Chapter 4

4 0 0
                                    


Andito ako ngayon sa school dahil syempre tuesday ngayon at may pasok. Kasama ko ngayon sila patrick at Riri.

"Pano kaya ako magugustuhan ni dre?" Sabi ko habang naka palumbaba at nakasimangot

"Ay wala walang chance" sabi ni patrick

"Asa ka pa" sabi ni riri

"Grabe bff ko talaga kayo e no" iniripan ko naman sila. Sobrang supportive grrr

"Imposible kase talaga. Look si Andre mayaman, matalino, gwapo, pinapangarap ng lahat. May pagka chickboy tapos mahilig sa maganda kita mo naman mga nilalike sa fb diba? Pati Twitter? Tapos ikaw? Di ganun kaganda, bobo sa math, di ka pa marunong mag ayos tsk" sabi ni patrick

"Grabe ka naman saken te!" Sabi ko at punas ng imaginary luha ko huhu ang harsh nya saken huhu

"Truth hurts baby girl"

"Kung imposible edi gawin nating posible? Diba? Sabi nga nila kung gusto mo maraming paraan, follow your dreams! Make it happen! Dibaaaa?" Sabi ko at kumindat sa kanila

"At ano namang binabalak mo? Aber? Wag mong sabihin gagayumahin mo sya? Ano naman peg mo witch?" Sabi ni patrick at tumawa naman si riri

"Hay nako Lea" - Riri

"Ha Ha! Syempre liligawan ko sya!" Sabi ko with matching flip ng hair

"Baliw ka ba? Desperada much?"

"I know i know! Pero c'mon guys it's 2018 na! Bago na ang panahon ngayon laos na si pabebe queen duh!"

"Baliw ka na" sabi ni riri at binato ako ng empty bottle ng coke.

"Aray ah!" Sabay himas sa noo ko. "Ano ba kayo susubukan lang naman. Tiyaka ganun na ang paraan ngayon no!"

"Malala ka na"

Ngumiti nalang ako sa kanila. Naalala ko tuloy yung dahilan kung bakit ko ipupush to

FLASHBACK*

Di ako makatulog ano ba!!! I sighed. Umupo nalang ako at kinuha ang phone ko. Naisipan ko nalang mag wattpad yun kase talaga gingawa ko kapag sobrang bored

Habang nag hahanap ako ng story may nakita akong interesting. Binasa ko ito at tungkol ito sa isang babae na may gusto sa isang lalaki at dahil di sya pinapansin nito gumawa sya ng paraan para lang makuha ang atensyon niya hanggang sa naisipan nya itong ligawa ...

TEKA?!

Naisip ko na rin to baka naman ...

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa at napangiti nalang ng malaki

GAGAWIN KO NA!!!!

END OF FLASHBACK*

Nagkatuluyan kase sila sa dulo. I know sa story lang yun pero diba? Wala naman mawawala kung tatry lang hehe di naman ako umaasa gusto ko lang sya makaclose? Haha okay basta bahala na! Gagawin ko to! Andre beybeee wait for me!!!

Andito ako ngayon sa classroom at nag iisip ng pwedeng gawin habang nag didiscuss ang prof namin. Pano kaya kung bigyan ko sya ng flowers? Chocolates? Diamonds? Ha? BAHALA NA NGA!

"Hoy bakla tara na tapos na klase break time na tara gutom na ako te" parang lagi naman gutom tsk. "Eto na mag aayos lang ako gamit tapos baba na tayo". Inayos ko na ang gamit ko at bumaba na kami. Ng makababa kami nakita ko ang love of my life ko huhu sakto naman na kasama nya sila Riri

"Teka punta tayo kela riri ayun oh! Kasama nila si beybe ko! Daliiii!!!" Sabi ko at hinatak na si Patrick papunta sa field.

"Hi Riri! Hi Alexis! Hi Andre!" Sabi ko sa kanila ng naka ngiti hehe. Eto na first move

"Naks naman dumadamoves HAHA" sabi ni riri at tumawa naman si Alexis. " Hello Lea" sabi ni Andre. Onygassss!!

"Anong ginagawa nyo?" Tanong ko kay riri. "Magkagroup kami sa PE at kailangan namin gunawa ng basketball ring kahit simple lang pasahan na nga bukas e tsk." Sagot nya habang abala sila sa pag gawa. Busy bby ko huhu

"Ano naman maitutulong ko?" Hehe ganda points na rin to no. "Huy kain na tayo!" Sabi ni patrick. "Mamaya na tulong muna tayo sa kanila." Sagot ko. "Ihiram mo naman kami ng martilyo sa maintenance office lea samahan mo na Andre sige na" sabi ni Alexis. I so love this girl huhu. "Sure" sabi ko ng nakangiti hehe "sige tara na" sabi ni dre ko hehe pogi talaga

Nagsimula na kaming mag lakad sa maintenance office. Eto na ang pagkakataon!

"Uhm. Dre"

"Ano yun?"

"May sasabihin sana ako sayo e"

"Sure ano?"

Eto na lea! Huminto ako sa may tabi na walang masyadong tao at humarap sa kanya na tumigil na rin sa paglalakad

"Gusto kita" sabi ko sa kanya ng nakatingin sa mata nya. Omylord!

"Alam ko" sagot nya ng nakangiti.

SHIT? Obvious ba ako masyado?

"Talaga? Halata ba ako masyado?

"Sinabe sakin ni Riri at naririnig ko kayo minsan mag usap." Hayup talaga si taba!!! Nilaglag ako wengyaa!

"Ah.... G-gusto mo rin ba ako?" Tanong ko naman sa kanya. Nagulat sa sa tanong ko. Nabuhayan naman ako ng makita ko syang ngumiti. "Lea thank you kase gusto mo ako. Pero sorry kase di ko masusuklian yan e. Siguro friends nalang tayo?"

SHIT LANG?! Sakit naman nuuuun! Basted agad ako huhuhuhu

Nalungkot naman ako bigla pero ngumiti rin ako sa kanya at sinabing "Sige! Friends tayo FOR NOW pero liligawan kita!" Sabi ko ng malaki ang ngisi. Nagulat naman sya sa sinabe ko "Huh? Bakit ka naman manliligaw? Babae ka Lea pangit sa babae yun!" Sagot naman nya

"Di na uso yun. Kaya nga may gender equality e ah basta! Liligawan kita!"

"You're insane" sabi nya at dumilim ang kanyang mukha. Nako nagalit ko ata! Pero wala ng atrasan to!! FIGHTING!

"Wala ka ng magagawa baby boy! Andre ko hihi ako na kukuha ng martilyo ha sige na baka mapagod ka pa love you baby boy" sabi ko at nag flying kiss pa at tumalikod na. Grabeeee! Ito na Lea kaya mo to!!!

Chasing RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon