Chapter Twenty One

26.7K 933 53
                                    

Angela's POV

Kinabukasan. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi nung lalaki. Hindi ko malaman.

"Pano kaya kung totoo 'yon?" sambit ko habang nakahiga ako. 'Di pa rin ako bumabangon, tinatamad e. "Pano kaya kung tanungin ko siya?"

"Pano kaya kung bumangon ka na diyan at maligo at maghanda at ihatid ako?!" biglang may nagsalita malapit sa pinto. Si Clyde.

"Hahaha! Baliw ka talaga. Oh sige na, maghahanda na ako."

Lumabas na siya ng room, ako naman tinatamad pa rin.

"Get up! Or I'll bathe you with hot water!" sigaw pa ng kapatd ko. Hahahaha!

"Oo na!" sigaw ko rin.

Tumayo na ako at naghanda. Pagkatingin ko naman sa relos ko ay, 10:33am.

Ganun ako katagal sa Cr? Haha! 9:30 kasi ay bumangon na ako at naligo. So, 1 hour sa pagligo and 3 minutes for bihis.

Bumaba na ako at nakasimangot na si Aster Clyde Janice!

"What's with the face?"

"Ang tagal mo!" sagot niya.

"Why? There's like an hour before school." Nakakalimutan niya atang may event this morning kaya excused ang morning classes.

"Hmmp!" singhal niya pa.

Umupo na ako sa upuan at nagsimulang kumain. Nakakagutom. Parang gusto kong kumain ng isang truck na puro Vegetable Dishes. Lalo na yung, Pinakbet. Woah! Ang sarap!

"Nga pala ate, ano yung sinasabi mo kanina na, 'Pano kaya kung...'?" paggagaya pa niya sa boses ko. Naalala ko na naman siya. Hays.

"Hmm wala 'yon. Sige na, tapos na akong kumain oh? Hintayin kita sa kotse." sabi ko at dumiretso na sa kotse. Nakinig nalang ako duon ng music mula sa cellphone ko na isinaksak sa Jock para ma-copy yung mga kanta mula sa Cellphone ko.

♪Staring out into the night, trying to hide the pain.

I'm going to the place where love, and feeling good don't ever cost a thing.

And the pain you feel's a different kind of pain.♪

Hays, kahit luma na 'to, ang ganda pa din.

♪I'm going home, to the place where I belong, where love has always been enough for me.♪

Ewan ko kung bakit ako naiiyak. Wala naman akong problema.

♪I'm not running from, no you think you got all wrong, I don't regret this Life I chose for me.

But this places and these faces are getting old, So I'm going home.♪

Ewan ko kung bakit may part sa akin na nagsasawa na. Nagsasawa na ba ako sa gantong buhay? Sa mga bagay na meron ako ngayon na wala noon? Yung mga dating inaapi ako ay wala na. Yung ako pa ang nagluluto ng ulam. Yung hindi ako papasok ng wala pasang dumadagdag sa katawan ko bawat araw, na ngayo'y wala na.

That Nerd Is A GANGSTER! (COMPLETED: Under REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon