Chapter 3

5 0 0
                                    


"Hoy! Ano yan!" Agaw pansin ni Alexis sakin. Kanina pa siguro to dito oh well matutulungan nya naman ako so tamang tama lang ang pagdating nya

"Shhhh! Tulungan mo ako ilagay to sa bag nya pleaseeee" sabi ko kay Alexis sabay puppy eyes. Sana effective

"Sure! Pero pano? Baka mahuli tayo tapos isipin nag nanakaw tayo?" Sabi nya.

"Di yan! Ako bahala tara na!. Teka asaan si patrick? Magkasama lang kami ah? Si riri nga pala?"

"Magkasama sila lumabas bibili food. Pano mo mapapansin nakatitig ka nanaman dyan tsk."

"Ah okay. Tara na dali!" Sabay hatak ko sa kanya. Sakto naman pag akyat namin yung bag nya sa may upuan ng gym at marami rin ang nanunuod. Kaya lang pano to? Eh baka may makakita

"Alex! Pano?"

"May naisip ako! Akin na dali!" Sabi nya at binigay ko naman sa kanya

"ANDREEEEE!!!" Tawag nya sa bebe ko. Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa nya. Ano to?!!!!

"Anong ginagawa mo? Ha! Akin na nga yan!" Sabi ko at akmang kukunin sa kanya ng ihawi nya ang kamay ko

"Trust me" sabi nya at kumindat pa. At napatingin naman kami sa lalakeng minamahal ko na papalapit na sa amin

Habang ako naman ay ninenerbyos na sa pinag gagawa nitong isang to

"Andre yung notebook ko nga pala kukunin ko muna may kokopyahin lang ako saglit" sabi nya kay andre

"Ah sige wait kukunin ko" sabi ni Andre na akmang kukunin yung bag nya ng pigilan sya ni alexis

"Ah hindi ako n-"

"MAGBANUAAA! halika na magsisimula na" tawag sa kanya ng coach nya

"Ako na dre tawag ka na oh" sabi ni alexis sabay nguso sa coach ni dre

"Sige" sabi nya sabay alis. Di manlang nya ako napansin dito huhu ano na ganda?

At nagsimula ng buksan ni Alexis ang bag ni dre at nilagay nya ito dun sa loob pagkatapos ay sinarado nya ito at hinila ako bigla at lumabas na ng gym

"Grabe! Bilib na ako sayo girl ah!" Sabi ko sabay hampas sa balikat nya

"Makahampas ka naman di ka pa nga nag tethank you! Hmp!"

"Eto naman thank you hihi" sabay yakap sa kanya.

"Tingin mo mababasa nya?"

"Oo naman!" Sabi ko.

"Sa araw araw ba namang ginawa ni lord na pag bibigay mo ng Love Letter di pa nya mabasa yun? Tsk. Oh libre mo ko ah!"

"Hehe syempre tara na!" Sagot ko naman sa kanya at hinili na sya

Tama nagbibigay ako sa kanya ng love letter araw araw simula nung malaman ko ang pangalan nya at kung anong klaseng pag uugali meron sya at kung ano pa tungkol sa kanya lalo lang ata akong nainlove e hehe kaya ayun binibigyan ko sya pero di nya alam na ako yun. Di ko nga alam kung nababasa nya e dami kaseng nag bibigay sa kanya nun kaya hayst. Pero di ako susuko! Ngayong napapansin nya ako hehe FIGHTING LANG!

Nang makarating na ako sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko simple lang sya dahil di naman kami katulad ng iba kong kaklase na sobrang yaman. May maliit na business lang ang family ko pero sapat na yun para matustusang ang pangangailangan ko/namin.

Dahil nga may mga pangangailangan ako ay busy sila lalo na si papa pero nabibigyan nya pa rin ako ng atensyon at sapat na sakin yun naiintindihan ko naman siya dahil ginagawa nya yun para sa akin at para sa amin. Pero dahil nag unpisa na ang business ng mama ko pati sya ay nababawasan na ang oras na binibigay sa akin pero tulad nga ng sinabi ko naiintindihan ko naman.

Nagsimula na akong mag bihis at bumaba para kumain. Tulad nga ng inaasahan wala pa sila mama pero nag iwan naman sila ng pagkain kaya kinain ko nalang yun. Nagtext rin naman sila na malelate sila ngayon. After ko kumain inayos ko na yung pinagkainan ko at umakyat na sa room ko. Nag facebook nalang muna ako at inistalk ang bebe ko hihi. Kahit puro basketball ang laman ng timeline nya mahal ko pa rin sya huhu

Pagkatapos ay sa twitter ko naman sya inistalk wala syang bagong tweet kainis so chineck ko nalang yung likes nya at nakita kong puro babae yung nilalike nyang tweets huhu di pa nga kami nagtataksil na tsk. Hehe

Paano kaya nya ako magugustuhan? Huhu ligawan ko kaya sya?

Baliw ka nanaman Lea ang pangit tignan tsk. Baka sabihin naman nya desperada ka leche hmp!

Itutulog ko na nga lang to maaga pa ako bukas tsk.

Chasing RomeoWhere stories live. Discover now