Prologue

956 33 10
                                    

Prologue

*.*.*

Mainit ang simoy ng hangin. Dumagdag pa ang matinding usok ng mga sasakyang nagsisibusina dahil sa traffic. Mabuti nalang at nakahabol ako sa interview. Marami din ang pumipila sa labas dahil sa mga taong naghahanap ng trabaho.

Summer kasi ngayon at kailangan ko talagang makapasok ng trabaho ngayon. But...

"I'm sorry Miss, but we can't accept you," ang sabi ng makinis na babae sa aking harapan matapos niyang basahin ang resume ko.

"Po? Bakit po?" taka kong tanong.

"Because we need college graduates, not Senior High School." Diin nitong tugon at inilagay sa mesa ang folder ko. Ang taray naman ng babaeng ito.

"Sige po. That's your loss," pagtataray ko. Gusto kong makonsensya siya. Kawalan ako, girl. Pwede na kaya ako sa trabahong 'to. Ang dali lang maging receptionist. Kayang kaya ko 'yan.

Padabog akong lumabas sa opisina nila. Nagmartsa ako patungong exit at narinig kong magsalita ulit ang maarteng babae. Akala mo kung maganda, eh makinis lang naman ang kutis niya pero wala siyang maipagmamalaking mukha. She's nothing compared to me.

"Excuse me, hindi ka kawalan, and for your information marami pang iba na may manners d'yan sa labas." Sigaw nito.

I sigh before turning my heel and face her annoying and cheap face.

"We'll see about that!"

"Talaga! Sana karmahin ka!"

Hindi ko na pinansin ang babaeng mukhang kabayo at nagpatuloy lamang ako sa paglalakad.

Halos masunog ang balat ko sa matinding tirik ng araw sa labas. Mabuti nalang nakasunscreen ako.

"Para," sabi ko nang may dumaan na taxi sa harapan ko.

"Saan po tayo?" agad na tanong ni manong kahit hindi pa ako nakapasok sa loob ng sasakyan.

"Po? Edi, dito parin. Hindi pa kasi tayo nakaalis, eh." Sagot ko dito. Wrong grammar ka kasi kuya.

Humagikhik na lamang ito. Nakakatawa 'yun?

"Ang ibig ko pong sabihin, kung saan po kayo pupunta?" ulit niyang tanong.

"Gan'on po ba, sa terminal po." I answered then my robotic smile appears.

"Sige po," tugon ni manong driver.

Habang nasa driveway na kami, may narinig akong salita na ikinairita ko lalo.

"Maganda ka sana, Miss. Kaso may saltik ka ata." Mahinang sabi ni manong pero narinig ko ito.

"Ano pong sinabi niyo? I'm sorry pero wala akong saltik. For your information kuya, mali po ang grammar ninyo. Tagalog word nga lang 'yon eh." Inikutan ko ito ng dalawa kong mata na halatang ikinagigil ng panga niya.

"Ang arte-arte niyo naman po. Mayaman po ba kayo para mag-inarte kayo ng ganiyan?" Tanong nito na ikinatigil ko. Parang bilang nag-zipper ng kusa ang bibig ko. "Parang hindi po ata kayo makasagot, hindi po kayo mayaman, no? Baka feeling mayaman lang," dagdag pa nito at humagalpak sa tawa.

"Manong, I'm only giving you corrections so you can correct yourself! Hindi para saktan ang damdamin niyo. Isa pa hindi ko po kayo tinawanan kaya kung ang akala mo tinatawanan kita nagkakamali ka," mahaba kong paliwanag "Oo, nagkamali ako kasi I'm being sarcastic. I'm sorry. I'm just having a bad day."

Napatahimik naman si manong dahil do'n. Nang makaabot kami sa terminal hindi parin ito makakibo. Kahit nga 'nong iniabot ko ang pamasahe ko sa kaniya hindi nga siya nagpasalamat eh. Pero, it's okay.

Nakakainis lang kasi talaga ang araw na ito.

Patay ako kay Tatay, wala akong nahanap na trabaho!

*.*.*

Prologue Ended

The Gay's MaidWhere stories live. Discover now