"Messiah! Maghunos-dili ka. Hindi mo ito problema."

"What? I'm just helping Iverson get out of that faked marriage. Baka naaawa lang siya na iiwan ang babaeng iyan."

"Ma!" apela ni Iverson.

  Tuluyan nang kumalat ang tensyon sa palibot nila. Dean threw an apologetic look at Louie. Napahilamos naman ng mukha ang ama ni Iverson at ibinaba ang kutsarang hinawakan.

  Hinarap ni Tita Mess si Louie na akala mo ay walang nangyayaring bangayan sa harap niya at hindi siya kasali. Marahan niyang ibinaba ang kutsara niya at pinunasan ang gilid ng labi. She looks so cool about it but in the inside, she's breaking. She's about to explode any minute from now.

  Napatawa siya sa kaloob-looban niya nang mapait. Hinaplos niya ang buhok niya para pakalmahin ang sarili.

   Hindi niya alam kung ano ang uunahin. Siya na naiiyak o ang pride at ego niya na dinogshow lang ng mga McGregor?

'Hindi ko inaasahan ang rebelasyong ito.' naisaisip niya habang  sinasalubong ang pamatay na tingin ng ginang.

  She suddenly doubt the actions of Tita Mess. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito nalang ang galit nito sa kaniya. Ofcourse, there's a reason behind the action at iyon ang isa pang gusto niyang alamin.

"Iverson tricked you because he wants to help the Monteros-"

"Mom, it' s not true! Please shut up!"

"Iverson!" Nyx called out when Iverson tried to get near to Louie.

  Doon na sa puntong iyon bumagsak ang temperatura sa pagitan nilang lahat. Animo'y nasa loob sila ng isang refrigerator sa sobrang lamig. Nanggagaling ang aura na iyon kay Louie. Madilim ang mukha nito na nakatingin sa ginang.

"Hindi nga ba? Ano sa tingin mo, Louie ang dahilan kung bakit ka nilinlang ni Iverson? That he loves you? Dream on. Si Nyx lang naman ang hinihintay niya at nandito na siya ngayon kaya hindi ka na niya kailangan."

"Mamá! Tama na!" tumulong na sa pagpigil si Ivronsen. Mariin niyang hinawakan ang kamay ni Louie na nanlalamig at sinusubukang ibuka ang mahigpit na nakakuyom nitong palad.

"Ha! That's the truth! Sinasabi ko lang sa kaniya ang totoo para hindi na siya magmukhang tanga at mang-aagaw sa mata ng lahat sa kakasunod kay Iverson. She looks like a pathetic and desperate child whenever they're together with-"

   Hindi maintindihan ni Louie kung bakit magkasama si Nyx at Iverson ngayon. First was Marga and now that Marga does not want to partake in the woman's plan, si Nyx na naman.

"Don't listen, Louie. Please."

Napakurap-kurap na napatingin siya kay Ivronsen nang tabunan nito ang tainga niya. Napahalakhak siya at napapailing habang tinatanggal ang kamay nito sa tainga niya.

"Huwag. Hindi naman ako iiyak," sagot niya dito.

"And besides, hindi ko kayang magpapasok sa pamilya ko ng mga mamamatay tao! Na pati ang ama niya ay nagagawa niyang patayin!"

Napataas ang kilay ni Louie sa narinig.

"Hindi iyan totoo."

"At itinatanggi mo pa? Narinig ko mismo sa bibig ng lolo mo."

"Hmm? Bakit hindi mo itanong sa babaeng katabi ng anak mo, kung ganoon?"

  Gulat na napatingin si Nyx sa kaniya.

"W-what do you mean, Louie? Are you accusing me of killing Tito Eros?"

"Bakit hindi mo itanong sa ama mo kung, ganoon?" sarkastikong tanong ni Louie na mukhang may ipinaparating kaya napatingin sakaniya ang lahat.

  Namutla si Nyx at napatigagal.

"And you're throwing your stains now at Nyx, huh? Isa kang salot sa pamilya ng mga Montero!" Tita Mess retorted.

Napahalakhak ang babae.

"Pinatay mo ang sarili mong-"

"Sawang-sawa na ako na marinig ang mga katagang iyan," mahinang wika niya.

"Manahimik na kayong lahat!" sigaw ng matanda at hinampas ang mesa sa galit.

"Masuwerte ka't wala pang nakakahanap ng ebidensya laban sa'yo. Now that you heard the truth, maari ka nang bumalik sa kung saan ka nagmula at huwag na kaming gagambalain pa."

"Kung hindi mo magagawa iyon ay tatama na talaga ang spekulasyon kong mahal mo si-"

"Hindi ko mahal ang anak mo," deretsuhang wika ni Louie na nakatitig pa sa mata ni Iverson habang sinasabi iyon. Nagbara ang lalamunan ni Iverson at nilunok na lamang ang mga salitang sana ay sasabihin niya.

"Mabuti kung ganoon. Dahil he and Nyx are already engaged, sinasabi ko. Huwag ka sanang maging sagabal sa kanila."

Tumango si Louie at tumayo.

"Nemesis-"

"Yes, Mr.McGregor?" pormal na ani ni Louie. Hindi ito nakasagot kaya napailing siya.

"Sayonara," tuluyang paalam niya at deretsong tumalikod.






A/N: What's this😭

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossWhere stories live. Discover now