Chapter Thirty Three

12.9K 367 211
                                    

Angela's POV

Nang makaalis sila sa pangingin ko ay tsaka lang akong pumasok sa kotse ko. Ilang minuto akong nanatili duon at nakinig ng music.

"Didn't I tell you I hear what you say? Never look back as you're walking away. Carry the music, the memories, and keep them inside, you."

'Pinapaiyak mo naman ako Jordan Smith e!'

"Laugh, everyday. Don't stop those tears from falling down."

Then a tear escaped from my eyes. Damn you Jordan Smith.

"Where have you been?!" si Daddy. "Isang araw kang hindi umuwi! Ano yung 'Tell Dad I'll be gone for a while' mo?! A while ba 'yon?!"

"Why do you care?" sagot ko nalang pabalik.

Napatikhim siya at pumikit, "You're such a disappointment."

"I always am. Kailan ba naging hindi?" ani ko ng hindi manlang nagtapon ng tingin sa kanya.

"Y-You! Wala ka nang respeto sakin!"

"I lost my respect since you made me look like a fool on other people." atsaka ako umakyat ng kwarto ko, leaving him shocked.

"Babe. Would you mind wearing this blindfold? I just wanna show you something." nakangiting sabi ng hindi ko maaninag na lalaki.

"No I won't mind, Babe." nakangiting ani ko din pabalik.

He put the blindfold on my eye and then started to lead me somewhere. Until he stopped and left me.

"Babe?" I said as I tried to get in contact with him while still blindfolded. Ng hindi ako makatiis ay tinanggal ko ang blindfold at walang nakita kundi dilim. I can't see anything.

"BABE?!" sigaw ko pa. Natatakot na ako.

Until the lights opened one by one. We're on a school gym.

"Do you remember how we met?" aniya mula sa likod ko.

"Yes." sagot ko naman habang nakatalikod pa rin. Kinikilig ako!

"And here is where I will kill you."

-ALARM!-

'Who's that guy?!'

Nandito pala ako sa higaan ko, nakatulog. I reached my phone to stop the alarm. It's already 8:00 in the morning. Di pala ako nakakain kagabi. Aga pa. Wala akong balak pumasok ngayon. Monday na monday pa naman.

Since maaga pa, I decided to do my daily routine. Pagtapos ay nanood ako sa youtube.

'PewDiePie, JackSepticEye, Markiplier, I'm a fan.'

Natagalan ako sa panonood at di ko namalayang alas-onse na pala.

At joke lang. Papasok ako. Bawas sweldo din yun 'no!


Kaboring naman!

Nakaupo lang ako sa harap ng table ko. Doing nothing!

'What if I visit his school?'

Oo tama. Para hindi boring, bibisita nalang ako. Gosh kailangan ko pala ng uniform at ng I.D. So para papasukin ako, I used my looks. And the guard let me in.

Ang laki pala talaga. I decided to go in their school canteen.

"Hey, kilala mo ba siya? 'Di ba gf ni Christian 'yan?" girl 1.

"Oo nga. Ang ganda pala talaga niya sa personal." girl 2. Sinabi mo pa. Haha joke.

Nilingon ko sila at nginitian. May fans din pala ako rito. Bumili ako ng pagkain at nakishare sa table nila. #Friendly.

"U-Uhm. Ate A-Angela---."

"Angela nalang." nakangiting ani ko kay Girl 1.

"Ako nga po pala si Melodia Mias." magiliw na saad ni Melodia.

"A-Ako naman po si Harmonica Mias.. K-Kambal po kami."

Kinurot ko pisngi ni Harmonica, "Wag ka na mag-'po' please atsaka wag ka na mahiya?"

"Sige."

"So anong year na kayo?"

"Second year college, taking BS Major in Accountancy."

"That's nice."

"Ikaw ba?"

"I work. I didn't go to college nang dahil sa Dad ko."

"Aww why?"

"Hmm long story." sabi ko sabay kain ng binili ko.

"Ahh. So bakit ka nandito?" ani Melodia.

"Just wanna visit ng bf's school."

"Ahh. Can I join your group?" mahinang saad ni Harmonica.

"Me too." si Melodia.

Nanlaki ng bahagya yung mata ko, paano nila nalaman yun?

"S-Sure," tanging nasagot ko nalang. Sabay naman silang napa-yes. #KambalGoals

"Just make sure that you are responsible." yun lang at iniwan ko na sila para hanapin ang room ng bf ko.

Sa sobrang laki at napilitan akong umuwi nalang dahil 'di ko alam kung saan ako magsisimula.

Habang pababa ng spiral na hagdan na 'to, may narinig ako sa likod ko.

"I would really break up with her. Bigyan mo lang ako ng panahon." ani lalaki.

"You will? Sige. Hihintayin ko." ani babae.

Pagkalingon ko, mukha agad ni Christian ang nakita ko. Na agad nakapagpabasa sa mata ko.

"A-Angela?! Anong ginagawa mo dito?!" halatang gulat na aniya. Kaya tumakbo ako at nag elevator nalang. Hindi niya ako hinabol, na lalong nakapagpasakit sa damdamin ko.

Pagbukas elevator ay agad kong tinungo ang kotse ko at pinaharurot palabas ng university na 'yon.

---
Christian's POV

Ang drama naman ng babaeng yun! Kaya gusto ko na siyang hiwalayan e!

"Hey, don't mind her. Nandito naman ako oh?" ani Trinity.

"Hmm. Let's go? Hatid na kita sa room mo." nakangiting saad ko sa kanya. Ngumiti lang din siya at tumango.

Hinatid ko na siya sa room niya. Hindi ko alam pero masaya ako pagkasama ko siya. Hindi ko siya kaklase sa time na 'to. At vacant ko naman.

Pumunta ako sa oval. At umupo muna doon. Tutal makulimlim naman ang kalangitan.

Binuksan ko ang cellphone ko at tumambad sa akin ang picture namin ni Angela, which is yung wallpaper ko.

Hindi ko na nararamdamang masaya ako sa piling niya. Feeling ko, hindi talaga kami para sa isa't-isa.

Iniba ko yung wallpaper ko, pinalitan ko ng picture namin ni Trinity.

Sweet ba?

That Nerd Is A GANGSTER! (COMPLETED: Under REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon