V - 32

5.3K 164 1
                                    

Leandra's P.O.V

"Who are they David?"

Tanong ni H. Oo si H ang nakikita namin. Pero bakit di niya kami nakikilala.? Damn! Napatampal ako sa noo ko. Oo nga pala may DID pala siya ayon kina Hailey. Pero diba kung ano lang ginawa nina Hillarda at Thunder ang hindi niya dapat matandaan bakit hindi niya kami matandaang apat. Pati ba iba niyang pinaggagawa ay di din niya maalala?

Parang may mali eh.

"They're your friends miss H." Tapos isa isa kaming pinakilala. At binulungan ako ni David. "Hinay hinayin natin dahil now lang namin siya ulit nakita at war freak ito baka d'mo makaya." Kaya napatango lang ako. Pumunta naman siya kay Danizze para tulungan sa pagkain ng isa na gutom daw.

Tapos pizza ang dala pala at ibinigay kay H na umupo sa bakanting couch na may table sa gitna namin.

"Where am i?" Tanong niya na nakakunot ang noo pero nakangiti.

"Sa Pilipinas Miss H." Baliwalang sagot ni David habang hawak ang orange juice ng isa.

"Philippines? Wow! Agad agad? Ee magkikita pa lang kami ni Rajul sa Australia para magbakasyon dito at ipakilala ako saaa........" biglang nahulog ang hawak na juice ni David at napa nganga at ganun din kaming lahat.

"Hey, its everyone ok? Hhhmmmm.... btw, Where's Rajul?" Sabay tawa pero kami nakanganga pa din. "Ay ano nga pala ang gagawin namin dito maliban sa bakasyon? Diko tuloy maalala."
Tapos tumingin siya sa akin at ngumiti ng tipid.

Bigla itong tumayo at pumunta sa taas. Sa dulo na pintuan siya pumasok at maya maya ay lumabas din ito ulit na may itinatago sa likod.

May ngiti sa labi at iyong ngiti na iyon ang aking pinanabikan.

Napalabas din si Hailey at tinanong anong nangyari dito.

"Mimi! Thank you lord at gising kana pala." sabay hug kay H ng mahigpit at kinintalan naman niya ito ng kiss sa noo.

Ako walang kiss? Gusto ko sa lips at mas mahigpit na hug kesa jan. Sabi ko sa isip. Hmp!

"Hailey? Bakit andito ka? Diba nag-aaral kapa sa boarding school sa London? At pinayagan ka ni Miss Clarington na lumabas without my consent? Sino namamahala doon at dito ka na naman naligaw? Or baka tumakas ka na naman?" Sunud sunod niyang tanong na ikinalayo ng isa dahil sa pagkabigla.

"Mimi, that was two years ago ng matapos ako sa pag-aaral at dina ako ang pinamanage mo dun kundi si Eunbin dahil mas bookworm iyon.'' Nagtatakang turan ni Hailey. "Isa pa si ate Megan ay siya ang namamahala sa iba pang negosyo mo sa Paris at si Kuya Cholo sa Germany para sa iba pang mga business natin. Tapos ako sa states."

"Two years ago? Bakit wala akong matandaan? Saan si Rajul? Hala baka naiwan ko sa Australia." Sabi nito na nakakunot ang noo sabay lapit sa akin at iniabot ang isang bulaklak na kulay bughaw. Na shock ako dahil isang Blue Rose ang inabot niya sa akin at napatingin ako sa apat.

"Blue rose to make you smile." Sabay ngiti ng malapad at umupo sa tabi ko. "Kanina pa kasi kayong tulala eh. Sorry guys siya lang binigyan ko kasi ang ganda ng green eyes niya eh." Patuloy nito sabay kiss sa lips ko na ikinagulat niya.

"Ooooppsssss..... Sorry." Naipilig niya ulo niya dahil parang di makapaniwala na ginawa niya iyon sa akin.

Walang nagreact at nagsasalita sa aming lahat sa ginawa niya.

"My Vanilla"(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon