Napatawa naman kami don kahit sandali. Napilitan akong maghanap ng ibang pu-pwestuhan at mukang hindi na naman ako mawawalay sa dalawang tao na laging kakopyahan ko sa mga quizzes.

Pero madalas ako lang nangongopya.

"Jay-jay!" Nakangiting bati sakin ni Ci.

"Dating gawi." Sabi ni David at inayos ang upuan sa tabi nya.

At nakapagitan naman ako sa na kanila. Tatlo na naman kami sa gitna na parang may sariling mundo. Lalo kapag may pagkain akong dala.

Pero hindi ko to itatanggi, namiss ko to!

Halatang masaya ang mga luko. Tinignan ko yung bandang likod kung nasan ang iba. Nakita ko si Yuri sa kapareho nyang pwesto at sa hindi ko maintindihan na dahilan parang nakita ko ang Hari sa tabi nyang bakanteng upuan.

Nawala ang ngiti ko at ibinalik ang paningin sa harap. Napayuko ako kasabay ng pag-uulap ng mga mata ko. Nakakainis!

Pasimple kong pinunasan ang mga mata ko. Ayokong sirain ang kasiyahan namin. Ngayon lang ulit may magandang nangyari sa kabila ng naging gulo samin.

"Tahimik! Tahimik!" Sigaw ng kung sino habang humahampas sa lamesa.

Tumingin kami sa bandang likod kung saan nang-gagaling yon. Mukang si Denzel ang gumawa non pero agad ding syang naupo ng tumayo si Yuri.

"Alam kong lahat kayo na-e-excite at natutuwa sa bago nating classroom. Pero kailangan nating mag-ingat, hindi natin alam baka malaki ang maging kapalit nito." Sabi nya habang tumitingin saming lahat.

Dahan-dahan naman akong tumayo para kotrahin sya. "Hindi naman siguro ganun yun. Si Aries kasi ang naki-usap na ipagamit satin ang kwartong to."

"Pero may punto pa rin si Yuri." Singit ni Rory. "...alam namin na okay na kayo ng kapatid mo pero wag mong kakalimutan na galit sya samin."

"Tama! Tama!" Pag-sang-ayon ng iba.

"Hindi namin nakakalimutan ng dahil sa kapatid mo, hindi na kami naka-alis sa dating building." Sabi ni Drew.

"Sya rin ang nag-utos na tambakan ng basura ang building natin." Dagdag ni Blaster.

"Sya rin ang nagpalalim sa usap na bawal ang Section E sa cafeteria." Gatong pa ni Eren.

Napataas ang isang kilay ko sa mga pinag-sasabi nila. Alam ko yung sa usap sa cafeteria pero yung unang dalawang bintang nila. Parang ngayon ko lang ata nalaman.

"Teka nga! Bakit kung ano-anong binibintang nyo sa kapatid ko?" Inis na sabi ko.

"Hindi bintang yon. Nangyari lahat ng yon." Sabi ni Eman.

Parang umurong ang dila ko. Balak po sanang ipagtanggol ang kapatid ko sa kanila pero wala na kong masabi. Hindi ko naman kasi alam kung nagsisinungaling sila pero mukang totoo dahil naging kaaway din nila ang Horoscope na yon.

Shet! Ang hirap naman nito.

"S-siguro nga... Pero alam kong hindi na sya gagawa ng ganun ulit." Sabi ko kahit hindi naman talaga ako sigurado.

"Panu mo nasabi?" Tanong ni Josh.

"Dahil sisiguraduhin ko."

Nagtinginan sila lahat na parang may assurance na sila dahil sa sinabi ko.

"May tiwala kami sayo Jay." Sabi ni Mayo. "...kahit wala kang tiwala samin."

Ay pota neto!

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon