"Aa ganun ba yun. Marahil isa yan sa mga tinuturo sa inyong paaralan sa Espanya. Hehe. Kung ganun hijo, sa susunod na sabado uli ang aming pamumundok. Aabisuhan na lamang kita. O-o-ke ba?"

"Hahahahahahaha" tawanan naming lahat. "Opo. Okay na okay po"

Iinomin ko sana uli ang aking kape pero bakit may puting lumulutang. Parang--parang---

"Ay ginoo! May ipot po ang iyong ulo"

WALA NA BANG MAGANDANG MANGYAYARI SAKIN AUTHOR! PAMBIRA!

Agnes //

Lumipas ang mga araw kakaisip kung paano naging asin ang asukal ni Isay. Ilang araw na rin simula na nahihilo nanaman ako at twing ipipikit ko ang aking mga mata, mas malinaw na ang mga nakikita ko galing sa panaginip ko. Natatakot ako, waring totoo ang mga pangyayari. Kanina lamang ay nakamasid ako sa tanawin ngunit iba ang lumalabas. Dalawang pigura, isang binibini at isang ginoo. Magkayakap at nakatanaw sa ilog. Waring pamilyar na pamilyar saakin ang pangyayari. Ngunit kapag titingnan ko ang mukha bigla nalamang nawawala sa aking isipan. Ano bang nangyayari saakin

Hindi ko na magalaw ang aking tinatahi dahil gaya ng karayom, tinutusok ng hindi ko mawari ang aking ulo.

"S-Senyorita Agnes?" Nakaluhod si Isay sa harapan ko. "A-ayos lamang ho ba kayo? Magpahinga po kaya muna kayo? Masyado ho ninyong pinapagod ang inyong sarili kakatahi niyan"

"Ayos lamang ako Isay, kailangan kong matapos ito"

"----t-teka Isay, bakit ka ba nakaluhod?" Takang tanong ko kay Isay. At bakit ba siya pinagpapawisan? "Bakit ang itim mo na?"

"---- ho? E senyorita ganto ko ho punasan ang inyong sahig. Gamit lamang ang aking tuhod. Tsaka libag ho yan. Hindi pa po ako naglilinis ng aking katawan tatlong araw na nakakaraan. Ayos ba senyorita? Bago ang aking kulay. Para maiba naman" ^_____^

Pambirang tunay. Hayaan ko nalamang si Isay sa mga gusto nya. Kailanga ko iton------ "ARHHHHHHHH AHH"

"SENYORITAAA!!! ANONG NAGYAYARI SAYO ANONG MASAKIT"

"Agnes anak---- ANONG NANGYAYARI ISAY SA ANAK KO?! ANAK ANONG MASAKIT?! ISAY TUMAWG KA NG MANGGAGAMOT!"

Emilio //

Katatapos lamang ng isang kasong naisara ko kung kaya't mapapaaga ang aking paguwi sa hacienda. Kalalabas ko lang ng himpilan ng may matanaw ako na isang Indiyo'ng napasalampak sa lupa sa hindi kalayuan mula rito sa aking kinatatayuan.

Nagmamadali siya at sumisigaw ng tulong. Nakakunot ang nuo kong lumapit sakanya. Natapilok siya at aking sinambot.

"Binibini bakit anong problema?"

"May nangyari ba sayong hindi maganda?" napatngin siya sa loob ng himpilan

"Ma-maraming s-aa-salamat ho ginoo, ngunit kailangan ko na hong pumunta roon"

"Bakit? Sinong may gawa ng nangyari sayo?! Halika tutulungan kitang sampahan iyong taong yun ng karampatang parusa"

"Ho-ho? Nag-naghahanap po ako ng manggagamot! Hindi-- hindi h-ho ba, diyan ko mahahanap yon?"

-_- patay tayo jan. "Walang mangagamot sa himpilan binibini"

"Binibini?"

"H-ho?"

"Ang sabi ko, wala kang mahahanap na manggagamot sa loob ng himpilan"

"A--eh,---"

Mukhang wala namang matinong maisasagot itong isang 'to. Dahil likas akong matulungin...

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Aug 01, 2022 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

Tu PromesaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu