FIL-Chapter 13: Allergy

111 4 0
                                    

A/N: Sorry kung hindi niyo maintindihan ang ibang sentences or words na mababasa niyo, I'll try my best para hindi makagawa ng typos at wrong grammar. Hindi pa kasi ako nakakapag edit, I have no time, maybe next time. Thankyou :)

-

Third Person's POV

ABALA sila sa pag gawa ng dekorasyon sa kanilang Gymnasuim at para sa welcome back ng Owner ng University, lahat sila ay gumagawa.

HINDI maiwasang tignan ni Lennox si Jaxe, gusto niyang tulungan si Jaxe sa kanyang ginagawang pag lagay ng kurtina sa gilid ng stage, kaso marami 'rin itong ginagawa.

TUMINGIN si Jaxe sa umaalalay sa upuan na tinatayuan niya para masiguradong safe siya, may kataasan rin kasi ang kanyang inaapakang upuan para maabot niya ang lalagayan ng kurtina. "Ms. VP, kung ako nalang kaya ang gumawa niyan?" pag priprisinta ni Klea sakanya habang ito ay iniingatan na hindi matumba ang upuan na inaapakan ni Jaxe.

"No, thanks. It's okay." Hindi bumaling sakanya si Jaxe at ipinapatuloy ang kanyang ginagawa sa pag ayos ng kurtina at sa pag disenyo nito. Tumango nalang si Klea bilang sang-ayon sa sinabi niya.

ALAS siyete na ng gabi ay hindi parin sila natatapos, marami pa siyang gagawin tulad ng pag ayos ng upuan at pag lagay ng mga bulaklak sa baba ng stage para mas maging maganda ang kanilang ginagawa, ni isa ay wala sa kanilang nag reklamo at para daw kay Mrs. Floresca.

'Kung sinabi sana kaagad ni Princi tungkol dito ay dapat napag handaan namin ang gagawin, aish!'  Sa isip ni Dav Afaro na gumagawa ng pag dikit ng bold letters na 'Welcome Mrs. Eliedge' sa gitna ng pader ng stage, siya mismo ang gumawa ng mga letters na iyon, tumingin siya sa gilid niya na si Jaxe, napangiti ang binata dahil sa kagandahang taglay ni Jaxe. "Dav!!!" malakas na tawag sakanya ni Lennox na agad naman na inilingon nito.

"Oh?"

"Stop staring! Gawin mo ang ginagawa mo para matapos na." walang emosyon naman na sabi sakanya ni Lennox.

"Aish.. "

UMUPO sa tabi sina Mason at Noah, pinag papawisan ito dahil sa daming upuan ang kanilang inalsa mula sa Stock room hanggang sa Gymnasuim.

"Guys, kain muna tayo!" tawag naman sakanila ni Vincent habang may dala dalang isang tray ng mga pagkain na kakasya sakanilang lahat.

Tumango naman ang mga ito at lumapit kay Vincent, inilapag nito ang kanyang dala dala sa taas ng stage, nag silapitan naman ang lahat para kumain.

NAG AALALANGAN na tinignan ni Jaxe ang mga naka lagay sa tray.

'K-Kakain ba ako?' kabado ito habang nag iisip. Dahil allergy ito sa tinapay na dala dala ni Vincent kaya kinuha nalang nito ang Nature Spring na inumin na naandon.

"Hey, hindi ka kakain neto?" itinaas bahagya ni Klea ang kung anong klaseng tinapay ang kanyang kinakain. "Nope, I'm full." pag sisinungaling ni Jaxe dito, lahat naman ng mga Officers ay nakatingin sakanya dahil hindi siya kumakain at uminom lang ng tubig, ilang oras narin silang nag dedekorasyon kaya may dahilan na magutom si Jaxe.

TINIGNAN ni Noah ang dala dala ni Vincent na pagkain sa tray. Napa mura ito ng makita niyang 'tinapay' ang kanilang kakain, alam niyang allergic dito si Jaxe kaya mas lalo siyang napamura. Ex siya ni Jaxe at nag 3 years sila kaya halos alam niya ang lahat tungkol kay Jaxe.

PINIPILIT ni James Alfa si Jaxe na kumain ng tinapay na binili ni Vincent mula sa malapit na Mini store ng kanilang Universiy, may pag aalala din si James dahil hindi kumakain si Jaxe ng dala dala ni Vincent na tinapay. Kumuha ito ng dalawang piraso ng plastic na may lamang tinapay at iniabot ito kay Jaxe. "Don't worry, I'm full." pilit na ngiti na iniabot niya ang tinapay na kanina pa priniprisinta ni James sakanya, may hiya narin ito dahil kanina pa. Halos lahat ng mga Officers ay nakatingin kay Jaxe.

Fear In Love (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon