Chapter 7

0 0 0
                                    

"Okay lang yan girl! Medyo mabantot nga lang yung banat mo pero . . . . Okay naman hehheh" andito kami ngayon sa classroom after kase nung nakakahiyang seen e may klase kami kaya syempre dumiretso kami dito alangan naman hindi. Kausap ko ngayon si Patrick pinapagaan ang loob ko? Pinapagaan nga ba? Tsk

"Manahimik ka na nga lang dyan atleast effort pa rin yun tsk" Atleast effort yun ang hirap kaya mag isip ng banat hehe. "Tigilan mo na kase yan wala ka naman mapapala dun sa Andrei na yun no!" Ang bad nya huhu. "Duh nararamdaman ko na mahuhulog dun sya saken TIWALA lang yan" sagot ko sa kanya. Figting lang yan hehe. "Hay bahala ka na".

Nagsimula na ang klase at syempre nakikinig kaming lahat.

After ng mahabang oras sa pakikinig tapos na rin sa wakas! Huhu nag ayos na ako ng gamit para lumabas na

"Hi Lea" napatingin ako sa bumati saken si Cheska lang pala tsk. "Bakit?" Sagot ko sa kanya. "Kagrupo kita sa project natin sa filipino so mamaya gagawa nalang ako ng gc then dun ko sasabihin mga gagawin natin okay?". "Sure sige." Ngumiti sya at umalis na.

"Uy! Magka-usap kayo ng bespren mo ah!" Sabi ni Nicole na sa likod ko na. "Mag kagroup daw kami sa filipino sabi nya." Sagot ko. "Hay nako good luck nalang haha!".

"Oo nga good luck baka mamaya magulat nalang kami nag sasabunutan na kayo hahahahaha!". Sabi naman ni Patrick. "Hay nako bahala sya basta ako gagawin ko kung ano yung iaasaign saken".

"Parang dati di kayo mapag hiwalay nyan bespren poreber pa haha ngayon ayan plastikan nalang tsk." Sabi ni Kaye. "Ganun talaga e walang poreber". Sagot ko naman. "Oh sige na uwi na kami byeeee" at umalis na sila ngayon magkasama nalang kami ni Patrick.

Si Cheska Ramirez "bestfriend" ko dati ewan ko ba kung ano ang nangyari at bigla nalang syang naging ganyan sa akin. Bigla nalang syang nagalit sa akin ng walang dahilan. Dati sobrang close kami di mapag hiwalay. Hanggang ngayon di ko alam ang dahilan kung bakit sya nagalit sa akin. Well ganun talaga atleast ngayon medyo nginingitian na nya ako pero di ko alam kung totoo ba o kaplastikan lang yung ngiting yun pero hayaan nalang basta ako dito lang chill yas!

"LEAAAAAAAAAAA"

*boooogshhh*

Aray!! Huhuhu my heaaaad

"Lea okay ka lang ba?! Kailangan na ba natin pumunta ng ospital? Mamatay ka na ba? Omg!! May dugo ba? omg! Omg!!! Leaaaaa noooo-" OA binatukan ko nga.

"Aray ha! Nambabatok ka?!"

"Kase naman Patrick ang OA mo!"

"Miss! Ayos ka lang ba? Sorry talaga"

Omg! Ang fogiiiiii hihi! Heh! Mag tigil ka nga lea! Napahamak ka na nga kalandian pa na sa isip mo!

"Ha? Ah okay lang masakit ng konti pero ayos naman." Sabi ko at ngumiti. "Landi ng ngiti ah". Bulong ni patrick sa akin.

"Tara na miss dalhin na kita sa clinic." Sabi ni koyang fogi. "Ah hindi na okay lang talaga ako". Sagot ko sa kanya. "Ah sure ka ah? Sorry talaga miss." Sabi nya. "Okay lang" Ngitnitian ko sya. "Ah ako nga pala si Brendon, Brendon Garcia" Sabi nya at inabot ang kamay nya. "Ah Lea nga pala ito naman si Patrick" sabi ko at nakipag hand shake sa kanya.

"Una na kami ah sige!" Sabi ko at hinila na si patrick paalis. "Sige miss!" Sigaw naman ni Brendon.

"Te! Ang pogiiiiiii!! Emgheeeeddddd" tili ni Patrick. "Shattap ka nga mas pogi bebe ko" sagot ko at inirapan naman sya talandeeee tsk. "Bebe ko nanaman bebe ka ba? Ni hindi ka nga matignan kase puro chix lang nakikita." Kailangan isampal? "Problema ko na yun! Tse!".

"Uy bebe mo kasama si Cheska!" Napatingin ako sa tinititigan ni Patrick si Andrei kausap si Cheska at mukha g nagkakatuwaan sila

T_______T

Bakit ganun ang swheeeeet tignan. Kung tutuuusin maganda talaga si Cheska tapos matangkad tapos maputi tapos sexy pa dancer kase sya. Pero huhu di naman sya gusto ng bebe ko diba? Huhuhu nag tatawanan pa sila huhu.

"Ang sweet nila no? Uwi ka na girl may nanalo na" sabi ni Patrick. "Leche!" Sigaw ko sa kanya at tinignan ulit silang dalawa huhu bebe ko. "Grabe nilalandi nya pati yang Andrei mo nung isang araw magkasama sila nung Bryan ah tsk" totoo yun papalit palit tin sya ng boyfriend at wag naman sana sya patulan ng bebe ko huhu. "Hindi! Di ako papayag!" Sabi ko at nag umpisa na maglakad palapit sa bebe ko. "Uy wait lang!" Sigaw ni Patrick. Nang makarating ako sa kanila napatingin saken si Andrei at Cheska pati mga tropa ni drei.

"Hi bebe ko! Namiss kita hehe- oh! Cheska! Andyan ka pala di kita nakita hehe" sabi ko habang nakatabi na kay bebe ko. Akala nya ha! Hmp! "Ah oo may tinanong lang." Sagot naman nya tsk. "Sige drei una na ako salamat!" Sabi nya at nginitian si bebe ko bago umalis. Aba naman talaga tsk. "Bebe ko uwi ka na ba? Or may training pa kayo?" Tanong ko sa kanya. "Meron." Sabi nya ng na ka poker face na. Sad. Kapag ako na ang kaharap nya di na sya nakangiti huhu. "Ah sige bebe ko pwede manuod?" Sabi ko sakanya ng malaki pa rin ang ngiti. "Hindi." T___T grabeeeee. "Oy Lea! May gagawin pa tayo nila Riri diba tsk." Sabay naman ni Patrick. Epal talaga tsk. "Sige una na kami." Tsk. "Sige bebe ko galingan mo ah! Wag ka papatuyo pawis baka magkasakit ka labyouuuu!!!!" Sigaw ko sa kanya heheeh

"WOAAAHHHHHH" sigaw ng mga kaibigan nya. "Sagutin mo naman cap!! HAHAHAHAH"

"Tsk." Sabi nya at umalis na.

Hay bebe ko gagawin ko lahat para mapasaken ka! BWAHAHAHAHAHA

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing RomeoWhere stories live. Discover now