                    

Christian's POV

"T-Tara na." aniya tsaka kumalas sa yakap ko.

"Bakit? Itutuloy mo pa rin ba?" nagtataka kong tanong sa kaniya. Hindi pa ba siya susuko? Huwag nalang lumaban at hayaan ang lahat? Hindi niya ba ramdam na mahal ko siya at ayoko siyang mawala?

"Oo, ayokong isipin nila na suko na ako. Gusto kong ibigay sa kanila kung ano ang gusto nila." matapang pa niyang sabi.

"B-Bakit hindi nalang tayo lumayo? Umalis tayo, pumunta tayo sa ibang lugar. Huwag ka nang tumuloy, please lang." sabi ko, baka sakaling magbago pa yung desisyon niya.

"Believe me on this." taning sagot niya at kinuha ang isa pang magazine, handang-handa na siya, pero ako? Hindi pa. Hindi pa ako handa na mapahamak siya.

Third Person's POV

Alas nueve na ng gabi ngunit determinado pa rin siyang puntahan ang kuta ng kung sino mang nagpapahirap sa kaniya ngayon.

Inihanda niya ang kaniyang baril, at isang magazine. Maubusan man siya ng bala ay meron pa siyang reserba.

Lumabas na si Angela sa kanang kuwarto at umupo sa upuan kaharap ng iba pang miyembro ng misery, nakipag-usap na para bang walang mangyayaring gulo.

"Ba't hindi pa kayo natutulog?" kaswal na tanong ni Angela sa mga kasamahan.

"Wala naman. Kumain ka muna. Kanina ka pa tulog." ani G1.

Kinuha ni Angela ang isang sandwich sa lamesa tsaka ito kinain. Oo nga, gutom na siya. Bigla kasing kumalam ang kaniyang tiyan. Si Christian kasi, inuna pa ang pakikipag-siping kaysa sa pagkain.

Muli niya tuloy naalala ang ginawa ni Christian sa kaniya, binaliw siya nito na para bang ito na ang huli nilang pagtatagpo.

"Naka-ilang round kayo?" biglang tanong ni H2.

Agad namang namula ang mukha ni Angela, bakit nga ba hindi niya naisip na may makakarinig sa kanila?

"A-Ano, wala ah! Kain na rin kayo." palusot ni Angela para lang maiba ang usapan. Naiilang kasi siya, hindi siya sanay.

"Suuus! Ito naman, masarap ba?" pangungutya pa ni H1 sa kaniya.

"Ano ba! Mga baliw kayo. Tigilan niyo nga ako." naaasar na sabi niya pa.

Saka naman nagtawanan ang mga kasama niya, ngayon lang kasi nila narinig si Angela na umungol at sumigaw. Hindi niya mapigilang kiligin at mamula. Paano ba naman kasi, pangalawang beses na nila ni Christian pero pakiramdam niya ay first time niya pa rin.

Pinilit niyang umakto ng kaswal, lingid sa kaniyang kaalaman na handa rin ang kaniyang grupo para sa gagawin niya mamaya. Ayaw ng grupo niyang mapahamak siya, dahil isa na rin siya sa mga itinuturing na ate sa grupo. Hindi lang sila basta grupo, isa silang grupo na naghahanap ng attention at pagmamahal. Sila ay isa nang pamilya. Nakabuo sila ng malalim na relasyon at pagsasama.

That Nerd Is A GANGSTER! (COMPLETED: Under REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon