Chapter 3

521 39 19
                                    

Chapter 3

***

Ashley's Point of View

Hindi parin ako makapaniwala na sa puntong ito makakasama ko ulit ang lalaking—este baklang kinamumuhian ko sa buong universe! Jeez!

Pumayag ako sa alok niya. Wala na rin akong magawa. Sa palagay ko ito na ang karma na sinasabi ng cheap-faced girl kanina.

"Pakisakay mo nalang ang bike niya sa likod ng sasakyan ko manong at ihatid 'yan sa bahay nila. We just need to buy these damn veggies on the market." Utos ni bakla sa driver niyang may katandaan na din.

"Sige po, sir. Ibebenta ko na po ba 'tong sasakyan pagkatapos?" tanong ni manong na ikinagulat ko.

"Yeah, Manong. Here," he said giving him a credit card. "Buy me a new one para may masakyan ka rin mamaya pauwi. You can rest after that. Magpapasundo lang ako kay Dexter.

Tumango naman si Manong at umalis. Nakita ko naman ang bading na may tinawagan sa phone niya.

"Hello, Dex," aniya. "Pwede mo ba kaming sunduin dito? Nasira kasi ang sasakyan ko, eh."

Hindi ko naman marinig kung ano ang sinasabi ng tao sa kabilang linya. Sino ba si Dexter na 'yan? Baka boyfie ni Bakla.

"Salamat. Paki bilis nalang din kasi medyo mainit na kasi dito," dagdag pa niya bago binaba ang tawag.

He turned his head at me at sinamaan niya ako ng tingin.

"Sino 'yong Dexter na tinawagan mo?" tanong ko sa kaniya na may halong pang-aasar.

"Malamang driver ko. Bakit akala mo lalake ko?" He arched his eyebrow.

"Just asking. Wala akong sinasabi, ah. Ikaw ang may sabi niyan." sagot ko at umiwas sa tingin niya.

I just noticed, his looks is still the same.

"Psh." rinig kong angal niya nang tinalikuran ko siya.

Kung meron man siyang pinagbago, that's him being arrogant and rude. Hindi siya ganito makitungo sa'kin noon.

Hindi nagtagal, may pumarada na puting sasakyan sa harapan naming dalawa.

"Come," he said at pumasok sa passenger seat.

Bumuntonghininga na lamang ako bago pumasok sa back seat, at pinatakbo na ng driver ang car.

I can't help but to gaze at the driver, Dexter. He's wearing a black polo with two buttons open and a black sunglass. It's suits him well. He looks like at my age.  Parang hindi nga driver ang datingan niya. I can't deny the fact that he's hot.

Bigla kong naalala na bibili lang pala ako ng gulay at hindi pala kasama sa budget kong mambingwit ng lalaki.

Napansin kong pamilyar ang loob ng sasakyan. I think this is the car that he use to drive whenever we go just to have fun. I really think this is it. Nandito pa kasi yung stuffed toy na sinadya ko kasi itong iwan dito. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa ginawa 'yon. I should've known him from the very start. Damn. Stop it, Ashley. Move on ka na teh! Wala nang kayo!

We're all silent inside the car. I am alone at the back seat. Gusto kong makinig ng music para patayin ang katahimikan pero naiwan ko ang phone ko sa bahay at mas lalong hindi naman ako pwedeng mag-request sa baklang 'to at baka ikainis pa niya ito mamaya.

Sumandal nalang ako sa gilid ng pinto at tiningnan ang mga naglalakihang gusali na nadadaanan namin.

"You look bored. Wanna hear some music?" He asked, looking at me on the rearview mirror.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Gay's MaidWhere stories live. Discover now