Ikatlo

4 0 0
                                    

Pangatlong Kabanata
Doomed

Agnes //

"G-ginoo?"

"A-ddy? Addy! Damn baby, I miss you so much. Baby, I love you, I love you, please dont leave again addy pls pls baby" hindi ko alam dahil bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko, gayong hindi ko naman naiintindihan ang kanyang winiwika. Hinarap nya ako at pinakatitigan

Ngayon, nakikita ko na bughaw ang kaniyang mga mata, napakaganda nito, parang karagatan at parang kalangitan. Naramdaman kong biglang uminit ang aking pisngi. Nasan na ba ang aking abaniko? Teka, ano itong pakiramdam ko? Ang sakit, para akong kinukuryente sa kanyang haplos

"I dont want to drift this dream oh God," akmang hahalikan nya ako ay bigla ko syang naitulak, bigla akong binalot ng kaba

Nakita ko ang lungkot sa kanyang bughaw na mga mata

"W-Why baby? Are you okay? Teka, where am I?"

Nilapitan nya ako at akmang hahagkan muli.

"BINIBINIIII!!!!" Napukaw ang antensyon ko kay isay

"Ayos ka lamang po ba? Sinaktan ka ba nya? May masakit na saiyo? Nakita kong hahagkan ka nya! Napakabastos mong lalaki!" Humahangos na pahayag ng dalagita

"Ayos lamang ako Isay" tiningan ko muli ang ginoo, na may pagtataka sa nasaksihang pagtuturan ni isay.

"Mukhang napasama ang pagkalaglag mo ginoo, Isay, maari ba natin syang dalhin sa pagamutan?" Hindi ko maintindihan ngunit sa paraan ng kanyang tingin batid ko ang pangungulila. Marahil siguro may pinagdadaanan lamang ang binata.

"A-ddy please, don't do this to me, I know this is a dream because I-I wish to him, but let me hold you baby pls, just one more time, let me touch you, let me love you because I swear to God I'll lost my sanity if you wouldnt let me"

"Hala! Ba-banyaga! Halika na senyorita! Nakakatakot na ang isang i-ito!" Takot na turan ni Isay dahil bukod sa namamasang mata nito, ay ang mukha ko ay basa na rin, umuulan ba?

"Senyorita, panyo o" tiningnan ko si Isay ng puno ng pagtataka "ipunas mo ho sa iyong pisngi dahil kanina ka pa nababasa ng kanyang laway". Pinunasan ko na, akala ko umuulan, handa na sana akong magpakabasa.

Nguni ako rin ay nangamba dahil hindi ko mawari kung matatakot ba ako o maa-awa, hindi ko alam kung bakit kahit hindi ko maintindihan ang kanyang mga sinasabi pakiramdam ko ay puno ng pighati at kalungkutan ang mga ito? At bakit hinayaan kung hagkan ako ng isang estranghero?

May dumating namang dalawang mga lalaki lulan ng kabayong kulay abo at kulay itim. Pakiwari ko'y mga kasama nya at ang isa ay kanyang kapatid dahil sa pagkakahawig nito.

"Senyorito! Kanina pa ho namin kayo hinahanap! Naku! Patay nanaman tayo kay Senyora Esmeralda nito! Kanina pa sila ng iyong Ama naghihintay sa iyong pagdating" Wika ng kabababa sa kabayong abo at humahangos na lalaki na nakapulang kamisita

"Kapatid ko, napakapilyo mo talaga, dumaan ako rito kanina ngunit wala ka! Bakit ka ba bigla biglang tumatakas? Pambihira kang tunay!" Turan naman ng binatilyong na tantsa koy kaedaran ni Isay.

Nakakunot na nuo at tila ba hindi nagugustuhan ng ginoo ang nangyayari. Bakit ganoon, hindi man lamang mabawasan ng pagkalito ng kanyang mukha ang kanyang kagisingan, napakaganda nyang lalak- Teka--- ano ba itong pinagsasabi ko! Nahihibang na yata ako! Dios ko.

Nagulat kami ng bigla itong tumawa.

"What the fvk guys? Am I in a shooting for movie? Because I'll be damn knowing I am. C'mon Lance, Drew! Cut this crap. If this part of my birthday celebration then congratulations you almost got me. Nasan na ba yung kotse ko" salaysay nya habang tumitingin sa paligid na tila may hinahanap

Tu PromesaWhere stories live. Discover now