Chapter 2

8 0 0
                                    


OMG!! AS IN OH MY G!!!! NGINITIAN AKO NG BEBE KO!! AYSOLABHIM HUHU

"Baka naman maputulan ka ng ugat kakapigil mo ng tili dyan" sabi ni patrick at umirap sakin at lumakad na para umupo. Pasalamat sya kinikilig pa ako hmp! Sumunod nalang ako at umupo ng malaki pa rin ang ngiti ko. Grabe talagaaaa

"Uy pat! Lea!" Sabi ni Nicole. Sya si Nicole Damian isa sa friends namin, sya yung baliw sa barkada, madaling maka-isip ng kalokohan.

"Oh bakit ngiting aso tong isang to?" Sabi ni Kaye. Siya si Kaye Ortega kaibigan din namin. Siya yung partner in crime netong si Nicole palibhasa since 1st year high school palang magkaklase na kaya ayun napunta sa pagiging kaibigan plus sisters plus kapit bahay pa edi lalong lumala kabaliwan tsk

"Baka naman nakita nya yung bebe nya kuno" Si nadine. Nadine Lastimosa ang pinakamabait sa aming magkakaibigan. Kung baga lagi sya yung present sa klase tapos kami yung cutting classes, sya gumagawa na agad ng assignment kami naman si bukas nalang, sya yung ... BASTA sobrang sipag nya. Sana all.

"Pano ba naman kase nag Hi sa kanya si Andre kaya ayan! Mukhang baliw" sabi ni patrick ng natatawa

"Ah kaya pala" sabay nilang sabi.

"Oh andyan na pala si Camille e!"sabi ni Nadine. Si camille isa rin to e malakas din amats neto nagkakasundo silang tatlo nila Nicole at Kaye pero masaya naman sila kasama.

Simula kase nung first day ng SHS life namin sila na yung nakasama ko. Ako, si Nicole at Kaye magkakilala na since High School pati na rin si Riri at Alexis. Si Alexis kaibigan din namin, Alexis May Sandoval. Magkaklase sila ni Riri. Eto namang sila Patrick,Nadine, at Camille mga bagong lipat lang dito. Pero nakasundo namin sila agad. Lupet diba? Parang ang tagal na naming magkakasama pero na sa kalahati palang kami ng school year.

Nagsimula na ang klase dahil andito na ang prof namin. Dahil boring ang religion class nag sulat nalang ako ng notes para di ako antukin.

Naalala ko nanaman si Andre my bebe hihi. Ang gwapo talaga nya huhu. Naalala ko tuloy nung una ko syang makita training kase nila nun sa gym mga 2nd week ng pasukan grabe ang pogi nya talaga. Moreno sya tapos ang tangos ng ilong ang tangkad tapos kapag ngumiti grabe makalaglag panty!! Hihi tapos may dimplr sya aysus talaga!! Sya yung tipong kapag nakita mo mapapalingon ka talaga kumbaga head turner ang bebe q hihi

Nung nalaman ko na classmate nila riri yun syempre di ko muna sinabe sa kanila pasimple muna akong sumisilay sa room nila kapag wala silang prof. Kunyari tatawagin ko lang si riri pero sumisilay na talaga ako sa kanya. Tuwing sumisilay ako nakikita ko sya sa favorite spot nya sa classroom sa likod tapos nag lalaro ng cellphone. Grabe ang cute nyang tignan!

Hanggang sa tinanong ko na si alexis kung ano ang pangalan nya dun na ako nahuli. E ano pa magagawa ko? Tinamaan na ata talaga ako e. Dun ko rin nalaman na matalino sya tapos may pagkapilyo tapos may bisyo sya. Pero kahit ganun alam nya ang limits nya. Dahil family oriented sya kaya alam kong responsiple din sya sa actions nya. No girl friend sya since birth hehe. Pero nag ka MU na sya.

Ano kayang feeling na maging girlfriend ng isang Andre Cyrus Magbanua? Saya ko siguro kung ganun hihihi

Naputol ang imagination ko ng bigla akong batukan ng katabi ko

"Ano ba!" Sabi ko kay patrick. Tsk sya pala tung nambatok sakin ang bad nya huhu

"Te! Kase naman break time na! Puro kase Andre yang na sa utak mo tsk" sabi nya habang inaayos ang gamit nya

"Sorry na eto na nga mag aayos na" sabi ko at inayos na ang gamit.

Pagkatapos namin mag ayos ay lumabas na kaming mag barkada at pumunta ng mcdo para kumain ng lunch.

"Grabe last week di ko akalain na makakarating tayo ng batangas para lang kumain ng Lomi!" Sabi ni Nicole. Totoo yun nakarating kami ng batangas dahil walang prof after ng first subject namin. Oha! San aabot ang vacant nyo ang peg!

"Kase naman itong si Lea kapag di mo naibalik sa tamang oras kawawa e!" Sabi ni Camille. Kung alam lang nila ang kaba ko nung araw na yun. May curfew kase ako kaya ayun. Ang alam naman ng magulan ko ay nagpunta lang ako ng bahay ni Kaye para sa thesis pero pagdating ko ng bahay ay 6 na buti nalang at di ako pingalitan ng tanong lang ng onti then yun okay na tyl!!

"Buti nga nakauwi sya ng matiwasay" sabi ni Nadine.

"Parang natatae na nga si Lea e HAHAHAHA" sabi ni patrick at tumawa silang lahat.

"Hoy! Grabe kaya yun! Di na ako uulit! Buti nalang nakapasok ako dito ng walang pasa sa mukha no" sabi ko naman at tumawa nanaman sila.

Nang matapos kami kumain ay bumalik na kami ng school at nagklase na. Hanggang sa nag bell na at nagsimula ng mag uwian ang mga classmate ko pati sila Nicole. Nagpaalam na sila at umuwi.

Pagbaba namin ni Patrick nakita ko si bebe q na paakyat na ng gym. Mag sisimula na siguro ang training ng bebe ko. Busy ako sa pagtitig sa kanya ng pasimple ng may naalala ako. Kinuha ko ito sa labas ng bag ko at napangiti nalang sa plano ko

^_________^
----------------------------------------------

OPEN PO AKO SA SUGGESTIONS :) NEED KO RIN PO YAN :)

Chasing RomeoWhere stories live. Discover now